Jealous Marquez
Amanda Skye's POV
"Hello? Oh? Ano na naman ba 'yon? Jusko. Tatawag ka na nga lang, sa madaling araw pa! Ngayon pa, sa mahimbing kong pagtulog! At ano? Wala ka pang matinong dahilan para sa tumawag! Ikaw talaga Keiz, humanda ka sa 'kin mamaya!" Sabi ko kay Keiz na kapatid ni Vion. Pang-una si Vion sa kanilang magkakapatid at si Keiz naman ang pangalawa. Lima silang magkakapatid at halos lahat sila ay ka-close ko.
"O, ano? Ayaw mo ng chismis ko? Edi 'wag. Akala mo naman—" sagot naman ni Keiz pero hindi na niya naituloy ang sinasabi niya ng sagutin ko.
"Joke lang naman. Ikaw naman kasi e! O, ano na ba 'yung chismis? Siguraduhin mong maganda 'yan nang hindi kita mabugbog mamaya," syempre naman. Galit-galitan lang kanina. Pero syempre, chismis 'yan. Kaya naman go lang ako.
"Eto na. Naalala mo si Dain?"
"Oo naman. Iyon pa. O ano na?"
"Balita ko nakahanap na daw 'yon ng sugar daddy niya. Mga twenty years din ang tanda sa kaniya. Thirty-six na."
"Ay, weh? Sana all na lang sa kaniya. Hashtag, share your blessings naman diyan o!" Pabiro kong sabi.
"Anong share your blessings ka diyan! E may sugar daddy ka na nga!" Matawa-tawang sabi ni Keiz. Echoserang 'to!
"Echosero! Wala kaya!" Defensive ko namang sabi.
"Well, 'yung sugar daddy mo kasi, kasing edad mo lang! Sana all sa 'yo Skye! Haba ng hair. Pero 'yung haircut mala-dora. Tapos pala-gala pa!" Tumatawang sabi ni Keiz sa kabilang linya.
"Humanda ka talaga sa akin Keiz!" Huli kong sinabi at pinatay na ang tawag. Kasabay noon ay i-dnd ko na ang phone ko para hindi na ako ma-istorbo no'n. Hindi na naman ganoon kaikli ang buhok ko. Actually mahaba na siya dahil lagpas shoulders ko na siya e.
Ilang minuto na lang din naman ay 4:30 na. Kaya naman inayos ko na ang higaan ko at naligo na. Tutal, isang oras akong maligo, for sure hindi na ako mala-late ngayon dahil mas maaga ang gising ko.
Pagkatapos ko namang maligo ay agad akong dumiretso sa baba at kumain na. Kasabay ko pang kumain sina mama at papa pati na rin si kuya Louis.
"Ma, pa, alam niyo ba 'yang si Skye, may jowa na!" Sabi ni kuya Louis kaya naman agad akong nabuunan.
"Hoy! Wala kaya 'no! Bida-bida! Ma, pa, wala pa po. Dahil alam ko namang pong bawal pa dahil sixteen pa lang po ako. Nagbibiro lang po si kuya," pagtatanggol ko sa sarili ko. Sinamaan ko ng titig si kuya na siyang nasa harapan ko. Siya naman 'tong pangisi-ngisi.
"Buti alam mo anak, Skye. Na bawal ka pang mag-boyfriend. Magagalit kami ng mama mo sa 'yo kapag nag-boyfriend ka ng maaga. Makakapag-hintay 'yan anak. Sa ngayon, tapusin mo muna 'yung pag-aaral mo ng highschool. Pagkatapos noon ay papayagan ka na namin ng mama mo," bilin naman ni papa at kumain ng muli. Kumain na lang akong muli at si kuya naman ay nanahimik na ngayon.
"Ikaw naman Louis, anak, huwag mo ng inisin pa itong kapatid mo. Alam mo namang pikon 'yan e. Tapos kapag sinaktan ka naman magsu-sumbong at iiyak-iyakan mo kami ng papa mo," sermon naman ni mama kay kuya.
"Opo," mahinang sabi ni kuya.
Pagkatapos naming mag-agahan ay pumasok na kami sa school. Ako ang unang hinatid sa school ko since mas malapit ito kaysa sa school ni kuya. Agad kong hinanap si Keiz at nakita ko siya sa room namin na naka-upo sa arm chair at katabi si Vion. Agad akong lumapit sa kanila at binatukan si Keiz habang nakatalikod siya. Take note, mahina lang 'yung batok na 'yun ah!
"Ano ba?!" sigaw ni Keiz nung binatukan ko siya.
"OA mo," sabi ko naman at umupo sa tabi ni Vion. Ngumiti lang si Vion sa akin.
"Bakla ka. Alam mo ba, kanina ka pa hinihintay niyang si Vion. Kanina ka pa niya tinatanong kung nasaan ka na raw."
"Shut up, Keiz," malamig na sabi ni Vion habang nakatitig ng masama kay Keiz. Ngumiti lang naman si Keiz sa kaniya ng nakakalokong ngiti.
"Vion, punta tayo sa starbucks after class?" Tanong ko naman kay Vion.
"Sure," nakangiti na ngayong sabi ni Vion sa akin.
"Sama ako! Ako third wheel sa inyo!" saad naman ni Keiz habang may mapanglarong ngiti.
"HIndi puwede," saad naman ni Vion na ikinasimangot naman ni Keiz. Agad kong tinawanan ang nakasimangot na mukha ni Keiz.
"Sige na. Puwede na ng sumama. Huwag ka lang magulo a!"
"Oo naman. Ako pa!" Pagkapayag kong maaring sumama si Keiz ay siya namang ikinasimangot ni Vion. Hinayaan ko na lang siya at nanahimik na lang.
NASA starbucks na kami ngayong tatlo at may kaniya-kaniya ng inumin.
"Spill the tea na, bakla!" masayang sabi ko kay Keiz.
"Wala nang masasabi na bagong chismis acla ka!" natawa namang sabi ni Keiz.
"Vion, okay ka lang?" tanong ko kay Vion na kanina pang nakatitig sa akin.
"Yea. I'm fine," nagingiti namang sagot niya sa akin.
Habang nag-uusap kaming tatlo ay may isang lalaki na lumapit sa amin. Isa siya sa kaklase namin ni Vion pero hindi namin siya ka-close.
"Can I talk to you, Skye?" tumingin muna siya kay Vion at Keiz bago ituloy ang sinasabi niya, "In private. If it's only fine with you.
"Uhm, yea sure," sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko. Sinundan ko siya at iniwan ang dalawa.
KEIZ's POV
"Nagseselos ka 'no?" mapang-asar kong tanong kay Vion na ngayon ay sinusundan ng tingin si Skye na naglalakad papalayo.
"Shut up Keiz. You know my answer so stop asking," sagot niya at saka ininom ang kape niya.
"So, nagseselos ka nga?"
"Oo," wow! I never thought he'd admit that he's jealous, I, mean i've always tease him when Skye is with another boy. Sometimes he'd admit that he's jealous but he's hesitating to say it. Pero ngayon, diretso niyang sinabi? Then, he must be really, really jealous.
Ever since we were kids, mahal na mahal na talaga ni Vion 'yang si Skye. He's always been Skye's protector. One time, nung na-bully si Skye, agad na pinuntahan ni Vion 'yung mga nam-bully kay Skye at agad niya silang binugbog. Ending na-guidance tuloy si bakla. Pero sa kaniya, okay lang kasi ginawa naman niya iyon para kay Skye. Siya rin naman nagsabi na okay lang.
"Oh, you're back na!" sabi ko kay Skye na umupo na at himugop ng muli sa kape niya.
YOU ARE READING
The CEO's Wife (Marquez Brothers Series #1)
Roman d'amourNo one will ever take you away from me. I'm yours and you're mine, Skye. - Alessandro Vion Marquez Alessandro Vion Marquez- a man of his words. Lahat ng pangakong binibitawan niya ay tinutupad niya. Isang lalaki na seryoso tungkol sa business niya...