"Are you lost?" Wika ng lalake sa likod ko. Umikot ako para harapin siya kaya lang dahil sa lapit ng mukha niya sakin, napa atras ako mula sa aking kinatatayuan. Naka maskara siya, kakaiba. Ang daming disenyo kaya lang medyo malabo yun sa aking paningin. Ang tanging naka agaw ng aking atensyon ay ang kanyang mata.
"Ahh. hi-hinde.." sabi ko naman. Sino kaya to? Nakamaskara man, pero halata sa kanyang postura na may dating siya.
"You look like one." Sabay kindat sakin. Shemaaay. Nakakatunaw yung tingin niya.
♫♪♪ We are one tonight
And we're breathing In the same air
So turn up the love
Turn up the love
We're turning up the love♫
Bigla naman akong naalimpungatan dahil sa tunog ng phone ko. Dyahe naman oh, ang ganda na sana ng panaginip ko.
"mmm?"
"Tsk. Ano ba naman yan Hopia. Nasa kama ka pa?" Bungad nung nasa kabilang linya
"Mmm." Antok kong sagot.
"Bangon ka na nga. Dadaan ako diyan around 7. Bilisan mo para iwas traffic." Sabi niya tas may narinig akong flush. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig pagdinig ko nun. Napa upo tuloy ako sa higaan.
"Ano ka ba naman Mike! Mahiya ka naman, babae yung kausap mo! Nakakadiri ka." Pag angal ko naman.
"Ang arte mo Hopia. Para kang di nasanay. Tsaka di mo naman nakita yung-----" Pinigilan ko na kung ano man ang lalabas galing sa bibig niya. Narinig ko namang tumawa yung loko.
"Ahhhh! Shadaap! Sige na. Ibababa ko na."
"Bilisan mo ha? Baka mamaya matulog ka pa ulit."
"Di na nga. Sige na. Bye"
"Sige. Bye" Tas sabay naming binaba yung phone.
Wag na kayong magtaka. Yan na talaga yung routine ko every morning. Every MWF, sinusundo ako ni Mike sa apartment ko kasi pareho kami ng oras ng pasok kaya lang kapag TTh naman tinatawagan niya lang ako para magising. Yeah. He's my human alarm clock. :3
Naligo naman ako, nagbihis para pagdating ni Mike di na siya maghintay ng matagal. Di rin nagtagal nag text na siya sakin na nasa baba na daw siya. Mabilis naman akong bumaba at baka mapagalitan pa ko nito. Pagbaba ko naman, hinanap ko agad yung sasakyan niya at agad ko ring nakita kasi naka lean siya sa gilid. Paglabas ko ng building kumaway naman siya at lumapit ako.
"Ang tagal mo naman" Sabi niya tas pumasok na siya sa driver seat at ako naman sa likod.
"Grabe ka naman. As if ang tagal ko." Pagrereklamo ko.
"Tsk. Oh, kainin mo na tong sandwich para naman magkalaman ka." sabi niya tas ngumuso siya sa may front seat. Kinuha ko naman yung sandwich tas nilagay sa bag ko.
"Oh, bat nilagay mo sa bag mo? Diba sinabi kong kainin mo?" Sabi niya. Nakatingin pala siya sakin gamit yung rearview mirror.
"Ayoko. Wala pa akong gana. Mamaya na, kainin ko to after ng first class ko." Pag explain ko naman tas kinuha yung Matcha Green Tea dun sa lalagyan niya ng drinks at ininom.
"Ano ka ba naman Hopia, di mo na nga kinain yun iinom ka pa ng malamig?"
"Bleh!" tukso ko naman sa kanya tas napa iling nalang siya. Kainis tong lalakeng to, parang di nasanay sakin. Ganito talaga yung scene namin tuwing umaga. Lagi siyang nag te-take out ng breakfast from CB&TL tas binibigay niya sakin kaya lang di ko naman kinakain yung sandwich kasi nasanay na akong walang gana pag umaga kaya pinapagalitan ako ng loko. Nagmumukha tuloy siyang papa ko. :P
BINABASA MO ANG
Ako na lang, Pwede?
Teen FictionA story about how love will soon shake our protagonist's quiet life. Will she be able to conquer everything and fight for the one she loves or will she give in to the pain and leave everything behind? "Alam ko naman na hinding hindi ko siya mahihigi...