Nakakaloka

17 1 1
                                    

Hello I'm Blaze Cayenne delos Reyes, 16 years old and incoming college. So ayun mag cocollege na ako, sobrang nakakaba kasi mag kakaroon na ako ng new classmates, friends, teachers, environment and so on. Kinakabahan ako ng sobra lalo na sa first day of class kasi naman wala pa akong kilalang classmate ni isa. After 2 days habang nag fafacebook ako yung friend ko inadd ako sa isang group na puro frosh yung nandoon at may nakita akong nag post na same course and section ko so nag comment ako dun. A few hours later inadd ako nung future classmate ko so ayun inaccept ko na siya at nag chat ako ng thank you then inadd niya ako sa group chat. Nagulat ako kasi ang dami na nilang convo at parang sobrang close na nila. Na OP ako sa mga pinag uusapan nila so ayun nag chat ako ng Hello 😁 then may nag reply naman at nag hi din. Nakakainggit na nakakaka OP sila promise kasi yung tipong naiinggit ako kasi close na sila lahat at OP ako dahil di ko alam pinag uusapan nila, alangan namang mag backread pa ako eh jusko ang dami dami na nilang mga chat. Then a few minutes may notif "Cascade Jan Mendoza sent you a friend request" so ayun inaccept ko siya. Nag chat siya agad sakin ng "hello classmate :)" ako naman nag hi din. Tapos ang ingay nanaman sa group may mga pinag uusapan sila about sa incoming orientation at intro na mag gagala daw at kung ano ano pa.
Orientation day, andun na kami ng mom and friend ko sa auditorium para umattend ng orientation, habang may nag sasalita sa harap biglang nag text yung ma classmate ko na magkita kita daw kami mamaya so ayun nag reply ako ng sige, nung pagtaas ko ng tingin parang nag stick yung mata ko dun sa lalaking nakatalikod sakin at nag lalakad pabalik sa upuan niya na naka kulay blue na shirt with his silver necklace at gray na pants kasama niya ata yung mom niya. Di ko matanggal yung mata ko dun sa lalaking yun kasi parang familiar talaga siya, so may idea ako na siya yun yung nag add sakin so ayun tinext ko siya at ayun nga siya nga yun! Pero sheet lang yung mata ko parang na glue dun sa buhok niya! Grabe naman kasi parang na in love ako dun sa buhok niya! Naa-attract ako lalo na sa left side na hair niya! Grabee! Sobrang pogi ng side na yun para sakin at parang pang artista yung parang araw araw pinapa salon! Di ko kineri teh! With his perfect hair, necklace, blue shirt and white skin! Ayyy sheett mapapamura ka talaga! Na inlove ako sa likod at buhok niya! Oo LIKOD at BUHOK! Kasi di ko nakita yung mukha niya! Kainis! Tapos ayun nag patuloy lang yung orientation at bigla akong nagutom dahil di ako nag breakfast so ayun bumili ako ng krispy kreme cookies and cream cake at sheet lang ang sakit nung tyan ko dahil kumain ako aga nun eh di pa ako nakain ng kanin at biglaan pa! Kaya ang kinalabasan tinawag ako ng kalikasan! Nakakainis talaga yung momment na yun! Tapos na wrong send pa ako kay Jan na tinatawag ako ng kalikasan at ang sabi niya ewww ay pucha nakakahiya! So wala akong nagawa kundi umuwi, ayoko naman kasi doon ilabas to kasi di ako sanay sa iba gusto ko sa bahay lang namin! Hahaha tapos ayun umuwi ako at bumalik din. Wala na si Jan nung pagbalik ko! Sayang di ko siya nakita! Nakakaloka! 😂😂😂

SEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon