Chapter 17TAHIMIK silang tatlo na magkakaharap sa kusina at wala kahit sino sa kanila ang gustong mauna. Ngunit alam niya na si Cheska ay maraming katanungan at hindi niya maintindihan kung bakit nakikita niya ang saya sa mga mata nito habang bumabaling sa ikalawang palapag.
"He's handsome." Basag na nito sa katahimikan. "Ilang taon na siya?"
"Eight."
Tumango ito. "Kaya ba umalis ka ng bansa? Because you knew you were pregnant?"
Umiling siya. "I didn't know. The night before the day I left is the night Cole and I had sex."
"Are you sure si Cole ang nakasiping mo?"
Tumayo ang kanyang kuya at tumanaw sa labas ng kanilang bintana. Kita niya ang paglalim ng paghinga nito dahilan para kumunot ang kanyang noo.
"Ano pala ang ginagawa mo rito?" Pag-iiba niya ng usapan. "Bakit kayo magkasama? Hindi niyo ba alam kung anong gulo ang magaganap sa ginagawa niyo? Kuya?"
Kinuha ni Cheska ang kamay niya. "I love your brother, El. I can't live without him. Kahit pa anong gawin ko, hindi ko kayang pakasalan si Callum. We don't love each other."
"Are you aware that if you decide to fight for your love, hindi lang ang pamilya mo ang makakalaban namin? Ang mga Saavedra rin."
"Ang Congressman lang naman ang tumulak sa ganitong kasunduan." Ani Cheska. "Maiintindihan ako ni Tito at Tita."
"Still!"
Bumaba ang kanyang Mama at matalim na tiningnan ang dalawa lalo na ang kanyang kuya na nasa labas parin ang tingin. "Hindi mo manlang naisip ang bata, Rio?! Nagdala ka ng gulo dito sa bah—"
"Promise, hindi ako magsasalita." Putol ni Cheska. "Tita, I am sorry. I hope you'll understand. I love your son."
"Magsasaka lang ang anak ko."
"I don't care. Kahit saging o manga ang kainin namin araw araw. Kahit na mag-gapas ho ako ng palay, mais o tubo. Ok lang ho sa akin." Saad nito at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya.
Cheska came from a wealthy family and she is the last of the Delmundo. Ito ang magmamana ng lahat ng ari-arian ng pamilya kaya marahil gusto ng mga magulang nito na mayaman rin ang makinabang sa yaman ng mga ito.
Kaya naman hindi niya alam kung kakayanin ba nito ang kumain ng saging o magsaka ng palay gaya ng sinasabi nito.
"Hindi kayo papakainin ng pagmamahal niyo. Hindi mo mapagtatyagaan ang buhay namin, Cheska." Wika ng kanyang ina. "At kahit na magawa mo man iyon, hindi kayo titigilan ng mga magulang mo. You are their only child."
"Ma."
"Hindi pwede." Marahas na umiling ang Mama niya nang magsalita ang kanyang kuya. "Hindi ko papayag."
Bagsak ang balikat ng kanyang kuya na tumango. "Well then. Aalis kami ni Cheska."
Umawang ang kanyang labi at hindi makapaniwalang tumingin sa kanyang kuya. Sinundan niya ito ng tingin nang lumapit ito kay Cheska at kinuha ang kamay nito. "Since she's not going to marry Callum anyway. I'll fight for her."
"Rio!" Sigaw ng kanyang ina. Lumapit siya rito upang pakalmahin. "Nababaliw ka na ba?! Ipagpapalit mo ang simpleng buhay mo para sa buhay na walang kasiguraduhan? Paano kung magsawa sayo si Cheska? Paano kung lahat ng gusto niya ay hindi mo maibigay?"
"She loves me, I love her. Iyon ang mahalaga."
Hindi na nagsalita pa ang ina. Bagkus ang bagsak ang balikat na napabuntong hininga ito tahimik itong napaluha. Sa ilang segundo nitong papanahimik ay naging tensyon naman sa kanilang tatlo. Lalo na nang bumaling rin ito sa kanya.

YOU ARE READING
A Trace of You [COMPLETED]
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...