Gusto ni Jaize na matulog dito pero wala naman siyang dalang extra clothes niya. May pasok pa siya bukas.
“Saan ka nagluluto ng ulam mo?” tanong niya.
Wala pa akong gamit sa kusina. Kulang kulang pa ang mga iyon, ang nandoon lang ay ang madalas kong gamitin katulad ng kutsara, tinidor, at plato.
“Sa rice cooker,” sagot ko naman.
Maraming gamit ang rice cooker ko. Doon kasi ako nagluluto ng ulam minsan, minsan naman ay de-lata na lang ang ulam ko.
“Baka naman masira ito,” aniya habang tinitingnan ang rice cooker ko.
Nagsasaing pa lang ako ng para sa hapunan. Bibili na lang ako ng ulam sa labas. May malapit namang mga tindahan ng ulam doon. May nag-iihaw pa nga sa labasan. Kumakain naman ng ganoʼn si Jaize kaya baka inihaw na lang ang ulamin namin ngayon.
Ganoʼn lang palagi ang ganap naming dalawa. Kapag nandito siya sa apartment ko minsan ay may dala na siyang pamalit niya dahil dito siya natutulog minsan. Sa work ko naman ay naging maayos naman iyon kahit nakakapagod. Tuwing uuwi ako ay palaging bagsak ang katawan ko sa kama at nagpapahinga saglit dahil sobrang ngalay na ang mga binti ko sa pagtayo at paglalakad sa trabaho.
Sometimes I went to Jaizeʼs house. Naaabutan ko rin na nandoon ang kapatid niyang si Farrah. Sheʼs nice, kind, and pretty. Madaling makasundo parang si Jaize. Napansin ko rin kapag nasa kanila ako ay nakikita ko talaga kung paano mag-alaga si Jaize sa kapatid niya.
Farrah is one year younger than me. Kaya siguro nakasundo ko rin talaga siya. Phoebe is fine, too. Sobrang gala raw noʼn sabi ni Jaize. Naka-close ko rin naman siya. Mababait naman ang mga kapatid ni Jaize.
“Sa bahay ka na lang umuwi mamaya,” si Jaize.
Dito siya natulog na naman. Wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Kaya kapag nagkakausap kami ni Nicole ay lagi nitong sinasabi na sobrang weak namin ni Jaize. Well sometimes we made out, pero hanggang doon lang muna, si Jaize rin ang kusang nagpipigil.
“Okay, love. Ingat sa work,” bilin ko sa kaniya.
Day off ko ngayon pero balak kong maggrocery muna. May pasok si Jaize pero half day lang naman daw. Mauuna na ako sa kanila mamaya dahil nandoon naman ang dalawang kapatid niyang babae.
Pagkaalis niya ay naglinis muna ako ng apartment ko. Malapit na akong sumahod kaya magkakaroon na ako ng iba pang gamit dito sa apartment ko. Patapos na akong maglinis nang may maalala ako.
“Nakalimutan siguro noʼn na birthday ko ngayon,” nakangusong sabi ko sa sarili ko.
Makakalimutin pa naman iyon lalo na sa mga ganitong birthday. Kahit ako nakalimutan kong birthday ko ngayon, nakita ko lang sa phone ko kaya nagulat din ako na birthday ko pala. Masyado kasi akong tutok sa trabaho at sa mga kailangan dito sa apartment. Twenty two na ako ngayon. Ang hirap maging adult. Ang daming kailangan sa buhay. Gusto ko na lang maging hotdog sa ref.
Pagkatapos kong maglinis ay nagpasya na akong bumili ng mga stocks kong pagkain. Wala pa akong ref, pero balak kong bumili nung maliit lang, ang hirap kasi kapag walang ref, hindi ako makapagstock ng mga frozen foods. Pati sa ibang gulay, hindi ko rin mabili at ma-stock dahil baka mabulok lang at masayang.
“Ate, magkano po rito sa ubas?” tanong ko.
Bigla akong natakam nung nakita ko. Parang crunchy kasi kagatin, malalaki kasi at walang buto naman ang iba. Paborito ko pa naman ʼto.
“Kalahating kilo ay dalawang daan,” sagot niya.
Mahal pero bumili pa rin ako. Minsan lang naman kasi ako bumili ng ganito, kapag lang talaga nagcrave ako. Pero ang gusto ko talagang kainin ngayon ay donut na bavarian. Hindi ko pala nasabi kay Jaize, mamaya ay sasabihan ko siya. Baka may madaanan siyang nagtitinda ng donut.
BINABASA MO ANG
Right Here (BOOK 1)
Romance©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: November 8, 2023 Ended: December 14, 2023 Brianna Ealeen Flores is a strong independent woman. Others says sheʼs intimidating, because of the way she talks. But the truth is sheʼs jolly, cute, and kind. Smal...