"SI HENDRIX sana kasama ko dito hindi ikaw. Nakakainis naman kase, bawal magladlad ang bakla at baka madeads ako agad agad" nakabusangot na sabi ni Fed habang kumakain kame dito sa Jollibee .
Sinamahan nya ako magpacheck up jan sa bagong hospital na pagawa ni mayor at dumiretso kame dito kase ililibre nya daw ako .
"Bakit hindi mo itry umamin sa magulang mo malay mo magdilang anghel tanggapin nila yang kasarian mo" suggest ko.
Mahirap din para kay Fed ang sitwasyon nya, nila ng bf nya. Naging ganyan din ang sitwasyon ko nuon, ang pinagkaibahan lang namin e kabit ako. Im not proud of being a mistress but I didn't regret dahil nagmahal lang naman ako, nagmahal ng maling tao.
If I were given a chance to turn back the time I will do it again even if its wrong and a sin.
Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari. Oo , alam kong nakasakit ako, pero nasaktan din ako.
"Ay gusto mo ba akong maging anghel dzai?" Maarteng sabi nito
"Hindi lang naman ikaw ang nag umiisang lalaking anak ng magulang nyo. May magbibigay pa din sakanila ng apo"
"Kung ganun lang kadali Elena matagal ko ng ginawa. Tatlong taon na kame ni Hendrix, alam kong mahal na mahal ako ni Hendrix kaya hindi sya nagrereklamo kung hindi kami makalabas at hindi ko sya mapakilala sa mga magulang ko pero alam kong nasasaktan din sya" malungkot na sabi nito
"You know, one day makikita mo nalang na nagdedate na kayo sa labas" sabi ko
"I hope too" sabi nito at sinubo ang fried chicken.
"Elena? Elena ikaw ba yan?" Natigil ako sa pagsubo ng ice cream ng marinig ko ang boses na yon.
Boses na kay tagal kong gustong marinig, boses na miss na miss ko na.
Napalingon ako sa gilid ko. There, I saw the man I longing for, the man I love, standing infront of me.
"K-kaloy" utal kong sabi at medyo maluha luha na.
Its been 5 months since I saw him. Ang pogi pogi nya pa din kahit may balbas syang maiksi.
"Ay fota gwapo pala si papa kaya pinatos ni gaga" rinig kong bulong ni Fed.
Lumapit ito sa amin.
"Dito lang pala kita mahahanap" madiin na sabi nito
"H-hinanap mo ko?" Maang na tanong ko
"Malamang!" Halos pasigaw na sabi nito
"Pre, wag ka mag iskandalo, huminahon ka" sabi ni Fed, napalingon ako at may mga nakatingin na nga sa amin dahil sa medyo pasigaw na boses ni Mang Kaloy
"At sino kaba ha? Eto ba pinagpalit mo sakin kaya ka umalis ha?" Galit na sabi nito. Salubong na salubong ang makapal na kilay nito .
"K-kaloy wag tayo dito mag usap. Madaming tao" mahinahon na sabi ko.
Lumapit ito sa akin at itinayo ako. Parang natigilan itong napatingin sa malaki kong tyan. Dumilim ang mukha nito at medyo humigpit ang hawak nya sa kamay ko.
"Aray" daing ko. Medyo lumuwag ang pagkakahawak nito at tinignan ako ng masama, may pagbabanta ang mata nito, bago tinignan si Fed at hinila ako paalis sa Jollibee.
"HOY SAAN MO DADALHIN SI ELENA" sigaw ni Fed
Hindi manlang sya nilingon ni Mang Kaloy kaya ako lumingon sakanya. Nakita ko syang nakangiti at sinesenyas pa ang kamay na parang pinapalayas kame at nagsign pa ng fighting. Aba gaga talaga ang bakla.
Huminto kame sa harapan ng isang tricycle.
"Sumakay ka" may diin na sabi nito pero inalalayan pa akong pumasok sa loob ng sidecar.
Sinigurado pa nito na konportable ako at walang imik tinignan ang tyan ko kung naiipit ba ito o hindi. Lihim akong napangiti sa gesture nya.
Pero anong ginagawa nya dito? Bakit nya ako hinahanap? Hindi ba nya alam na kalat na ang maling relasyon naming dalawa? O kumalat nga ba? At ang asawa nya? Alam nya bang andito si Mang Kaloy? Alam nya na ba ang relasyon naming dalawa nuon? Diba ay may sakit ito? Sino ang nag aalaga dito? Anong nangyari sa mga buwan na wala ako.
"Andito na tayo, bumaba kana jan. Tigilan mo na yang kakaisip mo sa lalaking kasama mo" galit na sabi ni Mang Kaloy kaya naman napatingin ako kung nasaan kami .
Napakunot ang noo ko ng makitang nasa harap kami ng isang hotel.
"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko
"Wag kana masyadong madaming tanong, bumaba kana jan" sabi nito
Kaya naman maingat akong bumaba. Nang makatayo ay ay hinaplos ko ang tyan ko, medyo mabigat na kase ito. Nakasuot ako ng maternity dress na color yellow.
"Masakit ba ang tyan mo?" Tanong nito. Seryoso ngunit mahihimigan ng pag aalala ang boses nito.
"Hindi, mabigat lang" saad ko
Inalalayan ako nitong pumasok sa loob ng hotel. Hindi na ito nagpunta sa may front desk at diretso lang na lumakad papuntang elevator pinindot nito ang 2nd floor.
"Bakit ka pala andito Mang Kaloy? Sinong nagbabantay sa asawa mo diba may sakit sya?" Tanong ko
"Hinahanap nga kita kaya ako napadpad dito. Pumanaw na din ang asawa ko nuong araw na umalis ka" walang emosyong sabi nito
Napamaang ako. Hindi manlang iyon nabanggit ni Itay. Pero bakit nga naman nya babanggitin kung galit sya sa ginawa namin ni Mang Kaloy.
"Sorry. Condolence" mahinang sabi ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga nito at hindi na umimik pa. Pagkahinto ng elevator ay inalalayan nya ako palabas at huminto kame sa room 23 kinuha nya ang susi sa bulsa at binuksan ito bago ako hinila papasok.
Nilibot ko ang paningin ko, maaliwalas naman at malinis ang kwarto.
"Bakit ka umalis ng walang sabi Elena?" Tanong nito .
BINABASA MO ANG
Elena & Mang Kaloy (R18)
Short StoryRead on your own risk. This story is not suitable for 18 years old and below. It contains matured scene. 🔞🔞