Agartha/Agatha's POV
"Stand straight, heads up and chest out" seryosong ani nito, ginamit niya pa ang hawak niyang stick upang maayos ang posisyon ko.
Kasalukuyan akong nag aaral ng etiquette kung tawagin dito, mag iisang oras na nga akong pa ulit-ulit dito at gusto ko ng umiyak. Mas gusto ko pang gumawa ng 2000 words essay kesa dito!
"Wrong!" may halong inis na sabi nito.
Nagsimula ulit ako at ginaya kanina, binalanse ko rin ang librong nakapatong sa ulo ko saka nagsimulang lumakad.
She's Lady Gonreih, the b!tch--este ang tutor ni Agatha. Mukha lang itong seryoso kung magturo pero may itim na budhi rin itong tinatago.
Agatha is already 19 years old pero tinuturuan pa rin siya ng proper etiquette, why? Simple lang, hindi kasi siya tinuturuan--no, should I say natigil ang pagturo sa kaniya noong nahanap na nila si Erianna.
Inampon lang nila si Agatha dahil medyo magkamukha sila ni Erianna, at noong eksaktong ika labing apat na kaarawan niya ay ang pagbalik ni Erianna. Simula noon ay nawala na ang atensyon ng pamilyang Vietricht kay Agatha.
Binigyan siya ng mga tutor sa bawat subject dahil hiniling niya ito sa kaarawan niya nong nakaraang taon, matagal na rin simula nong tinuruan siya ng proper etiquette kaya nahihirapan ito.
Hindi niya rin magawa ng maayos dahil hindi naman siya lumaki bilang isang noble lady, napabuntonghininga na lang ako sa mga ala-alang bumabalik sa isipan ko.
"Let's end for today, you did great today. I wonder if you'll still do great in our next meeting" eto na nga ang matabil niyang dila.
"Always remember your position in this house, wala ka pa ring makukuha kahit na mag aral ka" sabi nito na may ngisi sa labi. "You'll always be an outsider in Vietricht, tsk. Kung hindi lang malaki ang ibabayad nila sakin ay hindi na ako mag aabalang tanggapin ang walang kwentang pagtuturo sayo"
Napataas ang kilay ko sa sunod sunod na sinabi niya, ramdam kong kumikirot ang puso ko. Bigla bigla na lang din bumabalik sakin ang mga ala-ala ni Agatha kung saan ay palagi siyang gumagawa ng paraan para mapansin nila.
"Why are you glaring at me? Lumalaban ka na?" mataray na sabi nito, napakuyom ako ng kamao. "You know na kaya kitang ibagsak, and you can't do anything about it"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusa na lang bumuka ang bibig ko. "Really?" ramdam ko ang pagbago sa boses ko, para bang nawalan ito ng buhay.
"Sa ating dalawa, ako ang may kayang ibagsak ka" sabi ko ulit, kita ko ang inis nito sa mukha. "Kayang kaya kitang paalisin dito kahit kailan ko man gusto, alam kong tinitiis mo lang ako dahil sa perang makukuha mo. I know you're in big debt, you're even selling your body just to have money" ang seryoso kong mukha ay napalitan ng malawak na ngisi.
"Ano kaya ang iisipin ng mga tao kung nalaman nila na ang respetadong katulad mo ay lubog pala sa utang--"
"Shut up!" mas lalo pa akong natuwa dahil sa reaksyon niya.
"Ow you're afraid? Nasaan na ang tapang mo kanina, Lady Gonreih?" nakangising tanong ko.
"H-How did you...no, you're just lying. Gumagawa ka lang ng kwento!" tanggi nito, napatawa naman ako dahil kasalungat ang sinasabi niya sa ekspresyong pinapakita niya.
"Talaga? Kung ganon bakit ka kinakabahan?" gusto kong matawa dahil para siyang natatae.
"Y-you...Hah! Bakit ba ako nagpapadala sayo, nakalimutan mo na ba ang ginawa ko sayo. Hindi ka pa rin ba nadala!"
"Hmm? Bakit ko naman makakalimutan ang pagpapahirap mo sakin, salamat nga pala dahil don ay pwede kong gawing rason ito para palitan ang bruhang kagaya mo"
BINABASA MO ANG
I Am The Duke's Hated Daughter
FantasyShe is a girl who was reincarnated inside a novel written by her mother. Her soul ended up in the body of her favorite villainess who had a tragic life and died on her birthday. Can she escape her death? Since waking up in Agatha's body, her first g...