Page 2

24 0 0
                                    

CHAPTER 2

Hate at first sight

KRISHNA YOUNG

Nilapitan namin nila Elise yung bagong estudyante habang kumakain ito ng burger, sandwich, isang slice ng pizza, may nachos pa ito at nakatabi na rin dito ang strawberry fruit juice niya.

Napatingin ito sa amin. "Pwede bang umupo dito?" nakangiting tanong ko.

"Oo naman," maikli niyang tugon.

Actually marami kami sa klase at kanina ko pa siya gustong lapitan kaso nahihiya kaming lahat sa kaniya.

Nakita ko naman sa may di kalayuan ang grupo nila Jaynard na papunta sa counter para pumila.

Umupo na kami sa tabi niya habang tahimik itong kumakain. "Sino sila?" nagtatakang tanong niya. "Kanina na-encounter ko 'yang lalaking 'yan." Dagdag pa niya habang ngumunguya ako. "Hindi man lang nag-sorry pero hindi ko pa nakikita yung mukha niya."  Dagdag pa niya habang nakatitig ito sa direksyon nila.

Seryoso ba 'to? Pumunta siya sa harap niya kanina so ibig sabihin nag-iiwas lagi ng tingin yung lalaking iyon kapag nararamdaman niyang lilingon siya sa kaniya?!

"Mga sikat na varsity player, at campus crush sila pero kilala ring notorious troublemaker dito sa loob ng campus," bulong ko baka kasi may makarinig pa.

Mahirap na kapag may nakarinig o narinig nila na sila ang pinag-uusapan namin dahil kapag nangyari 'yun ay baka kami ang maging target nila.

"Krishna, huwag ka ng magtaka dahil kapag may lilingon sa kaniyang tao agad 'yang nag-iiwas ng tingin," komento ni Elise.

"Adelynne, magsalita ka naman." Siniko ko siya sa tabi ko.

Uminom ito ng strawberry fruit juice niya. "Guessing, do they have their own powerful family since they're also wealthy?" sabi niya ng patanong.

I shrugged. "I don't know," I replied.

"Okay," nagkibit-balikat niyang tugon.

Nang matapos na siyang kumain ay inilagay niya pabalik sa counter katulad ng ginagawa ng ibang estudyante pagkatapos kumain.

Nang humarap na siya at pabalik na siya dito ay nagkabanggaan silang dalawa. Parehas silang nag-angat ng tingin at nagkasalubong ang mga mata't kilay nilang dalawa.

Humarap ito sa direksyon namin ng may masamang ngisi at alam ko kahit nakatalikod siya ay isang masamang tingin ang ipinukol niya kay Cassandra.

"Pasensya na," mahinahong sabi ni Cassandra.

Saktong aalis na sana siya pero hinila ni Jaynard ang braso niya na ikinagulat ng lahat. Halata kasi sa mukha ni Cassandra na naaasar na siya kay Jaynard dahil sa ginawa nito.

"Away na ba ang sunod na mangyayari?" komento ng isang babae.

Huminga siya ng malalim sabay  marahas na inalis ang pagkakahawak ng kamay ni Jaynard sa braso niya bago umikot para harapin siya.

"Patay tayo," turan ko.

Inilapag niya ang ibabalik na sana niyang plato doon sa counter at hinarap ito na naiinis. Naglakad rin siya sa papalapit kay Jaynard at kaunti na lang rin ang pagitan nila.

StepbrotherWhere stories live. Discover now