Singko

1 0 0
                                    

Dahil sa pait ng aking pinagdaanan,
Isang ideya ang naka kubli sa aking isipan,
Na lahat ng tamis at saya ay sa simula lang pala,
Na lahat ng ito ay mawawala na parang bula,
Ngingiti sya ngayon at sasabihing mahal ka,
Bukas makalawa, wala na sya.
Bakit, nasaan na nga ba sya?
Ayun, nagpakasaya na sa iba, Habang ikaw, naiwang nagdurusa,
Nagtataka kung bakit nagawa nyang saktan ka,
Kung wala ka namang ibang ginawa kundi ang mahalin lang sya.
Pilitin mo mang intindihin kung bakit nya nagawa,
Hindi mo parin mahihinuha na kaya nya pala,
Kasi ang pagkakilala mo sa kanya ay kabaliktaran ngayon sa pinapakita nya,
Lahat ng yun pala ay isa lang pagsasadula,
Kasama sa plano nyang paibigin ka at iiwang nagdurusa,
Hindi mo inakala na ang salitang binitiwan nya na mahal ka,
Ay parte pala sa plano at pagpapanggap upang mapa-ibig ka.
Heto ka naman, isang tanga, agad-agad naniwala sa mga salitang binitawan nya.
Bakit nga ba?
Bakit nga ba ang bilis mong magtiwala?
Bakit nga ba kay dali ka nyang nakuha?
Kasi ang inakala mong pag-ibig na totoo,
Na matagal mo ng pinangarap na mabuo,
Ay isang lang palang pagpapanggap ng taong inakala mong makakasama mo hanggang dulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Akda ni MikaelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon