Chapter 29

139 3 0
                                    

Kristan's pov

Pag akyat ni Phillip sa may taas ay masama ang tingin sa akin ng dalawang babae dito

"Pati ba naman sa pag babakasyon, di mo sya bibigyan ng laya" nakataas ng kilay na saad ni ate Rose

"Takot lang akong iwanan nya ako ate" seryosong sabi ko pero bakas sa boses ang takot

"Takot kang iwanan ka? Kung ayaw mong iwanan ka nya Kristan ayusin mo ang trato mo sa kanya" seryoso sabi nya

"I know, kaya nga ginagawa ko na yon eh" sagot ko sa kanya

"Oo ate, kakaiba nga kinikilos nya sa school eh kaya lahat ng studyante nag tataka sa kanya kasi palaging masigla at nakangiti yan yon pala si Phillip ang dahilan kung bat nakangiti at masigla sya" sabat ni Tyron na may kasamang tawa kaya sinamaan ko sya ng tingin na ikinatigil nya naman

"Owss" nakangiti na halatang nang aasar ang tingin sa akin ni ate

"Tigilan nyo ako ah baka mamaya makasapok na ako dito" inis na saway ko sa kanila

"Oo nga namumula na nga tenga mo eh" pang aasar ni ate sabay nag tawanan silang lahat

Di ko naramdaman na namumula na ang tenga kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Narinig ko ang tawanan nila pero di ko na iyon pinansin

"Inlove ka talaga tol HAHAHA" tawa ni Christian sa akin kaya sinamaan ko nalang sila ng tingin at sininghalan na mas ikinatawa nila lalo

"Nga pala pinapapunta ka nga pala ni dad sa company" sabat ni Tyron

"Bakit naman daw?" tanong ko sa kanya

"Ewan ko" sagot nya at nakibit balikat nalang sya

Tumayo na ako sa upuan at pumunta sa taas, tss bahala sila dyan

Habang papunta ako sa kwarto ko ay nakita kong nakaawang ang pinto ng kwarto ni Phillip kaya sumilip ako ng unti doon

Nakita ko syang may kausap sa phone kaya napakunot naman ang noo ko. Pero kalaunan ay nawala rin dahil sa narinig ko

"Sorry Alisha babawi nalang ako sa susunod ah, pasensya na di ako makakasama sa inyo" rinig kong sabi nya

"Pakisabi na rin kila Mike yon ah" dagdag nya pa bago nya binaba ang tawag. Ng nakababa na ay narinig kony napabuntong hininga sya

"Hayy wala naman na akong magagawa kahit ipilit ko pa sa kanya na gusto kong makasama sila Clark" rinig kong sabi nya at maya't maya ay nakatulog na sya

Parang na guilty ako dahil sa mga sinabi nya sa kaibigan nya.

Naging selfish na ba ako? Ayaw ko lang naman na iwan nya ako eh

Napabuntong hininga nalang ako at umalis sa harap ng pinto ni Phillip

Nag bihis na ako at umalis na rin ng mansion, hinabilin ko pa sa mga kapatid ko at pinsan si Phillip

Tinawanan lang nila ako dahil parang anak ko daw si Phillip kung makahabilin kaya yon binatukan ko ang mga bal*w tss

Fast forward

Phillip's pov

Summer break namin ngayon kaya may dalawang linggo kami para mag bakasyon

Malungkot nga ako dahil di ko makakasama ang mga kaibigan ko eh, ngayon din ang alis namin papuntang Zambales dahil don daw ang gustong mag bakasyon ni Kristine

Kagabi ko pa inayos ang mga damit ko kaya ngayon nakagayak na ako.

"Phillip, ikaw nalang hinihintay sa baba" katok ni Kyle sa may pinto

"Oo na, baba na ako" sagot ko sa kanya

Habang pababa ako sa hagdan may naririnig akong tawanan sa baba at ang mga pamilyar na boses ng mga kaibigan ko

'Huh? Namamalik mata lang siguro ako. Imposibleng makapunta ang mga kaibigan ko dito'

Pero akala ko nga namamalik mata lang ako dahil ang totoo nandito silang lahat

"Guys?" tawag ko sa kanila at tinignan ng mag tataka sa muhka

"PHILLIP!!!" nanglaki ang mata ko ng sabay-sabay silang tumakbo sa gawi ko at dinambahan ako ng yakap na muntik na naming ikatumba

"Be careful" mahinahong sabi ni Kristan

Nag tataka pa rin ako, paano sila napakunta dito? Sinong nag papunta sa kanila?

"Mabuti naman pinayagan kami ni Kristan na sumama sa inyo para nakapag bonding muli tayo" napatingin ako kay Mica ng sabihin nya iyon

Tinignan ko si Kristan na nakatingin sa akin pero umiwas nalang sya ng tingin

Akala ko puro kad*mony*han nalang ang meron sa kanya pero may kabaitan pa rin palang natitira sa kanya

'Salamat Kristan dahil kahit papano makakasama ko muli mga kaibigan ko sa bakasyon'

Continue

The Gangster King Obsessed Me(MONTIVERDE SERIES#2)*Complete*Where stories live. Discover now