Last day na ngayon ng praktis para sa nalalapit na intramurals namin. Lahat ay busy sa kanya kanyang practice ng event na sinasalihan while Lance was withdrawn by his coach in the cheerdance. His coach wants him to concentrate on his events kaya wala itong nagawa kundi ang sumang ayon nakang dahil loaded ang events sa laro nito halos ang isang laro nito ay maliit lang ang oras na pagitan sa cheerdance kaya no choice ito.
Nasa second set na sila ng practice sa kanilang cheerdance ng biglang pinatigil ng coach ng athletics ang mga manlalaro niya para manood ng final practice ng cheerdancers.
"Manonood kami ng mga players ko para ma inspire sila sa practice! mukhang atat kasi sila manood sa inyo,kaya galingan niyo!"malakas na kantiyaw ng coach nila Lance.
Napatingin bigla si Zhynic sa gawi ni Lance at Gniyam nakangisi ang mga ito sa kanya at nag checheer naman si Gniyam. Nagsimula na ang first song ng sayaw nila hanggang sa last part na by partner na ang sayaw. Kinakabahan siya sa sayaw dahil si Hans ang pinalit na kapareha niya na dapat ay si Lance kung hindi ito tumigil sa cheerdance."Goo Zhynic!"malakas na sigaw ni Gniyam. Pero ang nagpakaba sa kanya ay ang masamang tingin ni Lance ky Hans habang nagsasayaw sila at nasa part na hahawakan ni Hans ang beywang niya. Naghiyawan naman ang lahat ng matapos ang sayaw pero si Lance ay di pa rin inalis ang masamang tingin ky Zhy. Galit talaga ito na may ibang humawak sa kanya. Ang stikto naman nito alam naman nitong di maiiwasan 'yun sa sayaw.
Padabog itong umalis sa area nila at bumalik ng baraks wala naman sa sariling sinundan niya ito. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang maramdaman na may sama ng loob sa kanya ang binata.
"Ahem,Lance..."tawag niya sa pansin nito. ?Mag isa lang pala ito sa baraks.
"A-nong ginagawa mo dito labs?" gulat na tanong nito ng makita siya.
"Sinundan ka, galit ka pa rin ba?Wag ka na magalit..nanghahaba ang nguso niyang sabi dito sabay hawak sa kamay nito...
"Di ko kasi mapigilan ang sarili ko na magselos! Ayaw ko ng may humahawak sa 'yong iba kaya umalis na ako bago pa ako may masuntok dahil baka hindi ko na makontrol ang sarili ko at makapanakit ako ng kapwa ko estudyante. Hindi ako bayonlenteng tao pero pagdating sa 'yo makikipagbasag ulo talaga ako labs."mahaba nitong lintanya sabay hila sa kamay niya mahigpit siya nitong niyakap. "I never imagine myself being this possessive kahit di mo pa ako sinasagot."mahina nitong sabi sabay halik ng noo niya.
"Edi tapusin na natin 'yang pag eemote mo." Oo na Labs sinasagot na kita." nakangiti niyang sagot dito.
"Y---you what?"nagkadautal nitong tanong na parang di pa rin makapaniwala sa sinabi niya.
"Nabibingi ka na yata eh. Sabi ko oo na Lance Fredrick Sinasagot na kita."Sagot niya dito habang titig na titig siya sa mata nito.
"Damn. Yes! Thank you labs!"malakas nitong hiyaw sabay buhat sa kanya nagulat pa siya ng ibaba siya nito at siilin ng halik sa labi.
"Ahhmm.."ungol niya ng palalimin nito ang halik."
"Shit. Labs,bumalik ka na ng pratice niyo baka hindi ako makapagpigil sa sarili ko I have a lot of respect to you kaya ayaw kung ma issue ka mahirap pa naman ang mapanghusgang tao. Andito pa naman tayo sa school." nanghihina nitong bulong sa kanya ng tinapos ang halikan nila.
"Susunduin kita mamaya labs sabay tayo uuwi."
"Okaay labs."maikli niyang sagot dito sabay labas ng baraks. Nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang makitang tao o nakasalubong man lang dahil nasa covered court nanunuod ang lahat. Napingiti siya ng lihim. Did she just said yes to Lance? Hala! may boyfriend na talaga siya. Parang di pa rin siya makapaniwala sa thought na 'yon.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Empire 2: Lance Orena
DragosteName: Lance Fredrick Orena Age: 30 Birthday: September 12 Status: Committed in one woman for a long time but got a fair share of women kasi gwapo ako.🤷 Description: Car Racer, Owner of the International Manufacturer of Guns and different armours i...