Kwatro

1 0 0
                                    

Para sayo, sa nagbabasa nito, huwag mong hanapin ang pag-ibig na nanakit sayo noon,
Bagkos, humanap ka ng bagong pag-ibig sa ngayon.
Huwag balikan ang pag-ibig ng nakaraan.
Huwag naising kagaya ng pag-ibig na dumaan.
Alam mo kung bakit?
Dahil nagawa kana nitong saktan, sukuan, iwan.
At ngayon gustong mong makahanap ng kagaya sa nakaraan.
Bobo ka ba o sadyang nag tatanga-tangahan?
Hahayaan mo nalang bang maulit na naman,
Ang sakit at pait na iyong pinagdaanan,
Dahil sa gusto mo lang ulit maranasan,
Ang tamis ng nakaraan pero ika'y sinukuan.

Mga Akda ni MikaelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon