MARCUS POV
"Tay, hindi pa ba tayo babalik sa isla? Marami na tayong nahuling isda oh." Suhestyon ko kay tatay na abala parin sa pangingisda.
Isang linggo na rin kami rito sa karagatan kaya marami na kaming mga naipon na huli naming isda, pero itong si tatay parang gusto atang iuwi lahat ng mga isda sa dagat.
"Tapusin muna natin itong isang gabi, bukas ay babalik na tayo." Sagot nya naman.
Bagot na bagot na ako dito, puro tubig nalang ang nakikita ko. Sanay naman ako na laging tubig ng dagat ang nakikita ko pero hindi ko maiwasang mabagot, mahilo at masuka sa alon. Gusto ko nang makaapak ng lupa, maka-akyat sa puno at higit sa lahat makakita ng magagandang dalaga.
Makaidlip nga muna, hindi pa naman hinihila ni tatay ang lambat.
Umupo ako at sumandal sa bangka, dinadama ang simoy ng hangin sa kadiliman ng gabi kapiling ang nakapalibot ng mga katubigan.
Paidlip na ako nang maramdaman ang kamay na humawak sa balikat ko.
Lilingunin ko sana ito sa pag-aakalang kinakalabit na ako ni tatay pero ganoon nalamang ang takot na naramdaman ko nang makita si tatay na abala sa pag-aayos ng lambat nya.Mabilis akong napatayo na halos ikaalog ng bangka namin.
"Marcus! Wag kang malikot" saway sa akin ni tatay.
Lumapit ako sa kanya at tinuro ang pwesto ko kanina.
"T-tay! Doon!" Nauutal kong sumbong sa kanya.Napakunot noo naman sya at nilingon ang tinuturo ko. "Anong doon?" Nagtataka nyang tanong.
Nakaturo parin ako sa pwestong 'yun habang ang aking ulo ay nakatingin sa kabila upang hindi makita ang kung ano mang nilalang na humawak sa akin kanina.
"M-may sirena!" Takot kong sigaw.
Naramdaman ko ang malakas na paghampas ni tatay sakin sa ulo.Napaharap ako sa kanya habang kamot-kamot ang ulo ko.
"Tarantado kang bata ka, hindi ko malaman kung sabog ka ba dahil sa hilong nararamdaman mo o talagang tumira ka ng pinagbabawal na gamot eh!" Panenermon niya.
Umiling ako para makumbinsi syang totoo ang sinasabi ko pero tinalikuran nya lang ako. "Itulog mo 'yan!" Aniya.
Muli akong napalingon sa pwesto ko.
Imahinasyon ko lang ba 'yun? Hindi eh. Naramdaman ko talaga!Hayst baka nga dahil lang 'to sa hilo na nararamdaman ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo pero hindi na sa pwestong 'yun.
Muli kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Papikit na sana ako nang marinig ko ang isang boses.
"H-help.."
Tangina! Mabilis akong tumakbo papunta kay tatay dahilan para muntikang tumaob ang bangka.
"Tay! Tay! Tangina englisherang sirena tay! Hindi ako sabog t-totoo ang sinasabi ko!" Puno ng takot kong sumbong sa kanya.
Napalingon sya sa sinasabi ko at hindi na nagsalita, lumapit sya para tignan ito.
"Marcus! Marcus!" Sigaw ni tatay habang nakatingin parin sa baba.
Mabilis akong kumuha ng matalim na bagay at inabot 'yun sa kanya. Napatingin sya sa binigay ko at masamang tumingin sa akin.
"Tarantado! May sinabi ba akong kumuha ka ng itak ha?!""Eh Tay syempre para hindi tayo masaktan ng halimaw!"
"Walang halimaw, halika dito! Tulungan mo'ko. May babaeng nakalutang dito, puro sugat! Tulungan mo'ko para maikyat sya!"
Umiling ako, pano kung sirena 'yan?
Ginagamit nila ang kagandahan nila para pumatay. Baka kapag tinulungan namin sya hatakin nya naman kami pababa."Lalapit ka o iitakin kita?!"
Kaagad na akong lumapit nang marinig ang banta ni tatay.
Nakapikit akong dumungaw sa tinitignan ni tatay, naramdaman kong muli ang malakas na paghampas nya sa ulo ko kaya napadilat ako at isang babae ang nakalutang sa tubig ang nakita ko.
Napaatras ako sa gulat habang si tatay ay sinusubukang iakyat ang babae sa bangka.
"Bilisan mo Marcus!" Muling sigaw ni tatay.
Lumapit ako at tinulungan si tatay na Iakyat ang babae at nang tuluyan namin syang maangat at mailagay sa loob ng bangka doon ko nakumpirmang hindi sya sirena. May paa sya eh pero ang kagandahan nya ay mala-sirena kahit hindi pa ako nakakakita ng ganon.
Nakatingin lang ako sa kanya habang si tatay ay mabilis na pinaandar ang makina ng bangka.
Kinuha ko ang kumot ko at binalot sa basang katawan ng babae.
Puno ng galos ang katawan nya pero mas nag-alala ako nang makita ang maraming dugo sa likuran ng kanyang damit."Tay, buhay pa ba 'to?" Tanong ko kay tatay habang nananatili parin ang tingin sa babae.
"Hindi ko alam, basta kailangan na natin syang maidala sa hospital." Rinig kong sagot nya.Nilagay ko ang daliri ko malapit sa ilong nya para tignan kung humihinga pa ba ito.
Habang pinagmamasdan sya ay unti-unti kong nakita ang kakaiba nyang kagandahan.
Parang diwata ng karagatan!
"Hoy! Wag mong pagnasahan 'yan Marcus!" Sigaw ni tatay.
Natawa ako sa sinabi ni tatay pero hindi ko maiwasang isipin kung anong nangyari sa kanya?
****
Umaga na nang makadaong kami sa isla, kaagad na nagpatulong si tatay sa mga kasamahan niyang mangingisda para buhatin ang babae papunta sa bahay namin.
Sumalubong sa amin si nanay nang kami ay makarating sa bahay. Ang nakangiti nyang muka ay napalitan ng gulat at pag-aalala nang makita ang walang malay na babae.
"Anong nangyari? Sino sya?"
Tanong ni nanay."Nakita lang namin sya habang nangingisda kami ni tatay kagabi." Sagot ko.
Lumapit si nanay sa babae at sinuri ito.
"Kailangan natin syang dalhin sa ospital, ora mismo!" Aniya.Lumapit ako at tinignan ang namumutlang babae, humihinga pa naman sya pero mukang konti nalang ay matutuluyan na.
"Marcus! Buhatin mo papunta sa kwarto para mabihisan ko sya tapos ay tulungan mong humiram ng sasakyan ang tatay mo para maidala sya sa ospital, bilis!"
Sinunod ko agad ang utos ni nanay, binuhat ko ang babae papunta sa kwarto at naghanap ng mahihiram na sasakyan.
*****
Nakaupo kami sa labas ng emergency room habang hinihintay ang sasabihin ng doktor tungkol sa kalagayan ng babae.
Ilang oras din kaming naghintay bago ito lumabas.
"Doc, Kami po ang nagdala sa dalagang nasa loob ng kwartong 'yan, kamusta na po sya?" Nag-aalalang tanong ni nanay.
"May ilang sugat dulot ng tama ng baril ang pasyente.
Matapos ang aming pagsusuri at mga test, napansin namin ang mga senyales ng traumatic injury sa ulo ng pasyente. Ibinigay namin ang lahat ng kinakailangang medical attention bago pa siya magising, para maibsan ang pinsala sa kanyang utak. Patuloy kaming magmo-monitor habang siya'y nagpapagaling para mas malaman namin ang magiging epekto nito sa kanya. Sa ngayon ay naalis na namin ang bala sa kanyang braso, kinakailangan nya na lamang mag-pahinga." Mahabang paliwanag ng doktor.Nakahinga ng maluwag si nanay sa narinig nya. Buti naman ligtas na sya.
Infairness ang lakas ng guardian angel ng babaeng 'yun.
YOU ARE READING
Shadows of Intrigue
RomanceLanguage: Tagalog/English In the glittering world of Isabella, a woman from a powerful family connected to a mysterious underworld, experience a life-altering night. Bullets shatter the luxury of a yacht, leaving her hurt and lost in the dark sea...