Chapter Three

63 27 1
                                    

Chapter THREE

---

Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa harap ng salamin para makapag-ayos bago lumabas ng cr.

Tinali ko ang mahaba kong buhok at kinuha ko ang make up ko para sa mukha. Nang matapos ay inayos ko na ang gamit ko at lumabas na.

Palabas na ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. Pagtingin ko ay may message pala sa akin ang kaibigan ko, si Yaara.

Yaara;
:Nasaan ka?
: Hinahanap ka ni Sir Reyson dto sa gym

Allena;
:Nag cr lang ako
:Papunta na ako dyan

Dumeretso ako agad papunta sa gym pagkatapos kong i-message si Yaara.

Habang naglalakad ako ay napapansing kong tumitingin ang mga estudyanteng nadadaanan ko sa akin at pinagbubulungan, pero hindi ko na sila pinansin.

Bakit ganon sila makatingin sa akin?

"Allena!"

Mga ilang sandali ay nakarinig ako ng lalaking tumawag sa pangalan ko kaya ay napalingon ako sa kanya na tumatakbo. Hingal na hingal siyang tumigil sa harap ko.

"Hingal na hingal ka, is there a problem?" kunot-noong tanong ko sa lalaki.

"Meron! M-may nagaaway sa canteen, kailangan ka namin!" sabi niya.

Nagulat at nagtaka ako "Bakit ako ang pinagsasabihan mo? Meron namang teachers!"

"Wala akong oras para ipaliwanag sa'yo, tara na! Nagpapatayan na sila Jacob!" mas nagulat ako sa isinagot niya.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay at tumakbo papunta sa cateen.

Anong pumasok sa utak non at nakipag-away pa!? Alam niya bang malaking gulo ito kung nalaman ng lolo niya ang ginawa niya? Kakatapos lang ng suspension niya!

Malapit na ako sa canteen, ngunit napansin kong hindi ko kasamang tumatakbo ang lalaking nagsabi sa'kin kanina. Saan na nagpunta iyon?

Papasok na ako sa canteen ay bigla na lang ako nadulas sa mismong entrance dahilan na bumagsak ako sa floor kasabay non ang pagbuhos ng malamig at malagkit na likido.

"Aray..." mahina kong daing sa sakit ng pagkahulog ko.

At hindi ko inaasahan na may bumagsak pang timba sa ulo ko na ikinatawa ng malakas ng mga taong nasa canteen at sa labas.

Bakit ba sila tumatawa? Hindi ito nakakatuwa! Mas lalo't may nagaaway!

Nilinga-linga ko ang canteen at ang tanging nakikita ko lang ay mga taong tumatawa sa nangyari sa akin at wala akong nakikitang nagaaway!

Taka ko sila tinignan, at do'n nasagip ng mata ko si Jacob na tumatawa. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na ang lalaking nagtawag sa akin kanina na tumatawa ngayon.

Tumingin ako sa sarili ko. Basang-basa. Naamoy kong juice ang naibuhos sa akin, at ang floor ay mabula, ibig sabihin ay dish soap ito.

Her Memoria CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon