Chapter 11

932 70 32
                                        

A/N: Dahil mabait kayo sa akin, eto pa! ♥️

Chapter 11

UMUWI si Callum sa mansyon sapagkat inimbitahan siya ng kanyang Lolo na maghapunan roon. Ayaw sana niya na pumunta ngunit sa araw na iyon ay ayaw niyang mapag-isa dahil kung saan saan tumatakbo ang kanyang isip.

Pagpasok niya sa living room ay naroon ang kanyang kapatid at si Lauren na nakikipaglaro sa dalawa niyang pamangkin. Matalim ang tingin niya kay Cole at kuyom niya ang kanyang mga kamao. He hates his brother for a very stupid reason.

Wala itong alam sa kanyang nararamdaman at wala siyang balak na sabihin rito iyon. As much as he wants to punch his brother and tell him how he was so lucky to have Eloisa's attention all to himself, he couldn't. Ngunit ayaw niya na masira ang pagkakaibigan ng dalawa dahil lang sa selos na nararamdaman niya kaya naman kahit mahirap ay kikimkimin na lamang niya.

Nagtungo siya sa dining room kung saan alam niya kung nasaan ang kanyang mga magulang at ganoon na lamang ang pag-init ng kanyang ulo nang makita na hindi lang ang mga ito ang naroon, maging ang mag-asawang Delmundo. Ngunit kataka-taka na wala si Cheska roon.

"Goodevening, Callum!" Bati ng ginang sa kanya.

"Goodevening, ma'am."

"Magiging mag-asawa na kayo ni Cheska next year, dapat ay Mommy na ang tawag mo sa akin."

Naiilang na tumawa ang kanyang mga magulang na alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa sitwasyon nila ngayon. Wala namang magawa ang mga ito sapagkat hindi ang mga ito ang nagpapatakbo ng tahanan ng mga Saavedra.

Bumaling ang kanyang tingin sa totoong salarin ng kasunduan na prenteng nakaupo sa master's chair na nasisiyahan sa sinabi ng ginang. Gusto niyang burahin ang mga ngiting iyon at palitan ng kahit na ano na magpapagalit rito. Na siya naman ang masisiyahan sa ginagawang paglalaro nito sa kanila.

Alam niya na hindi pabor ang kanyang mga magulang sa kasunduan sapagkat alam ng mga ito na mas malaki ang pakikinabangan ng mga Delmundo sa kanilang pamilya. Lalo na at hindi lang politika at yaman ang meron sila. Maging koneksyon sa iba't ibang negosyo hindi lang sa kanilang lungsod, pati narin sa labas.

Ayaw ng kanyang ina kay Cheska para sa kanya dahil alam nito na kasintahan ng kanyang matalik na kaibigan ang babae na dahilan kung bakit ngayon ay hindi na kaibigan ng kanyang mga magulang ang pamilya Gamboa. Labis na nalungkot ang kanyang ina sa naging hantungan ng pagkakaibigan nila ni Rio, ngunit wala itong magawa.

Kung alam lang nito na iba ang dahilan ng pagkasira nila ay tiyak na mas lalo itong malulungkot sapagkat si Eloisa ay para ng anak sa kanyang ina.

"Where is Cheska?" Tanong niya.

Nag-aalangan naman na sumagot ang babae na bumaling sa asawa nito. "Napagod sa trabaho kaya hinayaan na lamang namin na matulog. We can have dinner without her."

As if he'll believe that. He's well aware of what's really going on with their only daughter. Being a spoiled brat that she is, she probably escaped their household. Hindi naman kaila sa kanya iyon dahil bago pa masira ang relasyon nila ni Rio ay ganoon na ang ginagawa ni Cheska. Madalas ay silang dalawa pa ni Rio ang naghihintay ng hating gabi sa paglabas nito sa tahanan ng mga Delmundo.

Ginagawa rin siya mismong driver at look out ng dalawa kapag ang mga ito ay nagpupunta sa gym na pagmamay-ari nila ni Rio. Kung saan alam niya na ginagawa ng mga ito ang kababahalaghan.

Anyway.

"Bakit hindi na lang natin ihinto ang kasunduan?" Aniya nang siya ay maupo sa kanyang pwesto. "I mean what is the point? Cheska and I never like each other. And don't use this arranged marriage as an excuse of us for your selfish reasons." Sumenyas siya sa kanyang kapatid nang makitang papasok ang mga ito sa dining.

A Trace of You [COMPLETED]Where stories live. Discover now