Chapter 8

24 0 0
                                    

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumunganga sa kanya. Para kasing ang hirap i-process ang nangyayari ngayon. I mean, hello? Ni sa panaginip nga hindi naman to sumagi sa isip ko.

Bigla naman akong siniko ni Kakay kaya parang nagising ako.

"Ja, kanina pa yan naghihintay oh. Tanggapin mo na kaya."

Awkward naman yung way na pagtanggap ko ng bulaklak tas nilagay yun sa desk ko. Nag smile naman siya nun kaya lalo akong naguluhan. Seriously, there's something going on here.

"Anong meron?"

"Wala lang. Diba gusto niyong mga babae ang mga bulaklak?" Ano yun, napilitan?

"Wait lang. So, binigyan mo ako ng bulaklak dahil babae ako?" Tinaasan ko naman siya ng kilay nun.

"It's not like that." Pagtanggi naman niya na halata mong nainis ng bahagya dahil nagkasalubong saglit yung kilay niya. "Just, just accept it okay? Don't make things hard for me." Ano daw? Ginulo gulo naman niya yung buhok niya tas umalis ng room namin. Anong problema nun?

Pagka alis na pagka alis naman niya, pinaulanan naman ao ng tanong nila Liz at Kakay.

"Ja! Anong meron?"

"Ja! Bat ka niya binigyan ng bulaklak?"

"Nanliligaw ba yun sa yo?"

"Oh my god! Meron kang hindi sinasabi samin!"

"Yeah. Spill it Ja. Para naman tayong hindi magkaibigan eh."

"Pwede ba! Chill nga lang muna kayo!" Tumayo naman ako sa kinauupuan ko tas naglakad papaalis ng room.

"Oy, san ka papunta?"

"Sa cr lang." Pag eexplain ko naman.

"Weh? Baka naman magkikita lang kayo ni Mike ha?" Panunukso naman ni Kakay.

"Seriously guys, shut up!" Ayun. Walk out ang drama ko. Pano ba naman? Tanong sila ng tanong, eh ako nga mismo wala pa ring alam kung bakit yun ginawa ni Mike. Hahay.

Lunch came at lalong nagiging awkward yung atmosphere. Kasi naman, biglang naging sweet si Mike sakin.

"Hopia, yan lang yung kakainin mo?" Tanong niya naman

"Oo eh. Di naman kasi ako masyadong gutom" Nagulat naman ako kasi nilagay niya yung isang piraso ng manok sa plato ko.

"Ayan. Kumain ka nga. Kaya ka nagmumukhang kalansay eh. Ayoko pumayat ka kasi mawawalan na ako ng Hopia niyan." Nag smile naman siya sakin tas nagpatuloy siya sa pagkain niya. Seriously, kung normal pa ata ako na babae eh, nag spazz na sana ako. Gwapo niya nun eh, kaya lang na we-weirduhan kasi ako. Ano bang nakain nito at nagbago bigla ang pakikitungo nito sakin.

Dahil sa inis ko, binagok ko naman yung ulo ko sa table. Aray. Napalakas ata. Hinimas himas ko naman yung noo ko tas napatingin silang lahat sa kin.

"Hopia, okay ka lang ba?" Tiningnan ko nalang siya ng masama tas tumayo.

"Ja. San ka papunta?"

"Wala." I really need to get out of this room. tsk.

"Hopia!" Tatayo na sana si Mike kaya lang pinigilan ko. "Wag na wag mo akong susundan!" Sabi ko sa kanya habang turo turo ko siya. Medyo malayo layo na rin ako sa table namin at paglingon ko naman, nakita kong susunod pala talaga si Mike sakin.

"Sinabi ng huwag eh!"

"Bakit ba?"

"Eh sa ayaw ko eh!"

"Bakit nga?!"

"Basta. Ayaw ko. Wag ka talagang sumunod sakin" Naglakad naman akong papalayo ng napansin kong nakasunod parin siya sa kin.

"Bakit ba ang kulet ng lahi mo?! Sabing wag."

"Bakit ba talaga? Concern na nga tong tao sa yo tas tinataboy mo pa ako?"

