Chapter 1

31 2 0
                                    

Franx Rondel's Point of View

Hello, everyone! Ako nga pala si Franx Rondel, 17 years old at isang senior high student. At syempre, isa rin akong role player sa Role Play World o mas makilala bilang RPW. Of course proud ako, doon ko nakilala ang honeybunchsugarplum ko, eh. Gross, Franx.

"Franx! Bumangon kana diyan! Nakabihis na yung mga kapatid mo tapos ikaw ni-mag toothbrush hindi mo pa nagagawa!" grabe talaga yung boses ni Mama, rinig hanggang dito sa second floor.

"Opo, Ma! Wait lang!" sigaw ko pabalik. Aba, hindi ako magpapatalo no. Kung palakasan lang din naman ng boses, tumabi na kayo. Kaya ko na to.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at inopen ang messenger ko. Agad namang gumuhit sa aking mga labi ang ngiti nang makitang may chat si Primo. Oo, si Primo Saito. Yung nasa prologue kanina.

"Good morning, my sunshine! Gising na, mal-late kana."

"Hoops! Mag toothbrush muna bago mag reply sakin."

"Enjoy your day, Karfy! Galingan mo ulit sa school!"

At hindi ko na nga napigilan ang mapa-tili. Shocks! Alam na alam niya talaga kung paano ako kunin!

"Hoy bata ka! Anong sinisigaw-sigaw mo diyan? Bumangon kana dahil paalis na sila Kuya mo! Ayaw mo naman sigurong maglakad ka, ano?" napatigil ako sa kaka-tili at naiwang nakabukas ang bibig dahil sa pagkagulat. Ano ba tong si Mama daig pa ang kabute, sulpot nang sulpot kung saan, eh.

"Good morning, Ma! Susunod na po ako sa baba. Wag kang magpaka-stress diyan, Ma. Maaga pa, baka tumanda ka niyan agad." napailing naman si Mama bago umalis. At ako naman ay muling inopen ang cellphone ko at nagsimulang magtipa.

"Good morning din, Prim!"

"Mag r-ready na ako para sa school. Ingat ka!"

Ganito kami araw-araw. Nakakapag usap lang kami sa pamamagitan ng cellphone. Sa Bohol kasi ako nakatira habang siya naman ay sa Antipolo. Ang layo, diba? Hahaha! Pero ayos lang, nakaya nga naming magtiis ng anim na buwan na sa cellphone lang nag uusap. Ay? Mag shota yan?

Dali-dali nakong bumangon at naghanda para sa pagpasok ko. One, two, three na ligo lang ang ginawa ko dahil baka iwan ako nila Kuya pag nagtagal pa ako. Matapos makapagbihis ay dali-dali nakong bumaba para kumain ng almusal.

"Aba, ang bilis, ah!" manghang saad ni Papa.

"Hindi kana nasanay diyan, eh halos araw-araw na ganiyan yan dahil sobrang aga kung magising." saad naman ni Mama.

"Si Mama naman, oh! Panira eh. Pinuri na nga ni Papa." nakasimangot kong wika habang nagpapalaman ng tinapay.

"Inumin mo na yung milo mo diyan, baka lumamig na yan." sabi ni Mama. Agad naman akong napangiti dahil don. Hays, paganyan-ganyan lang yan sila Mama pero sobrang love ako ng mga yan!

"Aba, bilisan mo naman. Eight o'clock ang pasok natin, baka lang nakakalimutan mo." saad ni Kuya James na halatang naiirita na.

Nilunok ko muna yung tinapay na nginunguya ko bago sumagot. "Anong oras na ba?"

Mukhang mas nainis pa si Kuya dahil sa naging sagot ko. "For pete's sake, Franx! It's already seven fourty-five!"

Halos maibuga ko naman ang kinakain ko. (Joke, nalunok ko na pala kanina sabi ni Author.)

"Just take your time eating, Franx. Breakfast is the most important meal. Five minutes lang naman ang biyahe papunta sa school niyo. Oa lang talaga yang Kuya mo." um-agree naman ako kay Papa. Hays, hindi mo ko matatalo. Madami akong kakampi.

Your Fabricated TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon