Chapter 02

281 8 0
                                    

HUMINGA nang malalim si Farrah at sinikap na kalmahin ang kaniyang sarili. Iwinaksi rin niya sa kaniyang isipan ang isang nakaraan na pilit na namang nagsusumiksik sa kaniyang isipan.

Not now.

Not this time...

Ang nakaraan na iyon ay matagal na niyang ibinaon sa limot. Dahil naniniwala siya na magiging parte na lamang iyon ng kaniyang nakaraan.

"Nasaan ang amo ninyo?" tanong niya.

Sa halip na sumagot ay iminuwestra ng bodyguard ang sasakyan na naghihintay sa kaniya para sakyan niya.

Kung sasama siya sa mga ito ay makakaharap niya si Raze Elizalde. Hindi siya handa sa parte na iyon. Dahil wala sa hinagap niya na may ganitong eksena sa pag-uwi niya sa bansa.

Farrah Margarette Villamor, relax. 'Wag na 'wag kang magpapahalata sa mga taong 'to na bigla kang kinabahan. Yes, ikaw ang talo. Be fierce. At si Raze Elizalde? Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong harapin, anang isip niya sa kaniya.

Right, wala na ang Farrah na sunod-sunuran lang sa lahat ng gusto ni Raze.

Dahil mukhang hindi rin siya tatantanan ng mga tauhan ni Raze, kaya sa huli ay sumakay na lang din siya sa sasakyan na taas ang noo. Ayaw niyang magmukha siyang intimidated sa mga ito.

Habang nakaupo sa backseat ng magarang sasakyan na iyon ay nakuyom pa niya ang kaniyang mga palad. Ang kamao niya ay nangangati ng suntukin ang pagmumukha ni Raze.

Bakit kailangan siya nitong buwisitin ngayon?

May bago na naman ba itong agenda?

Pero malinaw na malinaw sa kaniya ang nakaraan at ang huli nilang paghaharap ng lalaking iyon.

Nang makarating sila sa isang exclusive village na kinatitirikan ng napakalaking mansiyon ng mga Elizalde ay muling iwinaksi ni Farrah ang mga alaalang bumabalik mula sa kaniyang nakaraan sa lugar na iyon.

Ang bahay na iyon...

May pinong kurot sa kaniyang dibdib.

Agad na bumukas ang rehas na gate at sunod-sunod pumasok ang mga itim na sasakyan. Ang kaniyang kinasasakyang kotse ay huminto mismo sa tapat ng malaking entrada ng mansiyon.

Lumunok siya. Hindi siya puwedeng matalo ng kaniyang emosyon na para bang unti-unti ay hindi na niya makontrol. What more kapag kaharap na niya si Raze?

No way!

Sinikap niyang itatak sa kaniyang utak kung bakit siya nasa lugar na iyon ngayon.

"Nasaan si Mr. Elizalde?" tanong agad niya sa tauhan ni Raze na sumalubong sa kaniyang pagdating.

"Nasa Study Room po niya."

Hindi na niya kailangan pang itanong kung saan iyon matatagpuan dahil ang mansiyon na iyon, parang ganoon pa rin. Walang nagbago. Parang kahit pumikit siya ay alam na alam niya ang bawat pasikot-sikot.

And she hates these feelings. Na para bang at ease pa rin siya sa bahay na iyon. Ikinurap-kurap ni Farrah ang kaniyang mga mata at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa unang palapag lang ng mansiyon ang malawak na Study Room ni Raze Elizalde.

Kadalasan, naka-lock ang pinto niyon. Kataka-taka na hindi iyon naka-lock ngayon. Dahil nang pihitin niya pabukas ang doorknob ay bumukas iyon.

Pinangibabaw niya ang hatred sa binata dahil sa pag-eksena nito ngayon sa buhay niya.

Binata?

Binata pa ba ito?

Ano ba ang pakialam ko? angal agad niya sa kaniyang isipan.

My Ruthless Ex-Husband | COMPLETED on VIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon