"Boss Xycho, saan ba tayo pupunta?" Agad kong tanong ng ipinasok ako nito sa backseat.
"Nilalayo kita sa demonyita." Bulong nito kaya napatingin ako rito.
"Hindi joke lang, 'wag mo akong isumbong ah" sabi nito ngingiti ngiti na.
Nang makitang hindi naman ako natutuwa ay napairap nalang siya at pinaalis na ang sasakyan.
Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sakaniya.
Well, hindi naman na kailangang tanungin dahil alam ko naman at naintindihan ko kung ano ang laman ng pag-uusap nila kanina.
"I don't really need to explain it to you, I know you already knew" sabi nito saakin. I'm amazed.
Napatango tango ako habang sa harap na nakatingin.
Buong byahe ay laging si Boss Xycho ang nagsasalita. Nakakainis lang dahil ang ingay nito. Ang mga tugtugan niya ay puro may bastos sa kanta kaya hindi ako makaka-jamming sakaniya.
"We're going on my favourite cousin," tapos tumawa tawa ito. "Grabe, namimiss ko na kung paano ko kotongan yung doktor na iyon!" Sigaw nito.
Nang marinig ang salitang Doktor ay may nag humerintado nanamang pumasok sa isip ko.
'Y-Yong Doctor sa hospital na pilit nililigtas si Mama noon.
Pero siguro naman hindi siya ang tinutukoy ni Boss Xycho 'di ba? Sana lang hindi, hindi ko na kasi alam kung paano pa ito pakitunguhan sa kabila ng aking pagtakas.
***
"We're here, Kle." tila naalimpungatan ako ng marinig ang tinig ni Boss Xycho sa panaginip.
Oh no, no, what I mean is nakatulog pala ako. Nakatulog ako?
Unti unti kong iminulat ang mga mata para lang makita ang mukha ni Boss Xycho habang ipina-park ang sasakyan niya.
Inikot ko ang tingin sa labas. Ang dilim na...
Ganoon kahaba ang byahe? So, hindi nakapag pahinga si Boss Xycho kung ganoon? Mas inilibot at inilapit ko ang aking ulo upang tignan ang nasa labas ng bintana ng kotse.
Ano ito? Bakit sobrang laking harang ang nakapalibot? May apat na elite guards sa harapan. Nang makita kami nito ay nakatungo lang ang kanilang mga ulo.
Labas palang ng palasiyo na ito malalaman mo ng puros mayayaman lang ang nakakapasok rito e.
At hindi na ako magtataka dahil nakalagay pa sa taas ng Gate ay "DRONOVA-BUENCAMINO". Sabi ko na nga ba at lugar ito ng mga Dronova at Buencamino.
Bakit niya ba ako dinala rito? Nakakahiya.
"Boss Xycho, parang hindi maganda ang mangyayari sa'kin dito ah" tumingin naman agad saakin si Boss. Pero ang mga tingin ay para na akong nag sabi na nakapag-offend sakanya.
"Don't worry, I'll be by your side and the deal I offer, 'wag kana pala magisip para doon dahil pipilitin na talaga kitang ipa-skip ang grade school." Mahabang lintaya nito at inilayo na ang tingin saakin upang lumabas ng sasakyan.
Ibig niya bang sabihin ay pag-aaralin niya talaga ako? Hindi naman sa ayaw ko pero sobra sobra na kasi. Umalis na nga ako sa inuupahan kong kwarto dahil papatirahin niya ako sa mansion niya taoos ngayon pag-aaralin naman.
Sobra na 'to. "Pero paano po iyon mangyayari? Bawal po iyon 'di ba? Imposibleng mangyari 'yon" Alanganing tanong ko ng mabuksan ang pinto at makalabas rin upang makahabol ng lakad niya.
Tumigil ito sanhi upang mauntog ako sa matigas na likuran niya. "Ouch" bulong ko dahil buto ata ang natamaan ko e.
He looked at me and smirk "Don't worry, in Buencamino everything is possible," sabi niya na ikinatanga ko.
BINABASA MO ANG
AWAKEN CHAOS (Buencamino Cousins Series 3)
RomanceCasher Ashton Buencamino (Buencamino Cousins Series 3) The Dronova-Buencamino Royal Blood.