"Edi wag kang maging concern sakin!" Naiinis na ako ah. The way he's acting as of the moment is nurturing the annoyance within me.

"Talaga lang! Bahala ka nga sa buhay mo!" At yun. Mas nauna pa siyang mag walk out sakin. Ginulo gulo ko naman yung buhok ko at lumabas na rin ng cafeteria. Tsk. Makahanap nga ng matatambayan.

 Nung hapon naman ay napag usapan namin ni Patpat na magkita. Nagreklamo kasi ako sa kanya na di na kami masyadong nagkakasama ngayon, kaya nag offer siya sakin na siya daw yung maghahatid sakin pauwi. Yey, free ride. :D

Naisipan ko naman na maglakad papunta sa klase niya, na thankfully naman ay nasa Department of Business and Accounting lang kaya malapit lapit sa building namin. Kung nasa department pa talaga nila yung klase niya baka di na ako nag effort pumunta sa kanya. Ang layo kaya nun :P And I'm also being considerate coz I know na ma ddrain na lahat ng energy nun pagkatapos ng klase niya.

Nanibago naman ako pagpasok ko ng DBA, di kasi ako palaging nakakapunta dito eh. Naisip ko namang mag explore muna saglit sa bulding nila tutal wala rin naman akong gagawin aside sa paghintay sa magaling kong kaibigan. Inakyat ko lang yung second floor at naglakad lakad. Sa malayo pa lang ay may nakita naman akong mga couch kaya naisipan kong umupo dun.

Medyo malapit na ako ng may narinig akong babae tsaka lalake na parang nagtatalo. Nagtago naman ako dun sa gilid para tingnan kung sino yun. Pasensya na, curious lang eh. :D

"Yan lang ba ang rason kung bakit mo ako pinapunta dito?" Inis na tanong nung lalake. Teka lang, kilala ko tong boses na to ah. Palihim ko namang tiningnan ulit yung lalake.

"Bakit ba galit na galit ka!?" Tanong naman nung babae.

"Sino ba namang hindi magagalit Nat? Pinapunta mo lang ako dito para kausapin ko si Mia!" Si Mike pala to eh.

"Look, I'm just helping you guys to fix your relationship. Pagpasensyahan mo na si Mia, pero alam mo naman siguro na hindi siya seryoso diba?"

"Bakit ganun Nat? Kung siya pwedeng maghanap ng iba, bat bawal yun sakin, ha? Paliwanagan mo nga ako. Kung siya nakahanap ng pampalipas oras, well kaya ko rin yun" Galit na sagot ni Mike

"At sino naman yang biktima mo? Yung kawawang sophomore student?" Sandali lang, sophomore???

"At san mo naman nakuha yang balita na yan?"

"Kalat na kalat yung mga efforts mo para dun sa babae. Palagi mo daw binibigyan ng flowers. My god Mike, wala ka bang originality? Yan rin yung pinaggagawa mo noon kay Yas ah. Sa tingin mo rin ba di ko alam na ginagamit mo lang siya para makaganti kay Yas?" Sh!t. Don't tell me...

"Kung ginagamit ko lang siya or hindi, wala ka ng paki dun. At bakit ba? Sa tingin mo ba hindi ko alam na ginagamit lang rin ni Mia si Herrera?" Double sh!t.

"Kaya nga pinapunta kita dito Mike. Dahil doon, nagising na si Mia. Pwede nang maging kayo ulit, pwede ka na niyang balikan, pwede----"

"Ganon na lang ba talaga kadali yun? Dahil na realize na niya yung halaga ko pwedeng maging kami ulit? Dahil nagising na siya magiging okay na ang lahat?!" Halata sa tono ni Mike na galit na galit siya. Well, HINDI LANG SIYA ANG GALIT NGAYON! Nagmadali naman akong umalis sa kinatatayuan ko baka mahuli pa ako nilang dalawa at lumabas ng building.

So that bastard is trying to play with me huh? Well, he better play it damn well coz I'll be playing it the way he wants. Akala niya!

Ako na lang, Pwede?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon