Chapter 45

719 17 1
                                        


Chapter 45

NAGISING si Eloisa sa mahinang tawanan ng pamilyar na mga boses ng dalawang tao sa kanyang buhay. Dahan dahan na iminulat ni Eloisa ang kanyang mga mata at hinanap ang pinanggagalingan ng boses ng mga ito. Hayun at abala ang dalawa sa paglalaro ng uno cards, ang kanyang anak na nakadapa sa sahig habang si Callum naman ay nakaupo.

"Daddy, you lose again!"

"Arrggghh!" Bagsak ang balikat ni Callum at kunwari'y umiiyak pa ito.

Muling humagikhik ng tawa ang kanyang anak saka ito bumangon sa pagkakadapa at yumakap sa ama. "Daddy, I want a piggy back as your punishment!"

"Alright."

Pinanood niya ang kanyang mag-ama sa ginagawa at hindi niya maiwasang mapangiti. Ngunit ang ngiti na iyon ay naglaho nang maalala ang mga nangyari at kaagad siyang napabalikwas ng bangon at humawak sa kanyang tiyan.

Napansin iyon ni Callum at dali dali siyang nilapitan at may pag-aalala ito sa mukha. "Are you ok? May masakit ba sayo? You want me to call a Doctor?"

Bumaling siya sa kanyang anak na tulad ng ama nito ay nag-aalala rin sa kanya. Hindi niya maiwasan na magpalipat lipat ng tingin sa dalawa dahil tunay nga ni ang dalawa ay magkamukha. Bakit nga ba niya naisip na anak ni Cole ang kanyang anak gayong mas malapit ang mukha ni Calyx kay Callum.

Umiling siya. "I'm fine, but..." Pinisil niya ang kanyang tiyan at doon nagbaba si Callum ng tingin at sumilay ang ngiti sa labi nito.

"The baby is fine." Dahan dahang ibinaba ni Callum si Calyx na kaagad namang sumampa sa kama at niyakap siya. Si Callum ay hinalikan siya sa noo. "You both are fine."

"Si Ingrid?"

"Nasa kulungan na siya."

Doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Ang tensyon sa kanyang buong katawan ay unti unting naglaho.

"Everything is going to be okay, El." Pinagsiklop ni Callum ang kanilang mga kamay at ang mga mata nito ay hindi nawalay sa kanya. Animo'y kapag nalingat ito ay mawawala siya bigla.

"I hope so."

Pareho nilang ninamnam ang katahimikan na namutawi sa pagitan nila hanggang sa hindi na niya namalayan na tumulo ang isang butil ng kanyang luha. Kaagad namang pinunasan ni Callum ang luha saka nito hinaplos ang kanyang pisngi. Pikitmata niyang dinama ang init ng palad ni Callum na banayad na humahaplos sa kanyang pisngi.

She thought she was going to die, along with the baby inside of her. She thought she would leave her son and Callum in this world and would never see them again. But God gave her another chance to live and be with her family again. A chance to bring another angel into this world. Wala na siyang ibang mahihiling pa.

"How long was I asleep?"

"Just a day." Sagot ni Callum na pinindot ang red button sa pader upang tumawag ng Doktor o nurse. "Bukod sa kaunting gasgas sa braso at siko mo. Wala ka ng iba pang sugat. But I asked the Doctor to keep an eye on you for another day just to be sure."

"The baby?"

"Strong." Nakangiting sagot nito sa kanya at dumukwang upang gawaran siya ng halik sa labi. "Just like me."

Natatawang umirap siya rito.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang Doktor at Nurse upang siya ay tingnan at masiguro na pwede na siyang lumabas. Binuhat ni Callum ang kanilang anak na bagama't ayaw siyang pakawalan ay wala itong nagawa.

"It seems like you are ready to go, Mrs Saavedra." Saad ng Doktor nang matapos ito sa pagtingin sa kanya. "Everything is great, pero abiso ko lang na huwag magpagod lalo na at nasa kaselanan ka pa ng iyong pagbubuntis. Bago ka ma-discharge ay papatingin muna kita sa ating OB-GYN upang masiguro na maayos ang baby mo sa sinapupunan."

A Trace of You [COMPLETED]Where stories live. Discover now