1⃣ Kung minamalas ka nga naman!

26 0 0
                                    

Fast Forward 4x

IYAH

Pababa na ako ng tricy galing ako ng bahay. Pagbaba ng mga nagbobonggahang black shoes ko.

"KRIKK"

OH Em to the Gosh , grabe! Bakit ngayon ka pa bumigay. Sabi ko naman sayo mamaya nalang pag uwi ko kahit sabay pa kayo ng kakambal mo.

Eto na naman ako nagpapakatanga. Alam ko namang sira tong sapatos ko sinuot ko pa rin. Pasensya wala akong pera eh. Mahirap lang kasi ako. Oo hampaslupa lang ako. H.A.M.P.A.S L.U.P.A pero wag ka maganda ako. HAHA

Wala akong nagawa syempre pumasok pa rin ako kahit sira na tong black shoes ay hindi pala sira. Sirang-sira na talaga.

Malapit na ako sa gate, biglang may kumalabit sakin.

"I.D?" Tanong ni manong guard.

Anak ng mamon naman oh? Nakalimutan ko pala I.D ko. Letse, buti nalang di ko nakalimutan mag *alam niyo na* Haha

Syempre, ngayon pa ba ako bibigay, hindi pwedeng basta basta nalang ako uuwi .kailangan kong ipaglaban ang asdffhdksoenxbdjdkd. Teka nga, Ano nga ba ang pinaglalaban ko?

Hindi ko na sinagot si manong guard, umalis na lang ako ng kusa. Mabait kasi ako Haha charoot! Umalis ako para maghintay ng pwede kong kasabay.

After 15 Minutes

Pagtingin ko sa relo ko.

"8:36"

Halla, late na ako. May quiz pa kami sa World Geography.

At heto na dumating na ang pinakahihintay ko. Ang larga ng mga Freshmen. Syempre Sama sama yang mga yan kapag lumalabas. At eto na ako nakipagsabayan para di ako makita ni manong guard.

Sa wakas nakapasok na ako,umakyat na rin ako sa building kung saan ang first class ko.

4th Floor

Papasok na ako ng pintuan ng classroom ko ng biglang .......

Iyah,anak? Kumusta? Tumawag ang teacher mo sakin at sinabing...

Naririnig ko boses ni mama.Dinilat ko ang mga mata ko. Nagulat ako sa mga nakikita ko. Teka, halla bakit napapalibutan ako ng mga taong hindi ko kilala at bakit ako nakahiga at si mama nandito kasama ang kapatid ko.

Nasaan ako? Tanong ko.

Anak? Iyah? Ano ba wala ka bang matandaan?
Si mama talaga magtatanong pa ba ako kung may alam ako. Syempre sa isip ko lang sinabi.

Wala po at ano ba ang nangyari? hindi sumagot si mama , Lumabas siya
dahil may importanteng tawag.

Excuse me? Paraanin ang maganda. Boses ni clarissa may bestfriend.

Bhe, ang tanga tanga mo . Ok ka na ba? Hindi ka kasi nag iingat eh. Sabi niya

Aba'y ateng alam ko ba kung ano ang nangyari basta nawalan na lang ako ng malay. Sagot ko.

Guys, tapos na ang palabas. Balitaan ko nalang kayo or manood kayo ng news mamaya baka ma i news si ateng tanga.Sabi ni clarissa sa mga estudyante sa labas.

Ayy nandito nga pala ako sa clinic ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ako napadpad dito. Balik tayo sa istorya ko. Yun nga nagsi alisan na mga estudyante. Ako, si mama,kapatid ko at si clarissa nalang ang naiwan sa kwarto.

Bhe, ano ba kasi ang nangyari? Kanina pa ako tanong ng tanong. Tanong ko.

Alam mo yung basketball? Sabi niya, binibitin pa talaga ako ng gaga.

Wag Tanga Teh! D bagay sa Ganda mo! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon