CHAPTER 2

0 0 0
                                    

C H A P T E R  2
⸻✰⸻

Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko sa bar ay sermon kaagad galing saking ama-amahan ang nadatnan ko.

"Ano Luisa?! wala na namang ulam? 'diba sinabi ko sayong kapag uuwi ka may ulam na dapat?!" malakas nyang sigaw sakin sabay sampal ng malakas sa kaliwa kong pisngi. Inipon ko ang sama ng loob at pinigilang maluha. Dahil alam kong 'pag nakita nila akong lumuha, talo ako.

"Pasensya na po, kakauwi ko lang pong galing trabaho." nakita kong nakatingin lang ang mga anak ni tito Armon at ang nanay kong walang magawa sa ugali ng bago nyang asawa.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto kong 'sing laki lamang ng banyo at doon na nga bumuhos ang pinipigilan kong luha.

Pagkatapos kong patahanin ang sarili ko, pumunta na 'kong kusina para ipagluto sila ng makakain nila.

Nang makapagluto na ko ng hapunan ay muli akong bumalik sa kwarto upang gawin muna ang mga activities na pinagawa ng prof kong terror.

Bumaba ako kaagad dahil sa nakaramdam na ko ng gutom ngunit gano'n nalang ang pagkadismaya ko ng wala akong nadatnan na ulam maski kanin.

Alas nwebe na ng gabi ay dahan-dahan akong lumabas ng aming bahay para mag muni-muni. Habang naglalakad ako, naramdaman kong parang may nakatingin sakin kaya't lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita kundi ay puno.

Weird.

Bigla kong naisip ang sinabi nya kanina. "Pay or be my servant." "I'll pay you ten thousand a week if you will agree to be my servant."

Naisip kong malaking tulong yon para samin, hindi ko na kaylangang magtrabaho sa bar. Kaya ba ng dignidad kong maging alila ng kapwa ko estudyante?

Huminto ako ng makita ko na ang paborito kong lugar. Ang park na lagi kong tambayan tuwing may problema ako.

Umupo ako sa swing at tinignan ang mga bituin. Muli na naman akong naluha. Lord bakit ganto? naging mabuting anak naman ako ah? bakit pinaparusahan mo ko ng ganto?

Natigil ako sa pagluha nang narinig kong may umupo sa katabi kong swing.

Isang lalaking matangkad at moreno. Pamilyar ang mga mata nya. Kamukha nya yung lalaking laging naka mask at cap.

"Bakit ka umiiyak?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Lalo akong naiyak ng tinanong nya ko.

Lumayo sya saglit at bumalik nang may dalang ice cream.

Inabot nya sakin ang isang cheese flavor at sa kanya naman ay cookies and cream. Ito lagi ang kinakain namin ng dating bestfriend ko kapag malungkot ako. Pano nya nalamang favorite ko to? o baka coincidence lang.

"Thankyou, favorite ko 'to" nakangiting sabi ko sa kanya.

"I know." nagtaka ako sa sinabi nya dahil ngayon lang naman kami nagkakita.

Napatingin ako sa relo ko at mag aalas dyis na pala. Kaylangan ko nang umuwi at baka malate na naman ako bukas.

"Ah salamat talaga sa ice cream ha! pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo?"

"Den Avion Villegas"

⸻✰⸻

Nagising nalang ako dahil sa tunog ng alarm ko. Alas sais na pala. Bumaba ako kaagad upang ipagluto sila ng agahan.

Naabutan ko si Aaron, step brother ko, na nagluluto ng agahan.

"Ate para sayo 'to." nagulat ako sa sinabi nya dahil baka marinig sya ni tito Armon, pero paniguradong lasing na naman 'yon kaya mamaya pa 'yon magigising.

Kaagad kong tinanggap ang niluto nya para sa'kin.

"Nako salamat Aaron, nag-abala ka pa. Sige na mag-asikaso ka na, ako nang magluluto."

Mukang malelate na naman ako.

⸻✰⸻

"Why are you late again huh? Ms. Cruz?!" sigaw na naman ng prof namin. May regla na naman si Sir?

"Nawala po yung ballpen ko" sabay ngisi ko. Nakita ko si Lily na namutla dahil sa sinabi ko.

"Go to my office! now!" mas lalo yata akong namutla sa sinabi ni sir. Napasama pa yata pagbibiro ko, si Sir naman ih di mabiro.

Nakasimangot akong nagpunta sa office ni Sir. Badtrip na naman!

Sumilip muna ako sa pintuan ng office ng maaninag kong nakatingin ng malagkit si Ma'am Dela Cruz sa lalaking pamilyar sakin.

"Yes, I will. Let's meet after lunch Ma'am Dela Cruz" napasinghap ako sa sinabi ng lalaking nakatalikod sakin.

May secret relationship ba yung student na yun tsaka si Ma'am Dela Cruz?

Napaubo akong pumasok sa office at naupo sa upuan ni Sir Dominguez.

Napansin kong napatingin sakin ang lalaking nakamask. Wait? Sya yun ah?

Nang bigla akong may natanggap na message.

Unknown: "Let's meet during lunch at canteen. You must decide now or else, I'll make you pay for it."

Napatingin ulit ako kay kuyang nakamask habang nanglalaki ang mata ng bigla na lamang sya naglakad palabas at parang umirap pa yata.

"Shit naman, papayag na ba kong maging alila nya?"

Where Am I?Where stories live. Discover now