.

14.6K 26 0
                                    

NAGTULOY tuloy ang pagkikita namin ni Mang Kaloy. Tuloy din ang kasarapan na ginagawa namin. Hindi ko magawang isipin na isang araw ay baka maputol nalang ang ugnayan namin dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko sya, hindi pa ako umamin dahil alam kong isa iyon sa ikasisira ng magandang relasyon namin.

Normal lang kami sa harap ng aming mga kakilala pero kung kaming dalawa nalang ay daig pa namin ang bagong kasal na mag asawa.

Masarap ang bawat nakaw naming sandali, sulit na sulit bawat segundo.

Ngunit biglang dumating ang aking kinatatakutan. Isang sampal ng katotohanan. Sampal na galing sa aking magulang.

"HINDI KITA PINALAKING WALANG DELEKADESA ELENA PARA PUMATOL SA LALAKING MAY ASAWA!" sigaw ni Itay matapos akong sampalin.

Ang mga luha kong patuloy sa pag agos habang hawak ng aking kamay ang nasampal na pisngi.

"T-tay, N-nay" ang syang tanging kaya kong iusal

"KAILAN PA ELENA! KAILAN PA!" bulyaw ni Itay

Hindi ako makasagot.

"KAILAN PA! MAGSALITA KA KUNG AYAW MONG MASAKTAN ULIT KITA"

"M-matagal na po" humahagulgol na iyak ko

"Tangina Elena, san kami nagkulang?" Ang syang tanging naiusal ng aking Itay na mas lalong nagpaiyak sakin lalo na ng makita kong nanlulumo sya

Hindi ko alam kung kanino nila nalaman, basta umuwi nalang sila sa bahay at agad akong kinompronta.

"Anak ayos lang sana kung mas matanda sayo, kung kaedad ko o mas matanda pa sa akin, kaso anak may asawang tao yun, pamilyado" sabi ni Itay

"P-pero mahal ko po sya Itay"

"Mahal mo sya pero may asawa sya. Mag impake ka. Dun ka titira sa lola mo" sabi nito

"Pero tay--"

"Walang pero pero, titira ka sa lola mo, mag impake ka at ihahatid kita, ngayon na. KILOS!" sigaw nito kaya naman kahit nahihirapan ay kumilos ako.

Mas lalo akong napaiyak at nanlumo dahil aalis ako, iiwan ko ang taong mahal ko. Iiwan ko ang ama ng batang nasa sinapupunan ko..

Oo. Buntis ako, balak kong isorpresa si Mang Kaloy, pero ako ang nasurpresa ng magulang ko. Dahil bukod sa alam nila na may namamagitan samin ay napansin nilang buntis ako.

DALAWANG LINGGO na ako dito kila Lola. Panay ang iyak ko tuwing gabi sa kwarto. Wala akong balita kay Mang Kaloy, kinuha ni Itay ang cellphone ko, sa cellphone lang sila ni lola tumatawag at pag tapos ng tawag ay kinukuha na din agad ni Lola ang cellphone nya.

Hindi ako masyadong lumalabas ng kwarto. Bukod sa wala akong kakilala dito ay wala akong gana dahil inookupa ni Mang Kaloy ang aking isip.

Kamusta na kaya sya? Alam nya na kaya ang nangyari sa akin? Galit ba sakanya si Itay? Nanatili ba silang magkaibigan? Kumalat ba ang relasyon namin sa amin?

Sa isiping kumalat ang relasyon namin sa amin ay nanghihina at mas napapaiyak ako, wala na akong mukhang ihaharap sa amin. Lalo na kila Inay at Itay dahil tiyak na madadawit ang kanilang pangalan sa kahihiyan na dinulot ko. Sa asawa ni Mang Kaloy na trinaydor ko, may sakit pa naman ito.

"Elena apo, kakain na" tawag ni lola habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Wala po akong gana Lola"

"Hindi ka maaring magmukmok na lamang jan sa kwarto mo Elena at gutumin ang iyong sarili  . Tandaan mo may batang nabubuhay jan sa sinapupunan mo. Huwag mong hintaying kaladkarin kita palabas jan sa kwarto" galit na sabi nito

Duon ko lang naalala na buntis nga pala ako.

"Opo" sabi ko at kahit nanghihina ay pinilit kong tumayo.

Tama si Lola, hindi ako pwedeng magmukmok na lamang at may bata na sa sinapupunan ko. Kaila gan kong maging matibay at maging responsable.

KASALUKUYAN akong nakaupo sa may gilid ng tulay, pinapanood ang mga kabataang naglalaro ng basketball habang himas himas ang tyan kong medyo malaki na.

Limang buwan na ang nakakalipas mula nuong ipunta ako dito ni Itay upang ilayo sa lugar namin, kay Mang Kaloy.

Ginawa ko ang lahat upang maiangat ang aking sarili sa kalugmukhan ng kalungkutan.

Dinadalaw ako nila Inay isang beses kada buwan . Kapag dumadalaw sila at nagtatanong ako tungkol kay Mang Kaloy at tikom lamang ang kanilang bibig at si Itay ay laging galit. Paulit ulit sinasabing kalimutan ko na si Mang Kaloy. Ngunit paano ko makakalimutan ang lalaking mahal ko? Ang ama ng anak ko.

"Lalim ng iniisip ni buntis ah" napatingin ako sa nagsalita, si Federico, Fed kung tawagin.

Pilit lang akong ngumiti dito.

"Namimiss mo na ba sya?" Tanong pa nya.

"Oo" sabi ko habang tumatango.

Si Fed ang naging kaibigan ko dito sa San Jose. Si Fed ay isang binabae ngunit hindi lantad dahil ang pamilya nya ay puro sundalo, ayaw ng mga ito sa bakla, kaya naman kahit ayaw ni Fed ay iyon din ang kinuha nya.

"Hayst, miss ko na din ang jowabels ko, sayang lang at hindi kami makapag date sa labas at baka majombag ako ng fatherlalu ko" bulong nito kaya natawa ako

"Kung ano pa yung gustong gusto natin, yun pa ang hindi pwede" malungkot na sabi ko

"Ay halla si Ante gumaganern, pero legit na legit, ang sabi nga kung anong masarap yun pa ang bawal. Ang nakapitas sa pukelya mo ay ang taong bawal " sabi nito

Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa bunganga nitong lantaran.

"Kung isungalngal ko sayo tong pukelya ko?"

"Eww" nandidiri nitong sabi at lumayo sakin kaya napatawa ako.

Allergy talaga ito sa babae, lalaki talaga ang hanap. Sabagay mahilig to sa talong, patuhog ng patubog kay Hendrix, boyfriend nya.

Elena  &  Mang Kaloy (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon