Prologue

125 10 3
                                    

"Papa, mama? Bakit ba natin kailangang ibenta ang mansyon at ibang mga gamit natin?" tanong ko sa aking mga magulang. Nasagot na nila ang tanong ko noong mga nakaraang araw ngunit hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat.

"Is our debt that big? Na kailangan pang kunin nang pamilyang iyon ang mga ari-arian natin?" frustrated kong sabi.

Ngayon ang araw ng aming alis papunta sa probinsya ng Alfuente at ang dami pa ring gumugulo sa aking isipan. Ang dami kong mga bagay na gustong linawin sa aking magulang ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili. I know that they're very frustrated and sad about what happened at ayoko munang dumagdag sa mga isipin nila.

"Hindi ko rin talaga alam anak. Basta ang importante ay magkakasama pa rin tayo, buo pa rin ang ating pamilya." niyakap ako ni mama at hinaplos ang aking buhok.

"Kailangan naming magtrabaho ng mama mo sa mga Angeles kaya tayo uuwi roon. Kulang pa ng ilang milyon ang ating bayad sakanila." malungkot na sambit ni papa. Napaawang ang bibig ko. Ganoon kalaki ang utang namin? Ilang milyon ba o baka bilyon at hindi pa sapat ang mga kinuha nila sa amin? Ano ba talagang nangyari?

Sumabog ang napakaraming katanungan sa aking utak. Ni minsan ay hindi ito nabanggit sa aming magkapatid. Nagulat na lamang ako na isang araw ay may pumuntang mga tao sa mansyon at ininspeksyon ito. Akala ko ay mga bisita lang ni mama ngunit patungkol na pala ito sa pagbebenta ng aming mansyon.

"Rowan tapos ka na bang mag impake ng gamit?" si mama. Tumango lamang ako at kumalas sa aming yakapan. Batid ko sa mga mata ni mama na sobrang nalulugkot siya. Nagbabadya na ring tumulo ang aking luha. Ayaw na ayaw ko kapag umiiyak ang sino man sa aking pamilya.

Dumiretso ako sa aking kwarto at hindi ko na napigilang tumulo ang aking mga luha. Huling araw ko nang makikita itong kwartong ito. Dito na ako lumaki at dito ko rin unang napagtanto ang totoo kong pagkatao. This has been my safe place ever since, witness ito sa lahat ng kadramahan ko sa buhay. Humiga ako sa kama at sinulit ang isang oras bago ang aming alis.

"Ate Rowan we're going out na daw!" nagising ako sa marahang yugyog ng kapatitd ko. Dinaganan pa ako nito at niyakap nang mahigpit.

"Ang bigat mo Riann!" kiniliti ko sya sa tiyan dahilan para kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

Tumungo na kami sa baba at lumabas na din nang mansyon. Naabutan kong nagpapaalam sila mama at papa sa mga kasambahay at iba pang katuwang namin dito sa mansyon. Malungkot ang bawat isa at may iilan pang lumuluha. Matagal na silang nagtatrabaho dito at napalapit na rin sila sa amin.

Nagpaalam din ako sa kanila. Naiyak pa nga ako nang si Aling Berta na ang kausap ko. Siya ang naging personal maid ko mula noong paslit pa lamang ako. Siya ang unang taong pinagsabihan ko patungkol sa aking kasarian. Suportado niya ako at ni minsan ay hindi niya ako hinusgahan. Siya panga ang bumibili noon ng mga pambabaeng laruan sa akin gamit ang kanyang sweldo sa pagtatrabaho sa mansyon. Tinuturing ko na siya bilang aking pangalawang ina at talaga namang kumirot ang aking puso nang maisip na maaaring ito na ang huli naming pagkikita.

"Roro anak, wag mong papabayaan ang iyong sarili don ah! Alagaan mo ang iyong kapatid at mag-message ka sa akin palagi." malungkot ngunit nakangiting sabi nito.

"Mamimiss kita nang sobra Roro! Bisitahin mo ako sa aming bahay paminsan-minsan. Sana ay may kasama ka na ring boypren pag binisita mo ako." sambit ni aling Berta. Natawa na lamang ako.

"Nako mas mamimiss ko po kayo! Maraming salamat po sa lahat ng mga bagay na ginawa niyo para sa akin. Pangako po bibisitahin ko kayo." Niyakap ko siya nang mahigpit bago naglakad patungong sasakyan.

I looked at our home once again, for the last time.

I will miss everything about this place. I will never forgive those who did this to us. Gaganti ako kung may pagkakataon at gagawin ko ang lahat upang mabalik ko ang lahat ng bagay na binawi nila mula sa amin.

The Sound of the Sea (TransLove Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon