"BAKIT parang nabingi ka yata?"
Isa sa ikinaiinis ni Farrah? Iyong pagiging blangko ng face expression ni Raze. Ang hirap basahin kung ano ba ang nasa isip nito?
"Nagbibiro ka lang, 'di ba?" ani Farrah nang makabawi. Idinaan pa niya sa bahagyang tawa ang sinabi ni Raze. "Iisipin kong joke lang 'yong sinabi mo."
"Mukha ba akong joker?" walang kangiti-ngiting tanong sa kaniya ni Raze.
Napalis ang ngiti sa labi ni Farrah. Seryoso si Raze sa sinabi nito? Walang halong biro?
"Welcome back, wife."
Wife...
Tila ba sarkastiko iyon sa pandinig ni Farrah. Hindi siya natutuwa. "Raze Elizalde, wala 'to sa usapan natin!" she hissed.
"Nagbago ang isip ko habang wala ka rito. At wala ka ng magagawa pa roon, Farrah."
Hindi annulled ang naging kasal nila four years ago? Parang sasakit ang ulo niya nang wala sa oras.
"Imposible," ani Farrah nang makabawi. "As far as I can remember, ayaw mo talaga sa kasal at maikasal. So, paanong hindi pa annulled ang kasal natin? Eh, i-ikaw pa nga 'yong excited na mawalan ng bisa ang kasal na 'yon. Mr. Elizalde, wala akong time sa joke mo. Pinapirma mo ako sa annulment paper noon. Kaya paanong—"
Hindi na naituloy pa ni Farrah ang kaniyang pagsasalita nang may kunin si Raze sa sulong ng table nito.
Natigilang lalo si Farrah nang makita ang annulment paper nila ni Raze na may pirma niya. Siya lang ang may pirma doon. Walang pirma sa tapat ng pangalan ni Raze. Pero bakit?
Mas lalong natilihan si Farrah nang punitin pa iyon ni Raze sa kaniyang harapan. He tore the annulment paper into pieces. Kapag kuwan ay itinapon nito sa trash bin.
"See? Hindi pa annulled ang kasal natin. You're still married to me, Farrah Margarette Elizalde."
Elizalde?
Siya?
Hanggang ngayon?
Parang nanikip ang dibdib niya dahil sa kaalamang iyon. Hindi niya ikinatutuwa ang nangyayari. Sigurado siyang may hidden motive si Raze. Hindi dahil mahal siya nito.
Dahil kung idadahilan nito sa kaniya na dahil mahal siya nito kaya hindi nito mapawalang bisa ang kasal nila? Tatawa talaga siya nang malakas. Baka nga gumulong pa siya sa katatawa.
Imposible iyon. Sobrang imposible.
Si Raze na rin ang nagsabi noon na mas pipiliin pa nitong pakasalan ang negosyo nito kaysa magpatali nang habangbuhay sa babaeng hindi naman nito mahal.
At hindi siya nito mahal o nagawang mahalin man lang.
Pero bakit hindi pinawalang bisa ni Raze ang kasal nila? Iyon ang malaking katanungan ngayon sa kaniyang isipan.
"I'm tired. Pagod ako sa mahabang biyahe. Kung pina-prank mo ako, 'wag ngayon. I'm sure, peke 'yang pinilas mong papel."
"Hindi ka pa rin naniniwala? Go, ipabuklat mo ang status mo. Kumuha ka ng CENOMAR," hamon pa nito sa kaniya.
"H-how could you?" Gumuhit ang galit sa mga mata niya. "Nangako ka, Mr. Elizalde."
"Hindi ba puwedeng mabali ang isang pangako?"
"Pero malinaw ang kasunduan natin. Nagawa ko 'yong parte ko noon sa buhay mo. Nakuha mo na 'yong gusto mo. Pero bakit kailangan mo pa akong guluhin ngayon?"
Lihim na napalunok si Farrah nang humakbang si Raze palapit sa kaniya. Lalong nagregudon ang kaniyang dibdib dahil sa paglapit na iyon ni Raze sa kaniya. Isang hakbang lamang ang naging pagitan nila.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Ex-Husband | COMPLETED on VIP
RomanceFour years ago, Farrah Margarette Villamor was married to a well-known young multi-billionaire, Raze Elizalde. He was also known for being ruthless and cold-hearted. Ang kasal nila ay tumagal lamang ng apat na buwan. Kasal na walang halong pagmamah...