CHAPTER 4

1 0 0
                                    

C H A P T E R  4
⸻✰⸻

Linggo na nga ngayon at kaylangan ko nang pumunta sa kanila kahit masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil sa sinabi nya nung isang araw.

Nakasuot lang ako ng simpleng pantalon at t-shirt.

Nagpaalam na ko kay Nay Risa na may gagawin lang akong project sa school. Mabuti nalang at pumayag sya basta't wag lang daw magpapagabi.

Nang makalabas na 'ko ng kanto ay pumara na 'ko para sumakay sa jeep.

Pagkatapos ng bente minutong byahe ay nakarating na 'ko sa pupuntahan ko. Sa harap ng bahay nila Dex.

Nagulat ako sa laki ng bahay na parang mansyon na sa sobrang laki.

"Miss ano po 'yon?" tanong ng gwardya na nasa gilid ng gate.

"Ah gagawa po kasi kami ng research ni Dex."

Pagkatapos nyang tawagan ang kung sino man ay pinapasok nya na rin ako sa gate. Nakalimutan kong hingin ang number nya para masabing nandito na 'ko. Buti nalang at may nakita akong maid nila na nagdidilig ng mga halaman.

"Ate si Dex po?" tanong ko sa mahinang boses dahil na rin sa hiya.

"Ay nandoon sa library ineng, mukang may hinihintay. Tara samahan kita."

Nang makapasok na kami ay mas lalo akong namangha dahil sa mga gamit na paniguradong mamahalin.

Maingat akong naglakad papunta sa library nila.

May nakita akong malaking painting, family picture nila. Nakaramdam ako ng inggit dahil alam kong hinding-hindi ko 'yon mararanasan. Ngunit nagtaka ako dahil walang hawig si Dex sa mga magulang nya. Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita ang matanda.

"Sige pasok ka lang ineng, maiwan na kita."

Nagpasalamat ako sa kanya. Kumatok muna ako ng tatlong beses sa pinto.

"Come in." sabi nya sa mababang boses.

Dahan-dahan muna 'kong sumilip bago tuluyang pumasok.

Sobrang laki ng library nila, mas malaki pa yata sa bahay namin.

Hindi ko sya tinitignan sa mata dahil sa masama pa ang loob ko sa kanya.

"Bilisan na natin ang gagawin na natin. Ayokong magtagal pa rito." bulong ko gamit ang matamlay kong boses.

Tumango sya at inayos ang laptop pati na rin ang pagpepwestuhan namin.

Pagkatapos ng tatlongpung minuto ay lumabas sya ng library.

Pagbalik nya ay may dala na syang mga pagkain at juice.

"Eat." maikling sabi nya.

'Di ko sya pinansin at patuloy pa rin sa ginagawa.

Napansin kong maya't maya ang tingin nya sa'kin kaya't naiiritang lumingon na 'ko sa kan'ya.

"Ano bang problema mo?" medyo malakas kong sabi sa kan'ya.

"No, what's your problem?" madiing sabi nya.

Napairap nalang ako dahil sa sinabi nya.

Parang 'di nya naaalala yung nangyari nung isang araw ah? kung pagsabihan nya 'ko ng maruming babae ay akala mo'y kilalang kilala ako.

Natigilan sya na tila may naalala.

"Look, I'm sorry sa nasabi ko. Hindi ko sinasadya. I'm just not in the mood that night. Something triggered me."

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa inis.

Nagulat ako nang bigla nya kong yakapin sa bewang.

"Please pansinin mo na ko." may halong pagmamakaawa ang sinabi nyang 'yon.

"Oo na bitawan mo na 'ko, tapusin na natin yung ginagawa natin."

"Talaga?" sabay halik ng mabilis sa kanan kong pisngi.

Gulat akong napatingin sa kanya at nakita kong may ngisi sa mga labi nya habang nakatingin sa laptop. Pakiramdam ko tuloy ay ang init na ng library kahit malakas naman ang aircon.

Ngayon ko lang nalaman na ang masungit na Dex ay may ganito palang side.

"What?" bumalik sa seryoso ang kanyang muka.

Kanina ang lambing tapos ngayon masungit na naman. May problema ba 'to sa utak?

⸻✰⸻

Kasalukuyan akong naglalakad mula kanto papunta samin. Pinipilit pa 'kong ihatid ni Dex sa bahay namin, pero tumanggi ako dahil baka isipin ng nanay kong boyfriend ko sya at pagalitan pa ako. Inabot na nga kami ng alas sais dahil sa pagiging makulit ni Dex.

Nakita ko na naman si Tito Armon na nakikipag-inuman sa mga kumpare nya sa harap ng bahay namin.

Nakita ko na naman ang ngisi ng kumpare nyang mapayat na maitim na sa tingin ko'y nasa 60's na.

Kinilabutan man ay deretso pa rin akong naglakad papunta sa bahay namin.

Natigilan ako ng humawak sa puwitan ko ang matandang iyon.

Nagtawanan ang mga kasama nya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko patakbo sa kwarto ko.

"Bakit ginabi ka ha Luisa?! 'Di ba ang sabi ko sayo ay wag kang magpapagabi!" sigaw ng nanay ko.

Alas sais palang naman ay akala mo'y alas dose na kung makasigaw ang nanay ko.

Naligo kaagad ako habang lumuluha habang kinukuskos ng mabuti ang katawan ko. Nakakadiri sila. May asawa't anak na ay nakakagawa pa ng ganong bagay sa iba.

Nang tumahan na ako'y nahiga na 'ko sa higaan ko nang biglang may nagtext sakin.

Unknown: "Nakauwi ka na Lui baby? This is your Dex"

Ano daw? Lui baby? your Dex? Nababaliw na naman 'tong lalaking 'to.

Pinalitan ko na ang name nya para 'di na 'ko nagtataka tuwing nagtetext sya saakin.

: "Oho nakauwi na. Wag ka ngang ganyan."

'Di ko namalayang nakangisi na pala ako habang nagrereply.

Sungit: "Why what's wrong with me calling you 'baby'?"

Napairap nalang ako habang nakangisi at hindi nalang nagreply sa kanya.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Pinatay ko na nga ang data at ang phone ko sabay natulog na.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where Am I?Where stories live. Discover now