Mabilis na lumipas ang mga araw sa eskwelahan nila at naging tampulan palagi ng tukso sina Zhynic at Lance. Kina iinggitan naman si Zhynic ng kababaihan sa eskwelan nila dahil dito nakatuon ang pansin ni Lance.
"Hi Zhy and Gniyam!" nakangiting bati ni Lance sa kanilang dalawa ng mapadaan sila sa oval. Nagwawarm up ito ng maaga dahil sa darating na nilang intrams. Ito kasi ang representative nilang mga Seniors.
Kita niya ang pawisang mukha nito na mas lalong nagpa gwapo dito. "Hi! Eto panyo punas mo diyan sa pawis mo." aniya sabay abot nga panyo dito.
"Thanks labs!"sagot nito sa kanya sabay abot ng panyo at nilagay sa mukha nito at inamoy amoy ang panyo niya.
"Hoy! sabi ko ipunas mo hindi singhot-singhutin!" aniya dito sabay hampas sa braso nito. "Shocks! Ang tigas!" hiyaw nga bwesit na parte ng utak niya.
"Aba may pa hampas-hampas na! Level up yarn?!" nang aasar ni sabi ni Gniyam.
"Ang bango kasi ng panyo mo nakaka adik ang amoy." sagot naman ni Lance sa kanya.
"Mamaya ka na manligaw Orena! Tapusin mo na ang ang practice mo." Stiktong sabi ng coach nila.
"See you later labs!"ani Lance sa kanya sabay kindat na nagpapula ng husto sa mukha niya. Sinagot niya naman ito nga naka amba niyang kamao na magpatawa dito ng malakas bago bumalik sa oval at nagsimulang tumakbo.
"Kakakilig talaga kayo ni Labs mo girl!" kinikilig na sabi ni Gniyam.
"Ayan ka na naman! Tara na nga!"pasuplada niyang sabi dito pero deep inside kinikilig siya pati dulo ng split ends niya! Lihim siyang napangiti sabay lakad papunta sa Covered Court para mag practice ng cheering nila sa darating nilang Intramurals.
Nagpapraktis na sila ng cheer dance nang hingal na dumating si Lance sa covered court. Mr. Orena! Bakit late ka na naman?sita ng trainor dito.
"Mam double event po kasi ako. Ako yung representative ng seniors sa athletics tapos sumali ako dito sa cheerdance..pero last na late ko na po ito."mahaba niyang paliwanag dito.
"Okay, sige kakausapin ko yung coach mo na agahan niya yung dismisal sa 'yo. Go to your line."anang instructor ng cheerdance nila.
"Bakit ganiyan ba ang damit mo Zhy?! Tsk. Masyado namang maikli yan."out of a blue na sabi na lance sa kanya.
"Bangag ka ba?Natural na ganito suot ko kasi cheerdance to may nag checheerdance ba na nakasaya?!"pamimilosopo niya dito.
"Ah basta ang ikli niyang palda at short nakapaloob diyan sa palda mo, magpalit ka na maya pagkatapos dito. Tingnan mong mga ulol na 'yon! panay tingin sa legs mo kahit pandak ka!"naiirita nitong sabi.
"Maka pandak ka talaga ha!
Bat umaarte ka diyan na parang selosong boyfriend?! Mas malala ka pa sa babaeng nireregla! Wala namang tayo!"singhal niya dito na silang dalawa lng ang nakakarinig.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Empire 2: Lance Orena
RomanceName: Lance Fredrick Orena Age: 30 Birthday: September 12 Status: Committed in one woman for a long time but got a fair share of women kasi gwapo ako.🤷 Description: Car Racer, Owner of the International Manufacturer of Guns and different armours i...