Kabanata II : Ang Balimbing na Tuta

36 2 0
                                    

     Dinala ng mangkukulam si Berto sa kanyang tahanan at doon inabot ang dinurog na pagpak ng sawing palad na lovebird. Sinabi nito na kung sino man ang makasinghot sa pulbos ay magagayuma kay Berto.

     Dali daling tumakbo si Berto upang hanapin si Baby Girl. Hinanap niya ng hinanap si Baby Girl ngunit hindi niya ito makita kaya't umupo muna siya sa isang bangko sa may tabi ng parke upang mag isip isip. Maya maya lang ay may lumapit sa kanya, si Baby Girl iyon at umiiyak ito.

     "Sorry Labidabs hart hart" wika ni Baby Girl. "Bakit ka nag so-sorry ngayon?" sagot ni Berto. "Ikaw ang mahal ko labidabs at hindi si Gaspar. Nadala lang ako ng kikyam niya" dumukdok sa kanyang palad si Berto at sinabing "Tinatapos ko na relasyon natin Baby Girl" "But Berto! You are my love and my world" "Nag e-english ka pa kala mo madadala mo ako niyan? You have betrayed me, and its hurting me so deeply" tumayo at tumalikod si Berto kay Baby Girl. "Ngayon mag e-english ka din!?" tumayo siya at hinawakan sa braso si Berto. "Mas dramatic Baby Girl pag english" hinawakan niya ang kamay ni Baby girl at binato sa hangin. "I will end our relationship right here and right now. Minsan mas masakit ang kumapit kaysa sa bumitaw".

     Napaluha si Baby Girl sa mga sinabi ni Berto at sinabing "Mas dramatic nga pag english".

     Lumakad si Berto at tinapon ang pulbos sa hangin habang patuloy ang pagbuhos ng kanyang luha.

     Kinabukasan nagising si Berto dahil sa ingay sa tapat ng kanilang bahay ng mga nag sisigawang mga tao. Lumabas si Berto upang tingnan kung ano ang nangyayari at bigla na lang siyang nagulat sa kanyang nakita. Bigla na lang siyang sinunggaban ng mga senior citizens na bading at saka siya hinalikan.

     Bigla na lang siyang napaisip at na gulantang ng naalala niyang binuhos nya sa hangin yung dinurog na pagpak ng sawing palad na lovebird na dapat ay gagamitin niya kay baby girl.

     Humahagulgol at nagnanagis na tumatakbo si Berto sa kakahuyan upang hanapin ang kulorum na mangkukulam ngunit agad agad din siyang nahahabol ng mga bading na senior citizen. Bigla na lang dumating si Baby Girl na may dalang patola at patani. Pinagbabato niya ng patani ang mga bading na senior citizen at nagtumbahan ang mga ito na parang mga bulalakaw sa kalangitan ng setyembre. Pinaghahampas niya ng patola ang mga nagtangkang lumapit kay Berto.

     "Ano ang ginagawa mo Baby Girl!?" pahikahos na sinambit ni Berto ang mga salita. "Ginagawa ko ang tama Berto. Gusto kong patunayan sayo ang aking pag irog. Ipagtatanggol kita hanggang sa aking huling hininga" "Pero Baby Girl Hindi mo sila kaya. Masyado silang madami!" "Patawarin mo ako Berto" hinalikan ni Baby girl si Berto sa pisngi at saka itinulak pababa ng burol.

     Kahit nasa ibaba ng burol ay dinig na dinig parin ni Berto ang pahinagpis na ungol ni Baby Girl habang nakikipag laban ito sa mga bading na Senior Citizen hanggang sa kanyang huling patolang dala.

     Pinilit na bumangon ni Berto upang iligtas si Baby Girl ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan dahil sa lakas ng pagkakabagsak dahil sa sobrang hilo. Biglang nagdilim ang kanyang paningin at unti unting nahimlay sa pagkakatulog.

     Hindi katagalan ay unti unting nagigising sa ulirat si Berto. Mukha ng magandang babae ang bumungad sa kanyang pag dilat. Kumikislap ang kanyang malaki at bilog na mata sa tuwing masisinagan ng araw.

     Nagulat na lang si Berto ng mapansing lumilipad sila sa kalangitan.

     "Lumilipad ka? Sino ka? Ano kaylangan mo sa akin!?" tanong ni Berto. "Ako si Doorna! Tumutulong sa nangangaylangan at lumalaban sa kasamaan!" Sagot ni Doorna. "Doorna si Marian Rivera,?" tanong ni Berto. "Shunga! Ako si Marian Ginebra".

     Binaba ni Doorna si Berto at saka ito uminom ng alak. Bigla itong nag transform at laking gulat na lang ni Berto sa kanyang nakita. Si Doorna at ang kulorum na mangkukulam ay iisa.

     Abangan sa susunod na kabanata kung ano ang mangyayari kay Berto. Maaayos kaya niya ang gulong napasukan o habang buhay na siyang makikipag lambingan sa mga Bading na Senior citizen? Kamusta na ang mga patola ay este si Baby Girl? Maililigtas kaya siya ni Berto? Alamin ang lahat nang yan sa susunod na kabanata ng Eskandalosong Longganisa.

Eskandalosong LongganisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon