Chapter 44

97 6 1
                                    

Chapter 44

THE moment she heard the loud gunshot, she knew she was already dead. She saw Ingrid point the gun right at her chest and she never doubt for a second that she will die. Ngunit makaraan ang ilang segundo ay tanging hiyaw lang ni Ingrid, iyak ng kanyang anak na mahigpit na yumakap sa kanya, at mura ng babae sabay ang isang malakas na kalabog sa lupa.

Iminulat niya ang kanyang mga mata, at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakita o sa mga nangyari. Alam niya na mamamatay na siya dahil sa nakatutok na baril sa kanya at malakas na pagputok na umaalingawngaw parin sa kanyang pandinig ngunit sa isang iglap ay heto siya at pinapanood ang babae na nakadagan sa likuran ni Ingrid habang ang magkabilang kamay ni Ingrid ay mahigpit nitong hinahawakan.

Panay ang mura ni Ingrid at pagpupumiglas ngunit wala lang ito sa babae na lumingon sa kanya. Marahas ang paghinga nito at hindi niya makitaan ng kahit na anong takot. "Doon muna kayo sa gilid habang hindi pa dumarating sila Callum." Anito sa kanila na kaagad naman nilang sinunod.

Hindi niya alam kung bakit siya nakaligtas sa sandaling iyon, ngunit kung may ibang plano pa ang Diyos sa kanya ay tatanawin niya na isang malaking utang na loob iyon sa babae. Nang sila ay makaupo ni Calyx sa gilid kung saan madilim ay pinanood niya ang paghila ng babae kay Ingrid na ngayon ay nakagapos na.

Kinuha rin nito ang baril na nabitawan nito saka tinanggal ang mga bala. "I got the woman. Eloisa and Calyx are safe." Anito sa headphone. Tumango pa ito bago bumaling sa kanila. "Callum is on his way. Susunduin ko lang siya. Huwag kang mag-alala, tumakas na ang iba niyang mga kasama pero para makasigurado ay dito ka muna."

Tumango na lamang siya bago siya nito iwan. Pagkatapos niyon ay dumako ang kanyang tingin kay Ingrid. Dahil nakatapat ito sa pinto kung saan nasisinagan ng liwanag mula sa ilaw sa labas ay kita niya ang pagpupumiglas nito.

Siniguro niya na hindi makikita ni Calyx ang mga nangyayari kaya naman ang mukha nito ay nakadiin sa kanyang tiyan.

Bigla itong natawa nang mapagtanto na wala na itong kawala. Kalaunan ay napalitan iyon ng paghikbi na bumaling kung nasaan sila. "Eloisa, tulungan mo naman ako. Hindi ako pwedeng makulong. May anak rin ako. Ano na lamang ang mangyayari sa kanya kapag nakulong ako? Wala siyang ibang aasahan kundi ako lamang." Pagmamakaawa nito.

Napakurap siya. Hindi niya inasahan ang sinabi nito ngunit imbes na awa ang kanyang maramdaman ay lalo lamang siyang nagalit rito. "Sana inisip mo 'yan nang dukutin mo ako kasama ng anak ko. Hindi mo manlang naisip kung ano ang magiging kinabukasan niya sa ginawa mo?"

"Eloisa, maawa ka." Pinilit nitong lumapit sa kanya. "Limang taon pa lamang siya."

"Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin ko na mapupunta siya sa pamilya na bibigyan siya ng magandang buhay."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay napalitan ng galit ang emosyon ni Ingrid at marahas ang naging paghinga nito. Pero hindi siya nagpatinag kay Ingrid at matapang niyang hinarap ang matalim nitong tingin. "Glare me all you want, you won't get away with what you did, not just to me but to Cheska aswell. Sana ay mapagtanto mo sa kulungan ang lahat ng mga masasamang ginawa niyo ng Congressman."

Napakurap siya nang magawang tumayo ni Ingrid sa pagkakaupo nito at may isa lamang itong misyon. Ang sugurin siya. Kumabog ang kanyang dibdib nang bumaba ang tingin nito kay Calyx dahilan para ilagay niya ang anak sa kanyang likuran. "Don't you dare!" Pagbabanta niya kay Ingrid, ngunit dahil kilala niya kung sino ang kaharap niya ay alam niya na walang silbi ang kanyang banta.

Habang nasa likuran niya ang kanyang anak ay hinarang niya ang kanyang kamay sa kanyang tiyan nang sa gano'n ay walang masamang mangyari sa kanyang dinadala. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Ingrid sa kanya. Mas mainam na siya ang masaktan kaysa sa kanyang mga anak.

A Trace of You [COMPLETED]Where stories live. Discover now