22

15 7 0
                                    

Kung sa ibang tao masyadong mababaw ang ganitong break up, for me, this is the painful break up. No girls involve. No cheating. Not fall out of love. Sadyang hindi lang talaga tugma para sa amin ang isa’t-isa. Sadyang may mga bagay na kahit ipilit, hindi magwowork. Kailangan maggrow seperately.

Pwede pala ’yon? ’Yung bigla mo na lang marerealize na kailangan mong bumitaw sa mga bagay na gustung-gusto mo pero alam mong hindi aayon kahit anong gawin mo.

Baka nga nasa akin ang problema. Masyado ko sigurong bini-big deal ang mga bagay-bagay. But small things are really matter, right? Kung sa simpleng bagay pa lang nagkakaproblema na agad, paano pa kapag malaking bagay na pala?

“No. Hindi naman kailangang umabot sa ganito, mahal,” aniya.

Kinalas ko ng tuluyan ang yakap niya sa akin. Bahagya pa akong umatras. Konti na lang ay makakalabas na ako rito sa terrace.

“Kailangan, Jaize. We need to grow seperately. Hindi ko alam kung kanino ba may problema, e. Baka sa akin? Kasi masyado kong napapansin ang mga maliliit na bagay at nagiging issue sa akin iyon? O baka nasa ’yo ang problema? Kasi sa tuwing nagiging cold ka o wala ka sa mood, hindi ka maayos makipag-usap o minsan nga hindi ka talaga nakikipag-usap,” sambit ko.

He tried to pull my hand but I refuse. I saw him look at my hand. Tinago ko iyon sa likuran ko.

“Tapos kapag okay ka na, makikipag-usap ka sa akin na parang walang nangyari. Tapos ako na sobra sobrang nag-isip, wala na ring magagawa kasi lagi kong sinasabi sa sarili ko na baka masyado ko lang talagang dinamdam ’yon, na baka masyado nga lang akong overthinker kaya lahat ng bagay nalalagyan ko ng meaning kahit wala naman pala dapat?”

“Wala naman kasi talaga. May mga oras lang talaga na hindi ako nakakapagreply. May mga gawain din kasi ako, Bea. Parehas tayong busy. Parehas tayong may trabaho,” aniya.

Napatango ako. “Pero nagagawa kong magparamdam sa ’yo kahit na anong busy ko ’di ba?” sambit ko na nakapagpatahimik sa kaniya.

Minsan naiisip ko rin, hindi siya takot na mawala ako sa kaniya. O kampante siyang hindi ako mawawala kasi mahal na mahal ko siya. For him, the last thing I will do is to leave him. Pero minsan kailangan talagang bitawan ang mga mabibigat na bagay para gumaan ang pakiramdam.

I need to let go of this relationship before it ruin me, like before. Ayaw kong maulit ang nangyari sa akin noon na halos makalimutan ko ang sarili ko dahil sa isang lalaki. I don’t want to feel unwanted. I don’t want to feel unworthy and unloved. Ayaw ko ’yung pakiramdam na parang wala lang ako sa isang tao, na kaya nilang gumising araw-araw na hindi nila ako iniisip man lang.

“Let’s end this. Para din naman ’to sa ’yo, sa ating dalawa. Makakafocus ka sa trabaho mo. You don’t need to update me anymore. You can do whatever you want to do, Jaize.”

Wala pa kaming isang taon na magkarelasyon. Ilang buwan kaming LDR at no label. Pero kung pagsasama-samahin lahat ng iyon, marami na kaming napagdaanan, marami na kaming nalagpasan. Sa parteng ito lang talaga pumalpak.

“I don’t want this,” he mumbled.

“Bye, Jaize.”

No more words. Masyado nang masakit para magbitaw pa ng mga salita sa kaniya. Umalis ako kahit na umuulan. Wala na akong pakielam kahit na mabasa pa ako. Tinakbo ko ang madilim na daan. Naghahalo ang luha at patak ng ulan sa mukha ko.

I want to shout. I want to release the heavy feeling in my heart. Pero kagaya ng nakasanayan ko, tahimik na lang akong umiyak. Bukas sana okay na. O kahit sa mga susunod na araw.

“Oh? Nakasalamin ka yata ngayon? Nakalimutan mong magcontacts?” si Cyn.

Dapat nga ay hindi ako papasok ngayon. Ayaw ko lang idamay ang trabaho ko sa personal kong problema. Kaya kahit mabigat ang loob ko ay pinilit ko pa ring gumayak talaga kanina.

Right Here (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon