Ilang oras ang naging biyahe at sobrang nakakapagod iyon. Pinagpahinga ko nga muna si Mang Lito para hindi siya mapagod ng sobra sa pag-uwi niya mamaya. Nakatulog siya sa sofa matapos naming kumain.
Ang mga gamit ko ay nilagay ko naman sa kwarto. Mamaya ko siguro aayusin o baka bukas na lang. Nagpahinga ako saglit ng kaunti at nagpasyang maligo na.
Hindi ako tinanong ni Lola kung bakit bigla akong nagpasyang umuwi. Pero nasisiguro kong bukas o sa mga susunod na araw ay tatanungin niya na ako. Naalala ko pa ang huling sinabi ko sa kaniya nung umuwi ako rito. Ang sabi ko ay kasama ko si Jaize sa susunod na uwi ko, pero hindi nangyari iyon.
“Ate Bea, ano raw gusto mong ulam sabi ni Lola?” ani pinsan ko.
Nagpapatuyo ako ng buhok ko ngayon. Magluluto na agad si Lola ng panghapunan? Anong oras pa lang. Katatapos lang ngang kumain ng para sa tanghalian. Alas tres pa lang naman ng hapon ngayon.
“Ako na magluluto mamaya,” sagot ko.
Lumabas ako ng kwarto at sakto namang nagpaalam na rin si Mang Lito na uuwi na siya. Binigay ko na ang bayad ko kanina, dinagdagan ko pa nga iyon dahil sa haba ng biyahe namin.
Si Lola ay nasa kapitbahay. Tinatamad naman akong lumabas at pumunta ro’n kaya nanatili na lang ako sa sala at tinuon na lang ang atensyon sa phone. Kausap ko sa chat si Steph at ang ibang kaibigan ko pa.
Wala pa ako sa mood magkwento sa kanila tungkol sa nangyari sa amin ni Jaize. Pero alam nila na wala na kami. Hindi naman nila ako pinipilit na magkwento. Naghihintay lang silang magkusa ako na magsabi.
“Pasuyo nga ako ng load,” sabi ko sa pinsan ko.
Inilagay niya ang number ko sa phone niya para hindi ko na raw isulat sa papel. Fifty lang ang pinapa-load ko. Wala naman akong ibang pagkakaabalahan sa phone. Gusto ko lang may load para kahit papaano makapagreply pa rin ako sa ibang kausap ko na kaibigan ko sa Instagram.
Habang naghihintay ay nakaupo lang ako sa sofa. Hindi rin naman nagtagal ay natanggap ko na ang load. Ni-register ko naman na iyon. Nagsunud-sunod ang mga notif na galing sa Instagram. May mga chats ang kapatid ni Jaize sa akin doon.
Si Phoebe na may sinend pang picture na hindi ko pa nabubuksan. Ano naman kaya iyon? Inuna ko munang reply-an ang mga kaibigan ko. Sinunod kong buksan ang kay Phoebe at nakita kong may iba pa pala siyang chat.
Phoebe:
Ate Ea, nakakainis huhu. Bakit ka umalis?
Ate Ea, tingnan mo ’to. Hinaharot niya si Kuya porket nalamang break na kayo.
Marami pa siyang chat. At ang picture na sinend niya ay mga chats nung ex ni Jaize. Convo ni Jaize at ang ex niya iyon at mukhang sinend nga ni Jaize sa kapatid niya. Sobrang open nila sa isa’t-isa. Nabasa ko ro’n na todo effort sa panghaharot ang ex niya. Puro cold reply naman si Jaize rito.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Miss na miss ko na siya. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Kung anong ginagawa niya, kung kumain na ba siya sa tamang oras o nagskip siya ng dinner na naman kasi busog siya. Kung nasa terrace lang ba siya at nakatambay saka nanonood ng mga videos sa fb.
Miss ko na siya pero hindi ko siya magawang kausapin. Ako naman ang nagdesisyon nito. Pero nasasaktan pa rin ako. Kaya naman pala talaga niyang wala ako. Kinakaya niya.
“Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?” tanong ni Lola.
Ilang araw nga ang lumipas bago niya ako tinanong tungkol doon. May idea naman siguro siya, gusto niya lang na sa akin mismo manggaling ang sagot.
“Break na kami,” sagot ko naman.
May kaunting kirot akong naramdaman sa puso ko pagkatapos kong banggitin iyon.
BINABASA MO ANG
Right Here (BOOK 1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: November 8, 2023 Ended: December 14, 2023 Brianna Ealeen Flores is a strong independent woman. Others says sheʼs intimidating, because of the way she talks. But the truth is sheʼs jolly, cute, and kind. Smal...