Prologue

140 32 18
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, events, places, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

●●●

"Isa."

"Dalawa."

"Tatlo."

Pagbigkas ko habang pinapanood ang mga bata sa labas ng bintana na naglalaro ng habol-habolan. Napapansin kong padami ng padami ang mga batang tumitira dito ngayon.

"Lima."

"Anim."

"Pito."

Sa pagkaalala ko noong unang araw ko dito sa facilty ay uunti pa lang ng mga bata. May mga kasing edad ko rin, pero karamihan ay mga paslit.

Gaano na ba ako katagal dito?

Sa tagal ko dito ay hindi ko na namamalayan ang mga lumilipas na araw. Sira naman ang orasan na nakasabit sa diding, at ang kalendaryo ay nasa taon parin ng 2019, ilang taon na nakalipas pero hindi pa pinapalitan.

Bumuntong-hininga na lang ako at binaling ang aking mga mata sa ginuguhit ko sa sketchpad. Ito lang ang bukod tangi kong libangan dito sa loob ng kwarto, dahil sa hindi ako pinapayagang lumabas.

Kinuha ko ang kulay blue na crayons at kinulay ito sa na-drawing ko, pagkatapos ay sinunod ko ang itim na kulay, at ang huli ay ang pulang kulay.

Tapos ko na rin.

Napalingon ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki, nakasuot ito ng puting shirt na may tatak ng isang symbolo na hindi ko alam kung ano iyon, nakapamulsa ang isa niya kamay sa kanyang denim skinny na jeans.

Nasa medium length ang tsokolate niyang buhok, maputi siya at makinis ang balat niya, kapansin-pansin rin ang pula niyang labi. Deretsyong nakatingin ang kulay berde niyang mata sa akin.

"Allena." Pagtawag niya sa pangalan ko at pumasok sa kwarto, isinara niya ang pinto nang makapasok.

"How have you been?" Tanong niya at umupo sa couch.

"I'm doing fine... Here." Pilit kong sagot at umiwas ng tingin. Sinara ko ang sketchpad at binaba sa lamesa na agad namang niyang napansin.

"That's good to hear," Patango-tango niya sabi "Do you want a new sketchpad or sketchbook? It seems that papers are filling up."

Umiling ako "No need, I'm getting tired of drawing. I want a new hobby here other than drawing something."

"Is that so? Then, can I see your recent drawings?" Pagtatanong niya ng permiso. Alam kong gagawin niya iyon, lagi niya ito tinatanong.

Hindi ako sumagot at binigay na lang ang sketchpad ko. He flips through the pages and examines my drawings. Napangiwi na lang siya nang makita ang huling page ng sketchpad.

Ito ay ang kakatapos kong drawing. Ang drawing ko, ay may isang babae ang nakahilata sa lupa at pinaliligiran ng mga tao, magulo ang itim niyang buhok at may luha sa kanyang nakapikit na mata habang siya ay naliligo sa sarili niyang dugo.

"Uhm, it's beautiful. You're good at drawing in any way." Pagpuri niya sa akin.

Hindi ko ba alam kung pilit niyang sabihin iyon o talagang nagagandahan siya sa drawing ko. Sabagay, magaling naman talaga ako sa arts, naalala ko nga na ako ang pambato nila sa drawing contest dati at nananalo.

Her Memoria CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon