Chapter 7

10 0 0
                                    

Chapter 7

Aender's POV

This is the day. Long wait is over. Magkikita kami ni ate ngayon. Yung regalo niya sakin na magbobonding kami buong araw :). Simula kasi ng humiwalay si ate. Madalang na lang kaming nagkikita.

Pagtingin ko sa relo ko 7:30 am na. Dadaan muna ako sa convient store para bumili ng marshmallow ni ate. At ilang minuto bago mag 8 nakarating na ako sa building ng unit na tinutuluyan ni ate. Nakailang katok ako ng bumukas ang pinto. At bumungad sakin ang nakangiting mukha ni ate Alliah :)

"Good morning ^_^ my princess." masayang bungad ko kay ate. Alam kong hinihintay din ni ate ang araw na to.

"Morning my prince :) Aga mo ah. Di ka naman excited , hintayin mo muna ako dito. Kumain ka na ba?" nakangiting balik sakin ni ate. Ngiting minsan mo lang makikita sa mga labi niya.

"Yup. Ikaw ate kumain ka na? Buong araw tayong mag gagala." at umupo ako sa sofa sa sala ng unit ni ate. Nilibot ako ang paningin ko. Katulad lang din ng kwarto niya dati.

"Okay. Kuhain ko lang yung bag ko." paalam niya at bumalik sa kwato niya. Habang ako tinitignan yung mga picture frame na nakadisplay. At iisang litrato lang ang pumukaw ng pansin ko.

Family picture namin kung di ako nag kakamali that was taken 7 years ago. Walong gulang lang ako nun at si ate ay sampu.

Almost two years na din na wala yung pinaka importante saming tao. Haist. Kita ko na sa kilos ni ate na parang kahapon lang lahat nangyari ng sabay sabay. Kumbaga hindi pa humihilom ang mga sugat na meron siya. Na dulot ng mga pinagdaanan namin. Ewan ko kung kanino si ate kumukuha ng lakas para maging matatag. Ako kay ate lang ako kumukuha ng lakas kasi kami na lang ang magkasama , hindi ko maatim na may manakit at mahirapan si ate uli.

"Oy anu yan. Halika na para di tayo tanghaliin." kaya sumunod na ako kay ate.Unang destinasyon namin sa isang amusement park. Matagal na nung huli kaming pumunta dun.

"Saan ba tayo unang pupunta?" tanong ni ate habang na kasakay kami sa bus. Hindi ko siya sinagot. Dahilan para lumingon siya at ulitin ang tanong niya.

"Sa amusement park." nakangiti kong sagot habang taas baba ang kilay ko. Haha. Yung ngiti na meron siya kanina nawala at dumilim. Alam kong ayaw niya dun pero gusto ko palitan yung memories na pwede itatak dun.

Inangat ko ang mukha ni ate dahilan para mapatingala siya. At dahil na din mas matangkad ako kay ate. "Princess naman hayaan mo naman si Prince mo na palitan ang mga memories natin dun. Para kay queen. Please." at binigyan ng isang matamis na ngiti si ate.

"Sige siguraduhin mo lang my prince kung di gagawin kitang palaka." biro ni ate. Kaya ginulo ko yung buhok niya. At tumango lang bilang sagot.

Pagbaba namin hinawakan ko agad ang kamay ni ate. Minsan lang to. Kaya susulitin ko na :).

"Hey di ka naman ganun ka atat young man." puna niya sakin. Kaya napatigil ako. At humarap kay ate.

"Ate naman minsan lang to kaya dapat ienjoy." nakapout na sagot ko sakanya.

"Sus nag-nguso pa. Haha. Halika na magbayad na tayo ako na magbabayad." aya ni ate at nilagpasan ako.

"Bagay ba ate? haha. Hala ako magbabayad hindi ikaw." pigil ko sakanya ng akma niyang ilalabas yung wallet niya.

"Anong ikaw ako na. Regalo ko sayo tong bonding natin. Ako na wag ng makulit." si ate talaga.

"Naman eh may ipon naman ako ate minsan lang to nangyayari kaya pinaghandaan ko to."

"Aender wag ng makulit. Ito lang sasagutin ko sa araw na to. Okay. Kung mapilit ka."

"Oo na po. Wala naman akong laban sayo Princess." pagsuko ko. Wala talaga akong laban. Naman eh.

Real Or Fake OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon