Chapter Seven

49 10 0
                                    

Chapter SEVEN

---

Everyone was in shock including me. The canteen was filled with silence when the students witnessed a girl attacking another girl with a metal tray.

Nakasalampa sa floor ang babae, nakatagilid ang kanyang ulo. The other girl holding the tray was just standing, staring at her coldly. I noticed that her right cheek was red.

"You shouldn't fuck with me, bitch." malamig at madiin na sabi ng babae. Matalim siyang nakatingin sa kanya at parang gusto niya ulit itong hampasin ng tray.

"Eliza!" may isa pang babae ang lumapit sa babaeng nasa sahig at tinulungan itong tumayo ngunit tinulak lang siya nito.

"You are the bitch, Xyrill!" sigaw ng babae na tinawag na Eliza. Dinuro-duro niya pa ang babae.

Tinaas ng babae ang tray kaya napa atras si Eliza. Ngumisi ang babae nang makita iyon "Kung wala kang laban, wag mo nang ipilit dahil yang ilong mo ang isusunod kong hahampasin!"

"F-fuck you!" akmang lalakad paalis si Eliza nang mapatigil siya nang makita ako. Umiwas siya ng tingin at linagpasan ako, sumunod sa kanya ang kasama niyang babae.

Sinundan ko sila ng tingin at lumingon sa babaeng naiwan nang magsalita ito.

"Isn't it good to see you, Allena Gorzana." her arms are crossed on her chest with a smile on her face. A smile that you don't know if it's genuine or not.

Namewang ako gamit ang isa kong kamay. Ang babaeng nasa harap ko ngayon ay matangkad. Her black straight hair was styled in hime cut with highlights of purple color.

Hindi rin siya nakasuot ng uniporme. Nakasuot siya ng off-shoulder na violet blouse and above the knee skirt na itim. Nakasuot naman siya mahabang violet socks at boots with heels.

"It is an unexpected way to meet you again," I replied and gave her a fake smile.

I saw her rolled her eyes. Binato niya ang tray sa gilid niya dahilan na muntik nang matamaan ang isang estudyante.

Napailingiling na lang ako. Ganyan na ganyan parin ang ugali niya noong huli ko siyang nakita.

"Yeah, and I'm not glad to see you." masungit na saad niya at nilagpasan ako.

I scoffed. She's still a bitch.

Hindi ko na siya pinansin at pumunta sa lamesa namin. Pagkarating ko ay nakatingin silang tatlo sa akin. Syempre nakita nila ang nangyari sa entrance ng canteen.

Nasa lamesa na ang kanilang mga pagkain at iinumin. Binilhan na rin nila ako ng para sa akin.

"Anong meron at hinampas ng babaeng iyon ang pinsan niya ng tray?" tanong ko sa kanila at umupo sa tabi ni Amika. Kaharap ko si Yaara at katabi naman niya si C-Vi.

"Eh paano ba naman, nagkasalubong sila kanina tapos nagpapalitan na sila ng laitan kanina," pagsasagot ni C-Vi "Tapos nagiging personal yung laitan nilang dalawa hanggang sa magkainitan sila ng ulo,"

"Bigla na lang siya sinampal ni Eliza kaya ayun ginatihan niya ng mas malala."

Mapupunta siya sa dean's office sa ginawa niya sa kanyang pinsan, pero masyadong malabo para mangyari iyon sa kanya. Takot ang mga tao sa kanya para magsumbong sila. Ngunit sino siya para katakunan?

She was just like Jacob. Isa siyang bully. Both physically and mentally ang pagbubully niya sa mga taong kinaaayawan niya. Hindi siya titigil hanggang sa mag-attempt ang biktima niya.

Kung may naghari-harian dito sa IMS, may nagreyna-reynahan rin, and that was the infamous, Xyrill Migez. Ang anak ng totoong may ari sa school na ito. At masasabi kong magkasundo sila ni Jacob dahil sa ugali nilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Memoria CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon