Chapter 5ALAM ni Eloisa na gusto ng umuwi ng kuya niya ngunit dahil hindi pa niya nakakausap si Cole at Lauren ay hindi pa sila pwedeng umuwi. Gusto niya kasing ngayon na sila makapag-usap nang sa gano'n ay sa kasal na lang ng mga ito siya pupunta.
Nakaupo sila at kaharap ang kanilang pagkain ngunit wala sa kanilang dalawa ng kuya niya ang nag-umpisang kumain. Hindi rin niya alam kung ilang champagne na ang naimon ng kanyang kuya ngunit alam niya na malalasing na ito sapagkat niluluwagan na nito ang suot na kurbata.
Ang kaninang maayos na buhok nito, ngayon ay magulo na sa paulit ulit nitong pagsuklay niyon gamit ang kamay.
Luminga linga siya sa paligid upang hanapin ang dalawa. Dahil marami ang bisita ay abala ang mga ito sa pag-iikot at dahil na rin nasa dilim sila ay hindi siya nakikita ng mga ito. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, dahil naka-focus siya sa kanyang misyon ay hindi niya namalayan ang musika at mga magkaparehang nagsimulang maghilahan sa gitna ng malawak na hardin.
Natanaw niya sina Cole at Lauren na nakaupo kasama ng dalawang batang babae. Msaya ang mga ito habang nilalaro ang mga anak. Napahinto siya sa paglalakad at nakatingin lamang sa apat.
Nanikip ang kanyang dibdib sa nakita at lumabas mula sa kanyang imahinasyon ang kanyang anak kasama ni Cole. Walang Lauren, dalawang batang babae. Si Calyx lamang at siya na masamang naglalaro.
Gustuhin man niyang manatili sa imaheng iyon ay kailangan niyang bumalik sa realidad. Dahil hindi iyon mangyayari. Nakikita niya kung gaano kasaya si Cole kay Lauren. At kahit na anong gawin niya ay hindi niya iyon mababago.
Tumingin siya sa madilim na kalangitan upang pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nasa ganoong sitwasyon siya nang mapasinghap siya dahil sa kamay na humawak sa ibaba ng likuran niya. Mabilis niya itong nilingon at ganoon na lamang ang paglaki ng kanyang mga mata nang makitang si Callum ang lalaking iyon.
Bago pa man siya makabawi ay kinuha na nito ang kanang kamay niya at ang nakahawak sa kanyang likuran ay gumapang patungo sa kanyang bewang. Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahilan para humawak siya sa balikat nito. Naging hudyat naman iyon kay Callum upang sumabay sa indayog ng musika.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil hindi niya inasahan na mapupunta siya sa ganoong sitwasyon. Lalo ng hindi niya inasahan na ang lalaking sasayaw sa kanya ay si Callum na hindi naman niya ka-close. At dahil si Cole at Callum ay magkapatid, hindi nalalayo ang mukha ng dalawa.
They both have the same feature, except their physique. Mas malaki ang pangangatawan ni Callum kaysa kay Cole dahil tulad ng kuya niya ay nagpupunta ito sa gym. Mas matangkad rin si Callum.
Hindi niya magawang mag-angat ng tingin sapagkat ramdam niya ang mga mata ni Callum sa kanya at ang amoy alak nitong hininga ay tumatama sa kanyang noo.
"Kailan ka pa dumating?" Kapagkuwa'y tanong nito sa kanya.
"Kanina lang."
Tumango lang ito.
Muli siyang nanahimik at sumabay lamang sa musika. Tinanaw niya ang kuya niya at napakurap nang makita na naroon si Cheska at sinusubukang itayo ang lasing na niyang kuya. Akmang bibitawan niya si Callum nang higpitan nito ang paghawak sa kanya at doon na siya nag-angat ng tingin na nasa kuya niya at kay Cheska rin ang mga mata.
Napalunok siya sapagkat wala siyang mabasang kahit na anong emosyon kay Callum. Kahit na anong pag-iba ng ekspresyon nito habang nakatingin sa dalawa ay hindi niya makita.
"I need to go." Halos hangin na lamang iyon na lumabas sa kanyang bibig.
"Let Cheska handle your brother." Bumaba ang tingin nito sa kanya at nang magtama ang mga mata nila ay may kung ano sa mga mata nito ang bumadha. Napakurap silang dalawa nang mapagtanto kung gaano sila kalapit sa isa't isa.

YOU ARE READING
A Trace of You [COMPLETED]
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...