CHAPTER 3
I'm the one who will finish it
BRUCE WILSON
Nasa hallway kami ngayon nakatambay sa mga lockers namin. Ayaw talagang papigil ni Jaynard sa balak niyang pagganti kay Cassandra. Sa awra at karisma pa lang ng babaeng binabangga niya ay tila ba nagkamali na siya ng binangga.
Paano kung sa lingid ng kaalaman namin ay malaking tao pala ang binabangga namin?
Hindi naman na bago ito dahil every year ay talagang may target siyang estudyante lalo na yung mga bagong estudyante na pumapasok dito pero itong babaeng binabangga niya ngayon ay iba.
Napapansin kong hindi siya man lang kinakabahan o natatakot sa kaniya, at halatang hindi niya talaga uurungan si Jaynard. Kung galing man talaga yung Cassandra-ng 'yun sa mataas na estado ng pamilya, dapat ngayon pa lang ay huwag na niyang ituloy ang binabalak niya.
"Ano? Handa na kayo?" aroganteng tanong ni Jaynard sa amin.
Cooper closed the book he was reading and spoke, "Jaynard, she's just a girl, so stop wasting your time," he said coldly.
Jaynard turned his attention to him and gritted his teeth. "Why would I? She messed with the wrong guy," he replied, and it was evident on his face how upset he was.
Cooper winced. "What if I told you that you also might have messed with the wrong girl?" Our eyes widened when we heard Cooper say that.
Jaynard slowly turned to face him with glaring eyes, walking towards him. "Stop talking nonsense!" He pointed his finger at him.
"Okay, it's up to you," Cooper said coldly again and opened his book, turning his attention back to it.
"Cooper, huwag mo na lang muna siyang kausapin," suhestiyon kaya tumango na lang ito sa akin.
Napansin kong talagang inaabangan niya ang pagpasok niya sa pintuan at napansin kong nakatingin ito sa tubig na ginagamit ng Janitor. Huwag niyang sabihin na ibubuhos niya yun sa sahig para madulas siya o kaya ibuhos yun sa kaniya.
"Nandiyan na siya," sabi ni Jaynard na halatang may binabalak na masama.
Nakita siya ni Cassandra, "Don't worry, hindi ako dadaan diyan." Wika niya at nginitian ng peke si Jaynard.
Naglakad siya padiretso at naalala kong may ibang daanan pa papasok. Kinuha ni Jaynard ang maruming tubig na ginagamit ng Janitor na ikinagulat naman ng mismong Janitor. Hinabol niya si Cassandra at parang siyang batang mag-isip.
"Hoy!" Sita sa kaniya ng Janitor. "Ibalik mo 'yan!" Galit na sigaw ng Janitor pero hindi niya ito pinakinggan.
Sinundan namin ito papunta doon at gigil na gigil talaga ito habang hinahabol si Cassandra. Gulat pa ang ibang mga estudyante na nakakikita sa ginagawa niya. Tumakbo kami papunta doon at ng saktong ibinuhos niya ang isang timbang maruming tubig ay sa principal namin napunta dahil malapit lang ito kay Cassandra.
"Patay," gulat kong komento.
"Siguradong sa guidance office ang bagsak niya," komento naman ni Jonas.
Habang si Cooper ay parang wala pa ring reaksiyon. "Hindi kasi siya nakikinig," malamig na komento lang nito.
Kitang-kita namin ang pagkainis sa mukha ng principal namin habang paunti-unti itong nagmulat ng mga mata niya. Napalunok kami dahil alam na namin kung anong parusa sa ginawa niya. Either detention or suspension for 1 month.
YOU ARE READING
Stepbrother
RomanceJaynard is known as the notorious troublemaker on his school campus, but he crossed paths with the girl he didn't expect to fight him. Every time their paths cross, there is always a quarrel. They really hated each other from the first time their e...