EPILOGUE
ELOISA tried to hide the pain in her heart while watching the proposal of her best friend and unrequited love Cole to her friend Lauren. Sa ingay ng palakpakan at hiyawan ng mga bumabati sa dalawa, nagtatago ang isang babaeng naghihinagpis at nasasaktan.
She was supposed to be happy for both of them. She is their best friend after all. Pero kahit na anong gawin niyang pagngiti ay hindi parin niya maitago ang sakit sa kanyang emosyon.
Fuck!
She needs to get out of this place before she could ruin their happy moments. She didn't want to become that bitch. As much as she loves Cole, she has to respect their love for each other.
"Ma'am, champagne?" Tanong ng isang waiter sa kanya bago pa siya makaalis. May apat na champagne glass na nasa tray nitong hawak at imbes na isa lamang ang kunin niya ay kinuha niya ang tray saka siya nagtungo sa pinakamadilim na sulok ng bar.
Nang maibaba niya sa mesa ang tray ay sunod sunod niyang ininum ang apat na iyon at doon nagmukmok. Gusto niyang ilabas ang nararamdaman at salamat na napakalakas na sound system at mga hiyawan ng mga taong naroon ay walang nakarinig sa kanya.
Sa bawat daan ng waiter sa kanyang harapan ay kumukuha siya ng champagne o kahit na anong inumin na dala ng mga ito. Gusto lamang niyang matanggal panandalian sa kanya ang kirot. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili roon at nagmukmok. All she knew was when she woke up there was nobody in the bar.
She was alone. No Cole. No Lauren.
Paika-ikang nagtungo siya sa elevator at hinahanap mula sa numero ang floor ng kanyang hotel room. Ngunit may kung ano sa kanya na tumulak na pindutin ang Presidential Suite kung saan naroon ang kwarto ni Cole. Alam niyang naroon rin si Lauren ngunit dahil sa kalasingan niya ay nawawala siya sa kanyang sariling pag-iisip at hindi na niya alam kung ano ang tama at mali.
Both her heart and mind are in chaos, they no longer know reason. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay paika-ika siyang lumabas at tinahak ang hallway patungo sa suite kung saan may dalawang presidential suite na para sa pamilya Saavedra. Isa ay kay Cole.
Nanatili siyang nakatayo dahilan para makaramdam siya ng pagkahilo. Maging ang kanyang paningin ay parang dinuduyan siya at kahit na anong gawin niya ay hindi niya makita kung anong pinto ang kaharap niya.
She heard the doorbell and while she was waiting for Cole to open the door, she was already reciting her confession in her mind.
Yes. She's ready to confess. Whether it will break their friendship, it doesn't matter at that moment. Gusto lang niyang aminin kay Cole ang matagal na niyang nararamdaman. Kung magalit man ito sa kanya o si Lauren ay hindi na mahalaga.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga habang inaalalayan ang pagtayo niya. Pero hindi na kinaya pa ng kanyang katawan kaya naman nawalan na siya ng balanse. Sakto naman na bumukas ang pinto at ang isang makisig na braso ay pumulupot sa kanyang bewang.
Sinubukan niyang buksan ang kanyang mga mata at ganoon na lamang ang naging pag-ngiti niya nang makita ang naka-kunot noo na si Cole.
Iyon ang unang pagkakataon na makita niya ito sa ganoong ekspresyon. At hindi niya alam pero mas nagwapuhan siya rito. Mas nag-mature ito at kapansin pansin mula sa katawan nito na ngayon ay nakadikit sa kanya na mas naging matipuno ito. Si Cole ay matangkad na pero parang mas tumangkad pa ito ngayon.
Mahina siyang natawa. Marahil ay dala ng kalasingan kaya nabago ang pisikal na anyo nito.
Napasinghap siya nang bigla ay nawala ang mga paa niya sa sahig. Muli siyang natawa. Cole was never athletic so she knows that he can never lift her like that. He always complains about how heavy she was, so how can he carry her so easily.
YOU ARE READING
A Trace of You [COMPLETED]
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...
![A Trace of You [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/353823452-64-k802971.jpg)