CHAPTER 3

0 0 0
                                    

C H A P T E R  3
⸻✰⸻

Nandito na nga ako sa canteen at hinihintay nalang syang dumating.

Nakapagdesisyon na ko, papayag na kong maging alila nya. Kaylangan ko ng pera para sa sakit ni Nay Risa.

Ngunit natapos na ang oras para sa lunch ay hindi sya sumipot.

'Di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko nang maisip kong pinaglololoko nya lang ako.

Nakalimutan ko na nga ring kumain dahil sa kakahintay sa kanya ay 'di ko namalayang tapos na pala ang lunch time.

Nanlalambot akong bumalik sa room namin habang kumakalam ang sikmura.

Pagkapasok ko nga sa room ay napansin kong wala ang kaybigan kong si Lily pero nandoon ang crush kong si Jay kaya kahit papaano'y nabuhayan ako ng dugo.

Naupo na nga ako at saktong pagdating ng prof namin ay kumalabit sakin si Jay at may inaabot na tinapay.

Taka akong tumingin sa kanya.

"I saw you kanina, hindi ka kumain ng lunch. Dali na kainin mo to." kinabahan ako na baka mahuli kami ni Sir.

Wait? inistalk nya ba ako?

Nahihiya man ay tinanggap ko nalang ito at patagong kumain. Mabuti nalang at sa likod naman ang pwesto namin.

⸻✰⸻

Alas tres na ng madaling nang bigla akong nagising at hindi na makatulog.

Bigla ko nalang naisip yung pinapagawa ni Sir Dominguez dahil sa palagi akong late.

"Gagawa ka ng research about sa topic na kahit anong gusto mo, pero hindi naman ako ganong kasama para pahirapan ka. You'll be with this 3rd year archi student, Dex Amion De Vega."

Hay nako, dagdag pagod na naman.

"Lagi ding syang late sa klase ko kaya naisip kong it will be a perfect fit kung pagsasamahin kayong dalawa" sabay may nakakalokong ngisi akong nakita sa mga labi nya.

Nawala ako sa pagkatulala ko nang may kumalabog sa tabi ng bintana ng kwarto ko.

Dali-dali akong nagtalukbong ng kumot dahil sa takot.

"Gagi baka multo yun? alaa tres pa naman daw lumalabas ang mga multo."

Pinilit ko na ngang matulog para makalimutan ang nangyari.

⸻✰⸻

Nasa tambayan kami ngayon ni Lily, sa harap ng school. Naisip kong kaylangan ko pala ng laptop para sa research namin.

"Lily may laptop ka ba?" alam kong maganda ang buhay nila kumpara saamin kaya paniguradong meron syang pambili ng mga kaylangan nya.

"Oo kaso pinapaayos ko pa e, nabasag ko kasi yung screen kagabi." nanlumo ako dahil sa narinig.

Baka yumg Dex na yun merong laptop?

Where Am I?Where stories live. Discover now