PART 27

27 1 1
                                    

HAECHI'S POV:

Ngayon na yung araw na inaantay ko. Araw nang byahe papuntang Jeju. Nandito pa kaming mag kakaibigan sa bahay nang parents ni Yeni. Inaantay pa namin sina George at Beka. Sila na lang din kasi ang inaantay namin dahil may binili pa daw sila sa convience.

Kasama ko rin pala si Eunwoo. Na ipag paalam ko siya kay mama at papa. Gusto nga ring sumama ni Bella pero hindi na siya pinayagan dahil walang mag babantay sa kanya dahil gagala lang rin kaming lahat baka daw hindi namin siya ma pansin. HAHAHA

"Buti at pinayagan ka nina tito at tita, Eun?" Rinig kong tanong ni Chocol sa kapatid ko.

"Muntik na ngang hindi tekuys buti na pilit ni atekuys si mama at papa." Sagot niya naman dito.

"Alam mo naman na pag love life nang kapatid ko ang pag uusapan ay support ako jan." Sabat ko sa kanilang dalawa.

"Buti pa tong kapatid mo Chi marunong ma kuntento. Stick to one." Saad ni Maya sa akin.

"Loyal na ako ngayon Maya baka hindi mo lang alam." Bara ko sa kanya.

"Ngayon lang. Ngayon mo lang din kasi na realize ang lahat eh kasi nasasaktan ka na." Natatawang sabi niya sa akin.

Natawa rin ang mga kaibigan ko sa sinabi niya pati nga kapatid ko natatawa rin eh.

"Sige lang ganyanin niyo lang ako ngayon. Pag si Dani naging akin ulit HU U kayo sakin." Sabi ko sa kanila.

"Ay kailan yan par? Mukhang malabo na ah. May jowa na diba?" Sabat ni Yeni sa amin.

"Antay ka na lang daw pumuti ang uwak Chi." Saad naman ni Joyce

Mas lalo lang na tawa ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Joyce. Ako na naman ang trip nang mga to. Tsk.

"Anong kagulohan ito at abot dun sa may kanto ang mga boses niyo? Rinig na rinig ko." Sabi ni Beka.

"Si Chi kasi Beks, Who U daw tayo sa kanya kapag naging sila ni Dani." Sabi ni Mini sa kanya.

"Ay!? Mga kelan kaya yun Chi? Pag naka lipad na ba ang baboy?" Natatawang sabi nito sa akin.

Mas lalo lang tuloy na lukot ang mukha ko sa sinabi niya. Parang sinabi na nilang hindi na magiging kami ni Dani eh. Kelan ba kasi makaka lipad ang baboy? Ang uwak may purohan pang maging puti eh. Pag na mix breed. HAHAHA.  Taenang pag iisip yan.

"Ano? Aalis pa ba tayo o aasarin niyo na lang ako hanggang ma expire tong mga ticket natin?" Kunwaring asar kong sabi sa kanila.

"Asar talo na naman po ang tao na yan." Natatawang saad ni Yeni.

"Tara na guys. Umuusok na ilong ni Chi sa pang aasar niyo sa kanya." Singit ni Ena sa gitna nang pag tawa nila.

Buti pa tong si Ena hindi ako inaasar.

Maaga kaming nag kita kita sa bahay nina Yeni dahil alam kong marami ring orasyon tong mga kaibigan ko. Andaming extra curicullar activities nang mga to at hindi pweding on time ang pag kikita namin dahil ma iiwan talaga kami nang eroplano kapag ganun.

Gaya lang kanina 1 pm pa naman ang flight namin dapat ay nasa airport na kami 1 or 2 hours before ang flight namin kaya napag kasunduan namin na 7 or 8 andun na kami sa bahay dahil b-byahe pa kami.

Habang nasa byahe ay may kinuhang pagkain sina Beka at ibinigay niya ito sa amin isa isa. Yun pala yung binili nila ni George kanina. Dahil nga maaga kaming na gising at maaga rin ang call time namin ay nag take out na lang siya nang foods para sa daan na namin kainin.

CAPTURED LOVEWhere stories live. Discover now