PART 31

30 0 0
                                    

DANI'S POV:

Nag luluto ako nang sopas at pang umagahan namin dahil maaga akong nagising ngayon. At alam kong may mga hangover ang mga kaibigan ko pagka gising nila.

Habang nag luluto ay nakikinig ako nang music through ear peace ayokong magising sila kaya para safe ay gumamit ako nang ear peace. Napapasayaw pa nga ako sa music at hindi ko na pansin na may tao na pala sa likuran ko. Bigay na bigay pa naman ako sa pag sayaw ko. Tsk

"Hi, good morning." Bati ni Chi sa akin.

"Aah... Ahmmm... G-good morning. Kanina ka pa jan?". At nag statter pa nga.

Taena ka Dani nakakahiya ka. Jusko. HAHAHA

"Hindi naman. Ngayon ngayon lang din. Babatiin na sana kita kaso mukhang busy'ng busy ka kasi."  Napapakamot sa ulo niyang sabi.

Ayun at nakita niya talaga akong nag sasayaw kanina. HUHU. Nakakahiya.

Pero ano pa nga ba ang gagawin ko eh tapos na nang yari na, nakita niya na. Huminga na lang ako nang maluwag tsaka nag patay malisya.

"Upo ka na muna Chi malapit na tong niluluto ko alam kung may mga hangover kayo kaya maaga akong gumising para maka pag luto nang hangover soup." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman na umupo agad siya. Hinanda ko muna ang gamot para sa hangover niya habang inaantay na kumulo nang kaunti ang sopas. Pagka kulo rin nito ay agad kong pinatay ang kalan at nag salin na nang sopas sa mangkok na para kay Chi.

Maya-maya lang din ay nakita kong pumasok ang kapatid ni Chi sa kusina kaya inalok ko din siya. Habang kumakain si Eunwoo at Chi ay nag patuloy lang ako sa pag luluto nang umagahan namin baka kasi dito na rin mag agahan sina Beka.

Dumating nga sina Beka at dito nag umagahan. Matapos ay nag sipag ligo na rin kami dahil nag sisimula na itong mag tatalak dahil nga antagal daw namin kumilos. HAHAHA.

Naka pag ayos na kaming lahat at ready nang umalis. Napansin ko lang na medjo matamlay si Chi. Siguro dahil may hangover pa rin siya kaya bumalik ako sa loob nang bahay at kumuha nang gamot sa ref. Babaunin ko na lang to at ibibigay sa kanya mamaya kapag hindi pa rin siya naging maayos.

HAECHI'S POV:

Nandito kami ngayon sa Jungmun tourist complex. One of the best tourist spot dito sa Jeju island. Hindi ko lang alam kung malilibut ba namin tong lugar nang iisang araw lang.

Rinig kong nag uusap kanina sila Maya sa likuran nang sasakyan at balak nilang puntahan ang isa pang tourist spot dito sa Jeju. Naka sunod lang ako sa likuran nila at hindi masyadong nakikihalubilo dahil wala ako sa mood. Masakit pa rin kasi ang ulo ko dahil sa hangover. Hindi ko man lang ma enjoy ang ganda nang lugar na to. Tsk.

Habang nag lalakad ay na pansin kong naka bukod sa amin sina Ina at Adi habang si Dani naman ay kasama nang group nina Maya.

Bakit hindi si Dani ang kasama neto? Akala ko ba mag jowa ang dalawang to? Eh mukhang mas mag jowa pa silang tignan ni Ina. Takang tanong ko sa sarili ko. Hinayaan ko na lang at baka tinutour lang.

Nang mag ayang mag tanghalian ay agad naman akong sumunod sa kanila. Hindi naman kami lumayo masyado dahil may kainan naman dito sa loob nang complex. Habang nag oorder sila ay tumabi si Dani sa akin habang magka tabi naman si Adi at Ina.

Kelan ba naging close ang dalawang to? Tanong ko ulit sa sarili ko. Sa pagkaka alam ko ay kahapon lang nag kita ang dalawang to pero bakit ngayon ay para mas mag jowa pa talagang tignan silang dalawa ni Ina. Tsk.

Nilingon ko si Dani na nasa tabi ko lang.

"Dani may itatanong ako sayo wag ka sanang magalit." Saad ko sa kanya.

"Ano yun Chi?" Tanong niya sa akin.

"Kelan pa naging close ang dalawang yan? Sa pagkakatanda ko kahapon lang sila nag kita hindi ba?" Pabulong kong tanong at itinuro sina Adi at Ina.

Natawa naman siya kaya mas lalo tuloy akong naguluhan.

"Sasabihin ko sayo mamaya ang totoo. Sa ngayon ay kumain ka muna nang madami at inum mo tong gamot na dala ko. Kanina ka pa wala sa huwisyo at hindi mo ma enjoy tong ganda nang lugar dahil sa hangover mo." Mahaba niyang sabi sa akin.

Nag pa lipat lipat lang sa kanya at sa gamot ang paningin ko. Ngumit naman siya nang makita niya ang ginawa.

Nag simula na kaming kumain nang dumating ang mga inorder nila. Na alala ko naman na i chat ang kapatid ko baka kung nasaan na yun. Malalagot ako kina mama at papa. Tsk.

"Tol san ka?"  -ako

"Nasa Jungmun complex atekuys" - Eunwoo

"San banda? Andito rin kami sa complex ngayon" - ako

"Akyat ka dito sa restau. Andito kami lahat kumakain." - dagdag ko pang text sa kanya.

"Kasama ko si Miyabi atekuys. Nakakahiya naman kung sasama kami jan sa inyo." - sagot niya

"Lika na sama mo si Miyabi nang makilala ko din. Wag ka na mahiya. Mga walang hiya din naman tong mga kasama ko dito." - Mahabang reply ko sa kanya

Ibinaba ko naman ang phone ko at nag simula nang ring kumain.

"Sino ka chat mo?" Biglang tanong ni Dani sa akin.

"Ahh..si Eunwoo tinanong ko lang kung nasaan siya. Andito din daw sila sa complex kaya pina akyat ko na rin dito para sumabay na sa ating kumain." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Tumango naman siya bilang sagot sa akin.

Hindi rin naman nag tagal ay dumating na din sina Eunwoo. May kasama nga itong magandang babae. Napaka hinhin naman kung kumilos. Galing pumili nang utol ko. HAHAHA.

"tol dito na kayo umupo." Tapik ko sa bakanteng upoan sa tabi ko.

Lumapit naman silang dalawa at nag si upo na rin. Binigyan ko naman sila nang tig isang plato, kutsara at chopsticks.

"Ahmm..nga pala mga ate, kuys. Si Miyabi nga pala nililigawan ko." Pag papakilala ni Eun sa kasama.

"Ang gandang dilag naman niyan Eun. May ate ba siya?" Tanong ni Yeni.

"Oo kuys. Meron. Papakilala kita sa kanya pag balik natin nang Busan." Saad naman ni Eun.

"Yown. Da best ka talaga Eun." Sagot naman ni Yeni sa kanya.

Umiling naman kaming dalawa ni Chocol dahil alam namin na isasama niya lang sa collection niya ang ate ni Miyabi.

"Nga pala babe, ate ko nga pala si Haechi. Atekuys si Miyabi." Pagpapakilala naman niya sa akin

"Nice to meet you Miyabi." Naka ngiti kong nilahad ang kamay ko sa kanya.

"Nice to meet you din po ate Chi." Agad niya naman tinanggap ang kamay ko at nakipag kamay.

"Yang nasa tabi naman ni atekuys Chi ay si ate Dani. Jowa ni atekuys yan. Ate Dani si Miyabi nga pala." Dinig kong sabi ni Eun kay Miyabi.

Napa yuko ako sa sinabi ni Eun at napa ngiti dahil doon. Hindi ko rin kasi narinig na tumutol si Dani sa sinabi ni Eun.

"Hi Miyabi. Nice to finally meet you. Kahapon lang ay kinikwento ka ni Eunwoo sa amin. Tapos ngayon ay eto kana. Ganda mong bata." Naka ngiti nitong sabi kay Miyabi

"Nice to meet you din po ate Dani. Sana po ay magaganda lang po yung ikinwento netong si Eun sa inyo." Nahihiyang sabi neto kay Dani

"Syempre naman babes. Wala ka namang pangit na nagawa eh. HAHA." Singit na sabi ni Eunwoo

Matapos niyang sabihin yun ay nag kanya kanya na ang iba naming mga kaibigan sa pag papakilala aa sarili nila. Nang matapos saka pa lang nakakain si Eun at Miyabi.

Nang matapos naman kaming kumain ay dumiretso na kami sa parking lot, lilipat naman kami ngayong sa ibang tourist spot dito sa Jeju.

CAPTURED LOVEWhere stories live. Discover now