Chapter 1

80 16 6
                                        

Trinity 1
Dami TYPO. Dami Gramaticall Erorrs. Sabaw. La kwenta. Enjoy Reading!

—Anna Guiverra—

"Hi Kuya Guard!" nakangiti kong bati pag kapasok ko sa iskwelahan. Anong school? Ang Trinity Academy.

Itinuloy ko ang pag lalakad ng muntik na akong matumba sa gulat ng mag sumigaw sa pangalan ko.

"ANNA GUIVERRA!!"

*Pakk*

"Bakit mo ako iniwan!??? Hindi mo man lang ako ginising! Napaka walang kwenta mong kaibigan! Huh!? Bahala ka sa buhay mo! Hinding hindi kita papansinin sa araw na toh!" galit at dire-diretsong sabi niya saakin. Siya si Schythe Aeign Mier. Ang matalik kong kaibigan. Hinimas ko muna ang parteng binatukan niya saakin tsaka sumagot. Kaya lang sasagot palang sana ako ng inunahan na ako ng tiyan ko.

*growwllll*

Napa harap saakin si Schythe at tinignan akong mabuti.

"Hindi ka pa kumakain? Tara nga sa Canteen. Tsk. Mamaya mag kasakit ka niyan sa ginagawa mo eh. Tss" kita mo toh, sabi niya hindi daw niya ako papansinin at bahala na daw ako sa buhay ko. Pero heto!
Hila-hila ako!

*cafeteria*

"Upo don! Ako ng bibili ng pagkain mo." mag rereact pa sana ako ng bigla niya akong tinulak pa-upo at umalis siya. Tsk. Kita mo yon. Napaka weird!
Napalingon ako sa babaeng nag iisa na nakaupo doon sa may malapit saakin. She looks so lonely. Mukhang mabait naman siya. Gusto ko siyang maging kaibigan!!!

Hindi na ako nakapag pigil at nilpitan ko yung babae.

"Hi!" Masigla kong bati sa babaeng pinuntahan ko.

She stared me and tss-ed with a cold voice. Mataray ata?

"Ahm, pwede po bang makipag-kaibigan?"naka-ngiti kong tanong. Tinaasan niya ako ng kilay at akmang sasagot na, nang may tumawag sakanya.

"Daille Ienne Park," matamlay na tawag ng isang lalaki sakanya. So? Daille pala name niya?

"Hindi ako nakikipag kaibigan sa mga taong mukhang hindi naman dapat na maging kaibigan," at pag tapos niyang sabihin yon, umalis na siya kasama yung lalaki. Bumalik naman na ako sa table namin ni Schythe.

—Xandra Nicole Gunner—

"See you in that wedding dress. Ohh see you in that wedding dress~" napapa-head bang na lang ako sa pinapakinggan ko, at sinasabayan ng kanta. Na-eeLSS nanaman ako sa kantang toh.

*poke*

Tinignan ko kung sino ang nag-poke saakin, sina Leigh at Ash pala.

"Kaya naman pala hindi tayo nito pinapansin dahil hindi niya tayo naririnig, Ash," sambit ni Leigh. Sya si Ashleigh Eunice Crossford ang isa sa kaibigan ko, at may kinakain nanaman siyang LOLIPOP. Leigh ang tawag naman sakanya.

"I highly agree! Bakit kasi nag-heheadset ka? Kaya tuloy yung mga taong tumatawag sayo, aakalain kang hindi mo sila pinapansin," and that Ashlee Martinez. Kung si Leigh ay may Lolipop, siya naman ay may Mikmik na kinakain, tapos binubuga niya saamin ni Leigh. Ash ang tawag namin sakanya. Short for Ashley.

Sumabay sila sa pglalakad saakin patungong Class C— ang room namin. Magkakaklase lang kaming tatlo at mag kaka pareho ng Dorm. Pero hindi sila ang kasama ko sa Dorm Room ko. Pang dalawahan lang kasi ang bawat isang Dorm Room. Hindi ko naman kilala kung sino ang ka-dormate ko.

Trinity AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon