Chapter Five

82 22 2
                                    

Chapter FIVE

---

Tapos na ang unang linggo ng pasukan and it's the second week of September. Pinapatawag ang lahat ng mga estudyante sa auditorium dahil this is week ay ang simula ng election for student councils.

Madami ang sumali as candidates kasama sila Hazel, Tiffany, at Lina. Hindi ko naman talaga plano ang maging student council pero pinipilit ako nila Hazel at Tiffany.

Kahit ilang ulit kong sinabi na hindi ay todo pilit sila. Hindi nila ako linulubayan hanggang sa mairita ako at nag-oo na lang.

Tumahimik ang mga estudyante nang mag-salita ang isang matanda, it was our dean. May mahaba-haba siyang sinabi hanggang pinakilala ang mga kandidato para sa iba't ibang posisyon sa council.

Isa-isa kaming pinagsasalita hanggang sa ako na. Madami ang mga naghiyawan nang makita ako. May mga nagtataka kung bakit ganon na lang umakto ang mga ibang estudyante dahil sa hindi ako kilala, mostly ang mga freshmen.

Nahagip ng aking mata ang isang babae. She has an angelic face. Her hair was long and black, maputi ang balat but not as white as mine. We have the same nose but not her reddish lips and round hazel eyes. Habang tumatagal ang pag titig ko sa kanya ay unti-unti kong nakikita ang mukha ng babaeng isang taon ng nawala.

Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito at kumaway. Nginitian ko rin siya pabalik.

'My sister is just as beautiful as my mother.'

Umabot ng dalawa't kalahating oras bago matapos ang event. Bumalik na kami sa sari-sariling mga classrooms. Ang botohan ay hanggang sa friday lang at next week ay i a-announce na kung sino ang mga bagong council officers.

Palabas pa lang kami ni Amika sa auditorium ay nakarinig kami ng tili. Sa tinis ng boses niya ay nakilala ko na agad kung kanino iyon. It's from Yaara.

"Allenaa!" napasinghap siya nang makita rin si Amika "Owemgie, Amikaaa!"

Pag lingon namin ay hindi rin mapigilan ni Amika na tumili nang makita si Yaara, habang ako naman ay napatakip sa tenga dahil sa lakas ng kanilang boses.

Patalon-talon nilang sinalubong ang isa't isa at nagtitili pa rin. Madami nang mga tao ang napapatingin sa gawi nila.

Nag beso-beso silang dalawa "Kamusta, Yaara? It's been two years!" tanong ni Amika sa kanya.

"More fine and prettier than before." nakangiting sagot ni Yaara.

"Taray ah." napahagikgik na lang ang babae.

Tatlo kaming dumeretso sa canteen para makabili ng makakain namin dahil break naman na namin at mamaya ay ire-resume ang klase. Habang naglalakad kami ay nagkwekwentuhan silang dalawa.

Papasok pa lang kami ng canteen nang maabutan naming may gulo sa loob. Madaming mga estudyante ang nagkukumpulan at nagbubulungan tungkol sa kung ano man ang tinutukoy nila.

Nag tataka si Yaara sa nangyayari pero si Amika naman ay mukhang may ideya na ito, at kahit hindi ko tanongin ay alam ko na kung ano iyon.

Nauna akong pumunta sa nagkakaguluhang estudyante. Papalapit pa lang ako sa pwestong iyon ay unti-unti kong naririnig ang pamilyar na boses ng lalaki.

"Who do you think you are? Neon geujeo hachanh-eun saengmul-il ppun-iya." malamig ang kanyang pananalita sa kung sino man ang kausap niya, ngunit may halong yabang sa tono.

[Translation: 'You're just a low-profile creature.']

"Dude, stop, babae yang pinapatulan mo!" awat ng isa pang lalaki.

Her Memoria CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon