PART 15

58 1 21
                                    

HAECHI'S POV:




Flashback.




"Par tumawag si Maya galit na galit. Anong nangyari akala ko ba pini pursue mo sa Dani? Hinahayaan ka lang namin ni Yeni mag mukhang tanga kakangiti mag isa sa gilid dahil akala namin ay si Dani ang kausap mo." Mahabang sabi ni Chocol.




"Tsk. Akala ko nag bago ka na mula nung makilala mo sa Dani pero bakit nang maka balik tayo nang Korea ay bumalik rin yung dating ikaw?" Dagdag na sabi niya.




Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Hindi ko magawang mag salita dahil kahit ako ay hindi ko ma intindihan ang sarili ko kung bakit ko nagawa yun. Siguradong sigurado na ako sa kanya at nasabi ko pa ngang siya na ang gusto kong maka sama habang buhay pero bakit ngayon ay naging ganito bigla?





Nag sawa ba agad ako sa set up namin? Kung ganun ay hindi pag mamahal ang naramdaman ko sa kanya nung nagka sama kami. Siguro nga oo baka infatuated lang ako pero hindi dahil ngayon ay biglang nag sink in sa akin na namimiss ko si Dani. Pero hindi ko alam kung paano mag reach out sa kanya dahil nahihiya ako sa ginawa ko.




"Ano par? Bat hindi ka mag salita? Ipag tanggol ko sarili mo." Saad ni Yeni.




"Problema mo kasi par gagawa gawa ka nag desisiyon hindi mo naman kayang panindigan. Naka sakit kana na nga nang damdamin nang tao pina asa mo pa siya wala." Tuloy ang paninermon ni Chocol.




"At talagang nag post ka pang kasama si Dohee. Ang malala naka hawak ka pa sa bewang niya at ang lapit pa nang mukha mo sa kanya na any time ay mag hahalikan na kayo. Ano ba kasing nakain mo at nagka ganyan ka ha?" Patuloy na tanong niya sa akin.




"At ikaw Yeni. Hindi mo man lang to pinigilan? Tinolerate mo pa talaga? Tsk." Baling niya kay Yeni.




"Uy par! Anong hindi? Binatukan ko nga yan nung nakita kong kasama niya si Dohee eh. Hindi naman kasi sa bar yung una kong kita sa kanila na mag kasama." Sagot ni Yeni sa kanya.




"Oh eh tapos? Yun na yun? Dalawang bwan par. Dalawang bwan wala kang paramdam sa babaeng hiningan mo nang permisong kilalanin siya nang mabuti tapos hindi pa man nag sisimula na iwan na sa ere? Aba'y nakaka putang ina ngang talaga!" Inis nang sabi ni Chocol sa amin.




"Eh kasi naman par nang kina usap ko naman si Chi ang sabi niya mag kaibigan lang sila ni Dohee. Hindi ko naman aakalaing dadalhin niya sa bar yun at talaga namang nag post pa sa IG malamang sa malamang talang magagalit nang ganun si Maya. Tapos nag t-trabaho sa kanya si Dani. Walang ibang gagawin ang mga yun after peak hours kundi mag kamustahan. Tsaka alam mo naman kung paano ituring ni Maya ang mga kaibigan niya diba kaya hindi na ako mag tataka pa kung bakit ganun ka galit yun. " Sulsul pa ni Yeni kay Chocol.




"Par hindi talaga kasama si Yeni dito. Sakin ka na lang magalit kung gusto mo bugbugin mo pa ako eh tatanggapin ko naman yun." Singit ko sa kanilang dalawa. Agad naman na tumingin sila sa akin dahil sa sinabi ko.



"Jan ka magaling Chi. Yung mangonsensya. Tsk. Ewan ko sa inyong dalawa. Bahala na nga kayo pati tuloy ako damay sa galit ni Maya. Tsk." Inis na sabi niya.



End of flashback




Ilang araw na din mula nung komprontahin ako ni Chocol dahil sa kagaguhang ginawa ko. Gusto kong contakin si Dani pero nahihiya ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko bukod sa sorry. At sigurado rin akong hind siya sasagot sa tawag ko.




CAPTURED LOVEWhere stories live. Discover now