Kabanata III : Ang Balimbing na Tuta

24 2 1
                                    

     "Ano ang nangyayari? Bakit nila ako balak gahasain much?" tanong ni Berto kay Doorna. "Shunga ka kaseeeee! Ibuhos ba naman kase yung panggayuma sa hangin?". "Para may dramatic effect inday" tumingin sa langit si Berto at humawak sa kanyang dibdib.

     "Hay nako OA! Kung gusto mong alisin ang sumpa kaylangan mong aminin sa sarili mo ang katotohanan" wika ng kulorum na mangkukulam. "Anong katorohanan?". "Katotohanan, kung ano ba talaga ang bet ng heart mo. Mahal mo pa ba talaga si Baby Girl?" malumanay na sinambit ng kulorum na mangkukulam habang nakahawak sa balikat ni Berto.

     "Mahal ko si Baby Girl. Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya. Ilang ulit na akong nag selos at nasaktan pero dumarating ang pagkakataong hindi ko na kayang panindigan" tumulo ang luha ni Berto tulad ng dagta ng isang punong nasugatan.

     "Its so very very hard you know that and everything. At the time you feel to give up is the exact time they'll fix you all over again" ma emotional na sinabi ni Berto. "Kaylangan mag english pa?" pinunasan ng kulorum na mangkukulam ang kanyang luha at pinahid kay Berto. "Para dramatic" suminga ng sipon si Berto at pinahid sa mangkukulam.

     Matapos ang ma-emotional na pahiran ng sipon at kung ano anong malagkit. Dumiretso sila sa kinaroroonan ni Baby Girl upang iligtas ang mga patola ay este si Baby girl. Oras na makarating, agad na binawi ng mangkukulam slash Doorna ang sumpa. Agad na lumapit si Berto kay Baby Girl na nakahandusay sa lupa. "Baby Girl, ayos ka lang ba?" tanong ni Berto. "Pataaaaaaa-tas" sagot ni Baby Girl.

     Nilahad ni Doorna ang kamay ni Berto at may binigay na beans. "Ano to?" tanong ni Berto. "Ang kaisa isang magic beans na di na gamit ni kririn" agad na sinubo ni Berto kay Baby Girl ang magic beans.

     "Baby Girl ayos ka na?" inangat ni Berto ang ulo ni Baby Girl at inupo. "Oo Berto, salamat" hinawakan ni Baby Girl si Berto sa pisngi. "Salamat?" tanong ni Berto. "Ako ang dapat magpasalamat sa iyo Baby Girl dahil nagawa mo akong iligtas matapos kong makipag break sayo" dagdag niya. "Hindi matatapos ang pagmamahal ng isang tunay na nagmamahal sa break break. Natatanggap mo pa ba ako?" wika nI Baby Girl. "Oo Baby Girl" hinawakan ni Berto ang magkabilang pisngi at akmang hahalikan si Baby Girl nang bigla hinila ni Doorna si Berto sa tenga nito. "Hoy.. hoy.. Grade 4 palang kayo landi much na agad".

     Masayang naglakad pauwi ang dalawa. Magkahawak pa nga ang kanilang mga kamay at kinikilig tagos to the bones. Sa huli, ang pag ibig pa din ang nanaig sa pagitan ni Berto at ni patola ay este ni Baby Girl. Nagawa ni Berto na patawarin si Baby Girl at nagawa namang patunayan ni Baby Girl ang kaniyang pag ibig kay Berto sa kabila ng pag hihiwalay nila. Pinatunayan nilang dalawa na sa kabila ng di pagkakaintindihan mmagwawagi pa din ang tunay na pgmamahalan.

     Ano pa kayang mga dramatik at nakakalokong pangyayari ang magaganap kay Berto? Alamin sa susunod na kabanata ng Eskandalosong Longganisa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eskandalosong LongganisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon