Okay, so that Mia girl, na current girlfriend ni Patpat is also Mike's ex girlfriend. Pinaliwanagan ako lahat ni Patpat on the way habang nag ddrive siya papunta ng apartment ko. And from that setting, na gets niyo na siguro na hindi sumama si Mia kay Patpat. Mas pinili pa niiyang sumama kay Mike kesa sa boyfriend niya. Kaya grabe yung inis ko dun sa kanya, pero eto namang kaibigan ko pinagtanggol pa si Mia. I know na meron pang hindi sinasabi si Patpat sakin kaya lang di ko na pinilit. Hmp. Anong bang meron sa babaeng yun at nabaliw tong dalawang lalake sa kanya. Hay ewan.
As for Mike, di kami masyadong nag uusap kahapon tsaka nung Thursday. Inis pa rin ako sa kanya. Siya tong nagsabi na hintayin ko daw siya at wag ma late, tas siya pa mismo ang hindi sumipot sa kin. Eh ang rason pala ay dahil natagalan sila ni Mia. Nakakahurt rin yun no, ayoko ng kasi ng ganun. Ano yun, kinalimutan lang ako? Tsk. Actually, nung nagkita kami na kasama niya si Mia ay papunta na pala sana siya sakin kaya lang wala na eh, papauwi na ako. Buti na lang talaga at nagandahan si Sir Ramos sa presentation ko. Idagdag mo pa na siya yung dahilan kung bakit na hu-hurt tong kaibigan ko.
Saturday na ngayon at nag re-ready na ako para sa pagkikita namin ni papa. Matagal tagal na rin nung huli kaming nagkita kaya naman excited na excited na ako. Pagkatapos kong magbihis, nag abang na ako ng taxi papunta dun.
Pagdating ko naman sa hotel, pumunta ako sa lobby at naghanap ng mauupuan while hinihintay ko si papa. Nakikinig lang ako sa iPod ko nang may nakita akong familiar na lalake na papasok ng elevator.
"Papa?" Tumayo naman ako tas tinanggal yung earphones ko tas tumakbo papunta kay papa.
"Papa!" Sigaw ko habang tinatawag siya. That's odd. Imposible naman siguro na hindi niya ako marinig, right? Medyo malapit na kami nang nakapasok siya ng elevator. Papasok na sana ako kaya lang humarap siya sa kin. Nagkatitigan lang kami habang walang nagsasalita ni isa.
"Papasok po kayo maam?" Tanong nung elevator boy sa kin.
"Ha? Ahh. Eh. Hindi." Sagot ko naman. Napansin ko namang nakatitig pa rin yung lalake sa harap ko kaya yumuko na lang ako at naglakad papaalis.
Weird. Akala ko talaga si papa yun. I should have noticed na naka suit pala siya, na never ko pang nakitang naka suot si papa nun. Oh well. Bumalik naman ako dun sa kinauupuan ko at hinintay ulit si papa. Di naman nagtagal at nag ring yung phone ko.
"Hello?"
"Princess, pumunta ka dito sa restaurant ng hotel."
"Sige po." Binaba ko naman yung phone ko at pinuntahan si papa. All the while, parang meron pa ring something na hindi ko ma explain.
_______________________________________________________
Kasalukuyan kong hinhintay yung professor namin habang nakadungaw sa bintana. Haayy. Napaka boring naman. Sila Kakay naman tsaka si Liz ay nasa gilid ko at busy sa pag chi-chika tungkol sa status nila Victor. Hindi na lang ako sumali coz let's face it, ano namang maitutulong ko sa bagay na yan? At least tong si Liz maraming experience.
"Liiiizzzz. Naiinis na talaga ako. Gusto ko maging official na kami. Kaya lang, alangan naman ako pa yung mag insist sa kanya nun!" Pagrereklamo ni Kakay
"Edi tanungin mo siya? Problema ba yun? Tanungin mo sa kanya yung status niyo."
"Ayoooko. Baka ang labas ko niyan, ako pa ung desperada. Bat ba kasi di pa niya ako tinatanong ulit eh."
"Loka ka. Kahit naman walang status, halata namang kayo na eh."
"Yun yung point ko! Parang kami kaya lang walang status. Ang gusto ko, kapag may magtatanong sakin kung ano ko si Victor, I can proudly say na HE'S MY BOYFRIEND, BTICH. Kaya lang hindi kami eh! Kaya yung mga ibang babae dyan naglalaway pa rin sa kanya" Halos mangiyak ngiyak niyang sumbong sa min. Palibhasa, may naka away kasi yan kanina.
Pinabayaan ko nalang yung dalawang yun at nag muni-muni habang nakatingin sa labas. Papatulog na sana ako nang biglang may lumapit sa kin. Ahh. Si Andrea lang pala, classmate ko sa ibang mga subject. Irreg kasi siya.
"Pia. Totoo ba yung balita?" Tinaas ko na lang yung kilay ko kasi di ko ma gets kung ano yung ibig niyang sabihin.
"Kayo na daw ni Maichael! Ano? Totoo ba!?" Napanganga lang ako dahil sa gulat. San naman niya nakuha ang kalokohang yan? Magsasalita na sana ako kaya lang naunahan ako ni Liz.
"San mo naman yan narinig?"
"Actually, last week ko pa to nasagap. Binigyan ka daw niya ng roses. Ang sweet naman. Ang swerte mo sa kanya, girl!" Eh, hindi naman siya yung nagbiigay nun eh.
"Bat naman magiging maswerte si Ja sa kanya?" Tanong ni Kakay
"Syempre naman, bulag na siguro ang taong hindi makakapansin sa ka gwapuhan nun. Tsaka mayaman rin tas matalino. Package na siya girl. Hindi lang siya kundi pati yung mga kabarkada nun."
"Ha?"
"Ang buong akala nga namin hindi na yun makaka get over sa ex niya. Biruin mo naman, naging sila nung High School pa sila. Alam niyo ba, todo effort yan si Maichael noon para mapasagot yung ex niya, halos everyday nga may dala yung bulaklak para sa kanya. At nung naging sila naman, para kaming nakakakita ng shoot araw araw."
"Shoot?! Ano yun?"
"I mean, yung parang shoot ng commercial. Grabe kasi yung hatak nila pag magkasama eh. Isama mo pa na kasama nila palagi yung dalawa."
"Sinong dalawa?"
"Si Jeremy tsaka Richard. Magkaklase kasi yan silang tatlo. Galing yung magbabarkadang yan sa isang kilalang exclusive chinese school, pati si Yas na rin. Tsaka balita ko nga tumulong rin yung dalawang yun sa panliligaw ni Maichael. Galing no?" Tanong niya habang nakangisi.
"Pano mo naman yan nalaman lahat?"
"Syempre naman, schoolmates kasi kami nung high school kaya alam na alam ko yung bagay na yan. Tsaka crush ko rin kasi yun. Noon ha? So ano na, pano naging kayo Pia? Grabe, hanggang ngayon di pa rin kami makapaniwala."
"Eh hindi naman kami eh!" Pagtatanggi ko naman.
"Ha? Eh ano yung nabalitaan ko na binigyan ka daw ng bulaklak?"
"Hindi yun galing sa kanya. Nagkataon lang na nagkasabay kami."
"Ganoon ba, sayang naman. Akala talaga namin kayo na." Natahimik naman siya ng sandali tas napansin kong may tinitingnan siya sa likod ko habang nakanganga.
"Oh, speaking of the devil. Sigurado ka ba talagang hindi kayo?" Tanong niya na nakakaloko. Umalis naman siya at bumalik sa upuan niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Kakay habang may kinakausap sa likod namin. Di ko nalang pinansin kung sino man yun at yumuko sa desk ko para matulog. Too much information in a day.
Habang nakayuko naman ako, napansin kong parang may mabango kaya inangat ko yung ulo ko. Laking gulat ko naman ng nakita ko si Mike na may bitbit na bulaklak at nakatingin sa kin.
"Hopia, para sayo" Sabi niya habang naka extend yung right arm niya na para bang hinihintay na tanggapin ko yung bulaklak. Napansin ko naman na nakatingin yung mga kakalase ko samin habang ako naman ay napanganga dahil sa gulat.
Okay, did he just hit his head on a rock or somethiing? Anong drama nito at may dala dala siyang flowers?
BINABASA MO ANG
Ako na lang, Pwede?
Teen FictionA story about how love will soon shake our protagonist's quiet life. Will she be able to conquer everything and fight for the one she loves or will she give in to the pain and leave everything behind? "Alam ko naman na hinding hindi ko siya mahihigi...