"Andito na tayo!" sigaw ni mama na gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog sa kotse namin.
We travelled for almost 12 hours from Manila to Alfuente, our province. Halos kalahating araw na akong nakaupo sa kotse at parang namamaga na ata ang pang upo ko.
Kinatok ni mama ang bintana sa tapat ko upang senyasan ako na bumaba na rin. Kanina pa sila nakababa nila papa at si Riann. Naiwan lang ako dito sa kotse namin na nakatunganga. Hindi ko pa rin talaga tanggap na iniwan ko sa Maynila ang mga kaibigan ko, school ko, at ang mansyon namin.
Ngayon ay nasa tapat ko na ang titirahan namin sa loob ng mahabang panahon, ang bahay nila Lolo Isko at Lola Wada. The exterior of the house looks old, hindi ko lang alam kung may nabago na ba sa interior nito. Ang mga pader nito ay kulay semento, hindi pinag-aksayahan ng panahon at pera upang pinturahan. Marami ring halaman sa gilid ng bahay at may mga manok at patong pagala-gala.
When I stepped out of the car, sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Sumayaw ang hanggang balikat kong buhok at humampas sa aking mukha kaya inipit ko muna ito gamit ang clip kong hello kitty ang design.
Naamoy ko ang pamilyar na preskong amoy ng probinsya. Napaawang ang bibig ko sa nakakamanghang tanawin ng Alfuente.
Tanaw kase mula sa bahay nila lola ang Mayumi beach. Kulay asul ang malinaw na tubig nito at kulay rosas ang buhangin nito. Kaunting lakad lang mula sa harap ng mga bahay ay puro buhangin na ang aapakan mo. Paborito kong magtampisaw rito noong bata ako kasama ng aking Mama Lea at Papa Ricardo. Pitong taong gulang pa lamang ako noon at ipinagbubuntis palang ni mama si Riann.
Now I'm nineteen pero close na close kami ng nakababata kong kapatid. She even started to adapt some of my mannerism and my love for hello kitty. Sana lang ay wag niyang magaya ang angkin kong kamalditahan kase kawawa naman ang aming magulang kung sakali.
"Angganda pa rin ng Alfuente, walang pinagbago." Masayang sabi ni papa habang patungo sa bahay. Napakaganda naman talagang lugar na ito, kaso ay hindi ko na rin malilimutan ang ginawa nang mga Angeles sa akin at sa pamilya ko.
Sumunod ako sakanila at agad na napangiwi dahil may naapakan akong malambot.
"Ahh, bwisit!" napasigaw ako dahil nakaapak ako ng tae ng kalabaw! Sira na nga ang araw ko dumagdag pa itong lecheng to! Unang araw ko rito at nadumihan na agad ang designer sandals ko.
"Ugh! I fucking hate this place!." Inis kong bulong sa sarili.
"Masagasaan sana yung kalabaw na nag-iwan ng chocolate dito!" nag imagine ako na nasagasaan yung kalabaw ng rumaragasang truck at gumaan naman ang pakiramdam ko kahit papaano.
Patakbo akong pumasok ng gate nila lola na gawa sa kawayan at dumiretso sa poso upang hugasan ang dumi. Pinihit ko ang saradura ng pintuang yari sa kahoy ng narra. Pagpasok ko ay agad kong hinanap si papa.
"Pa, bakit di niyo naman ako ininform na may tae pala ng kalabaw sa bababaan ko!" medyo may kalakasan kong sambit sabay irap. Nagtawanan silang lahat at saka ko lang napansin sila lolo at lola na nakaupo sa harap ng kahoy na mesa.
"Lolo, lola!" niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. I missed them so much. Kung meron man akong dahilan para pumayag na dito tumira, iyon ay ang pinakamamahal kong lolo at lola.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay. May pintura na ang dingding na kulay light green pero ang mga muwebles at ibang kagamitan na nakita ko noong bata pa ako ay narito parin.
"Dalaga kana Rowan ah! Apakaganda mo apo." natutuwang banggit ni Lola. Uminit ang aking pisngi kaya hinawakan ko ito. Iba talaga ang sarap sa pakiramdam kapag si lola na ang pumupuri sa akin. Maka-lola kase ako simula pa noong bata ako at nang kinailangan naming umalis dito ay talaga namang umiyak ako ng sobra.
BINABASA MO ANG
The Sound of the Sea (TransLove Series)
RomansaThis is a Man x Transwoman story. Rowan Encarnado has always been the fierce girl that she is. Ni minsan ay hindi niya hinayaang maging talunan siya sa kahit na ano at kahit na sino. Pero nang tumapak siya sa probinsya ng Alfuente at mapilitang mam...