10: The Past

25 0 0
                                    

Jewel Series: Maria Andrea Ledesma

Chapter 10: The Past

---

Madrid, Spain
35 years ago

"Don't you even think about it." may pagbabantang sambit ng isang dalaga sa kasintahan nito.

Ngunit tumawa lamang ang kasintahan saka sya hinabol para sabuyan ng tubig.

"Merda! Merda! Nooo!" pagsisigaw nito habang tumatakbo palayo sa kasintahan ngunit nahabol sya nito at mabilis na sinabuyan ng malamig na tubig. "Corazoncito!!" galit na sigaw nito sa kasintahan habang nanginginig sa lamig dahil sa tubig ng pool na binuhos nito sa kanya.

Natatawang lumayo ang binata sa kasintahan para hindi sya nito mapalo.

Napasimangot ang Dalaga habang nakatingin sa kasintahan sa hindi kalayuan. "That's it! I'm going home" irap na sambit nito saka tinanggap ang towel na inabot ng isang katulong sa kanya at akmang maglalakad na paalis ng pigilan sya ng kasintahan.

"okay, okay. I'm sorry." paghingi nito ng tawad ngunit tumatawa padin.

"Sorry.. Sorry.." pinaningkitan ito ng mata ng dalaga. "You are a repeat offender, so no. I'm going home"

"No.. No.. I swear I won't do it again."

Hindi agad naniwala sa kanya ang kasintahan ngunit ng makita nito sa mga mata ng binata na mukhang hindi na nga talaga ito uulit ay pumayag syang manatili.

Bumalik sya sa pagkakaupo sa deck chair sa gilid ng pool habang nasa balikat ang towel na binigay sa kanya kanina.

Ang kasintahan naman ay nagpatuloy sa paglangoy sa pool habang sya ay natiling nakaupo sa deck chair at paminsan minsang umuupo sa gilid ng pool dahil sa binasa nadin naman sya ng kasintahan.

Nakangiting pinagmamasdan ng dalaga ang kasintahan na nag eensayong lumangoy.

I do have a gorgeously hot boyfriend.

Naputol ang pag eensayo ng kasintahan ng tawagin ito ng bulter ng Ama nito.

"My lord, you have a visitor in the living room." sambit ng butler ng Ama, agad na umahon mula sa tubig ang kasintahan at tumingin sa dalaga. "Should I direct the Lady here?"

Nalukot ng mukha ng binata ng mapagtanto kong sino ang tinutukoy nitong bisita. "No, tell her to leav--"

"Yes please, Tell V that we're here." sambit ng kasintahan na ikinasimangot ng binata.

Agad na yumukod ang butler para sunduin ang bisita kaya ng maka alis ito ay natatawang humarap ang dalaga sa kasintahan at yumakap dito. "Don't be so hard on V, she's having a tough time."

He tsked. "Hard time my ass. If she isn't your friend, I won't let her in here. She's ruining my time with you."

"Why are you always against me inviting her here?"

Natahimik ang binata at ilang minutong nag isip bago nagsalita. "I just don't want to." sambit nito but she didn't buy it.

Alam nyang may iba itong rason pero ayaw lang nito sabihin sa kanya, she also knew how her friend is so vocal with her crush towards her boyfriend at naiilang ata ang kasintahan dahil sa kaibigan nya kaya ayaw nitong iniimbita nya ito.

nagkibit balikat nalang sya at hinalikan sa labi nang kasintahan na agad naman nitong tinugon.

At yon ang posisyon nila ng dumating ang bisita at ang butler ng ama ng binata.

Jewel Series: Maria Andrea LedesmaWhere stories live. Discover now