Kabanata 4

90 2 0
                                    

"Doon ka muna titira sa Lola mo, sa ayaw o sa ayaw mo! Grow up now, Jenny!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Doon ka muna titira sa Lola mo, sa ayaw o sa ayaw mo! Grow up now, Jenny!"

Habang bumabyahe tungong Bicol, dinamdam ko ang mga sinabi ni Daddy. Sana nga ay masira na lang ang sasakyan na 'to o sumabog nalang sana ang eroplano kanina! Who cares? Living in this province means hell! Mas gugustuhin ko pang ganoon na lang ang mangyari kaysa manirahan sa probinsya!

Okay naman sa akin umuwi sa hacienda kada linggo dahil family day iyon. Understandable! Pero ang manirahan dito ay hindi ko 'ata kakayanin!

Anong gagawin ko rito? Tutunganga? Manonood ng mga taong nagtutubo at nagsasaka? O baka paalagaan na rin sa'kin ang mga hayop na nandito at gawin akong haciendera? O baka naman pag-araruhin nila ako at paglinisan ng tae ng baka, kambing, baboy, at kung anu-ano pang uri ng hayop sa lupain!


Hell! No!


The Jenalyn Elaine Walker in a province? The Walker princess? Uh, that's not me! Probinsya life is kadiri! I don't care if it is our hacienda. It's just big no! I will surely miss my nightlife in Manila! Pinunasan ko ang lumandas na luha sa aking pisngi nang makapasok kami sa bukana o gate ng lupain ng Lolo ko.

My professor caught me cheating on my final exam, and this is my punishment for doing that.

God, I'm sorry, okay?! Bobo kasi ako sa Math! I just want the semester to be done! At itong si Daddy naman, akala niya unang beses ko itong ginawa kung maka-react ng ganito! Pinatapon pa talaga ako dito! Kasalanan ko bang ang hirap-hirap ng Business Finance?! Nakakainis!

Minadali ko ang pagsagot dahil aalis kami nila Sabrina. I was pressured! Ako nalang ang naiiwan sa circle namin, and that time, wala na akong oras kaya nag-resort nalang ako for cheating. It's not that morally wrong, right? It's just cheating on the test paper! Kaya ko naman ikumpisal 'yan.

Kakasimula palang ng exploration ko pagdating sa mga nightlife activities tapos sa isang iglap, nawala na lang 'yon dahil sa putang inang Business Finance na subject 'yan?

Ni-lo-look forward ko pa naman ang first year college ko lalo pa't mas marami akong oras para makapag-explore, magawa ang mga bagay na napapanood ko lang sa mga movies; going to different bars! Having fun! Kissing boys and hooking up! Hindi naman na bago sa akin ang makipaghalikan pero iyong pag-ba-bar? Pangalawang beses ko palang na-e-experience 'yon simula nang mag nineteen ako!

Nakabusangot lang ako sa buong biyahe.

Wala na. My life is hopeless! Sira na ang buhay ko! Daddy took away my buhay kadalagahan by throwing me in this province! Ano ba namang klaseng buhay 'to!


"Magandang umaga, Senyorita!"

Isang busangot ang ginawad ko kay Manang Malou, ang mayordoma ng mansyon. Alas sais palang ng madaling araw kaya naman tahimik pa ang lugar ngunit may mga tauhan na akong namamataan sa 'di kalayuan ng lupain ng hacienda.

Across the Divide (Walker Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon