chapter 3

10 2 0
                                    

Umuwi akong pagod na pagod. Walang kain o inom manlang ang pumasok sa aking bibig kundi ang hangin.

Noong araw na iyon ramdam kong wala na akong pakielam kung pinagtitinginan pa ako nang mga tao sa paligid basta maka-pasok na sa bahay.

"Klemence Reign Vlasova!!"

Napatigil ako sa pagiisip ng nakaraan na nang makita ang aking kaibigan. Napatingin ako rito at sa mukha naman niya natulala.

"Alam mo tama na ang kaka-balik sa mga nangyari sa nakaraan ano? Simula noong makaalis ka sa lintik na bahay ampunan na iyan. Napapadalas na ang pagiisip mo nang malalim!" Malakas ang boses nito. Habang nag m-make up ito at pulang pula ang bibig dahil sa lipstick na hawak.

Malalim akong huminga dahil sa sinabi nito at dahan dahan nalang tumayo para pumasok na sa kwarto nang inuupahan naming kwarto ni Sam.

Nakilala ko si Sam noong bumangga ako sakaniya dahil papasok ako sa bahay ampunan. Makulit at makulit at makulit ang batang iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ko naging kaibigan pero kasi kinukulit ako. Laging nakabuntot na saakin.

Walang pasabing narinig ko naman ang pagsabay niya sa lakad ko at sumunod sa pag pasok ko sa kwarto. Ir-ready ko ang requirements ko for applications.

Kailangan ko na ng trabaho. Since noong araw kasi na naglayas kami sa bahay ampunan ni Sam nag trabaho kami bilang mangangalakal pero ngayon ayoko na ng ganoon. Nilakad ko lahat ng requirements ko. Kailangan ko kasi iyon bilang patunay na isa akong ganap na taga Pilipinas.

"Goodbye, Paki patay ng ilaw kung aalis ka rin, Sam. Bye" mahina lang iyon sakto para marinig niya ang sinabi ko. Isinara ko na ang pinto at iniwan sa loob ang dalagita.

Tuloy tuloy akong naglalakad hanggang makababa sa parking lot ni 'Nay Iseng. Ang may ari ng tinutuluyan at inuupahan naming kwarto.

Naka-para kasi sa loteng iyon yung sasakyan kong Black-scooter na second hand lang sa Facebook shop. Grabe kala ko mai-scam na ako e, noong pinuntahan ko at nakipag-negotiate ay ayos naman ang kinalabasan. Medyo may gasgas pero wala na roon ang atensiyon ko.

Isinuot ko ang helmet nito at pinaandar na ang motor.

Habang pinapaandar ko yung motor ay napaisip ako bigla sa doctor na nasa nakaraan ko na. Hindi ko na maalala kung ano nga bang pangalan non sa name tag niya pero tumatak talaga saakin ang mukha ng doctor.

Lagi ko siyang napapanaginipan. Nakakatawa dahil ni-isang araw ay hindi siya nawala sa panaginip ko. Yung lagian niya dating pag bili sa puwesto namin sa palengke.

Ano nga ba ang ginagawa ng doctor na iyon sa palengke na naka-all White pa naaakalain mo talagang kakagaling lang sa oras ng shift niya? Ang linis tignan na akala mo hindi matatalsikan ang kaniyang damit nang putik na nanggagaling sa maduming lapag ng palengke.

Natatandaan ko pa kung paano tumingin saakin ang mapupungay na asul na mata ng Doctor. Mukhang mas matanda saakin ang Doctor na iyon pero nag stand out talaga sa mukha niya yung... yung... ah basta iyon na 'yon!

Natatandaan ko rin kung paano nawala si Mama. Kung paano ako mag luksa nang nawala siya sa tabi ko. Kung paano ako pinagtabuyan sa lugar namin dahil na rin sa napabayaan na ang lahat ng bayarin. Eh paano, hindi ko naman alam ang ano ba ang dapat gawin? Isang musmos na bata lang ako noon, na walang ibang emosyon kundi ang sumeryoso? Walang ibang alam kung hindi ang pagsilbihan si Mama bilang isang anak.

Naalala ko kung paano ko mag isang pinanood na ilibing si Mama. Isang dahilan kung bakit napabayaan yung bahay ay dahil gusto kong mabigyan si Mama ng magandang libing. Gusto ko yung pinaghirapan talaga yung kaisa-isa kong maisusukli sa lahat ng pinagdaanan niya para saakin.

AWAKEN CHAOS (Buencamino Cousins Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon