Franx Rondel's Point of View
"Huy! Tara na Vince! Wag ka namang kj diyan!" nakailang sigaw nako sakaniya pero hindi pa rin siya lumalapit. Ang mokong busy kakapindot sa laptop niya.
"Later, Franx. I'm still busy with these important things." ayan nanaman yung sagot niya.
Kanina ko pa siya inaaya na mag swimming na dahil ang ganda ng panahon. Pero ang mokong, kanina pa ako iniignore. Tsk.
Napangiti naman ako nang may maisip akong kalokohan. Agad akong lumapit sakaniya. Busy pa rin siya sa kakapindot sa laptop niya.
"Hey, Vince." tawag ko sakaniya.
"Later, Franx, okay? Promise susunod ako. Need lang talaga to mapasa ngayon." tumingin siya sakin. "Sorry ah, nasa bakasyon tayo but here I am, doing something." sabi niya. Pagtapos non ay nagpatuloy siya sa pagtitipa sa keyboard ng laptop niya.
Ngumiti ako bago simulan ang plano ko.
"Later na yan. Let's just enjoy this moment together." I said using a seductive tone before closing his laptop. Napatigil naman siya at napatingin sakin.
Mas lumapit pa ako sakaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi niya.
"I'll help you with your works later, okay? Parang ewan naman kasi akong nag lalalangoy dun mag isa." huminto ako. "Tara na, or else..." mas lumapit ako sakaniya. Kita ko naman ang biglaang pagkapula ng mukha niya.
Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako lumayo sakaniya at humagalpak sa kakatawa.
"Look at your face, Vince. Daig mo pa kamatis sa pagkapula ng mukha mo!" sabi ko sa gitna ng pagtawa ko.
"I-it's not funny, Franx!" he said, looking at me straight to the eye. Nakasimangot siya habang hawak ang dibdib.
Nag-alala naman ako nung nakita kong nagtataas-baba pa rin yung dibdib niya.
"H-hey, okay ka lang?" lumapit ako sakaniya.
"Hindi magandang biro yon..." sabi niya.
Nakonsensya naman ako. "Sorry." nasabi ko nalang.
"...I don't know if kakayanin ng puso ko pag naulit pa yon." bulong niya na hindi ko masyadong narinig.
"Huh?" tanong ko.
"Nothing. Tara na. Kala mo naman batang mawawala pag iniwan ng magulang." sabi niya bago tinabi ang laptop.
Humakbang na ako paalis ngunit napahintong muli nang hindi ko narinig ang pagsunod niya. At kung paglaruan ka pa ba naman ni tadhana. Pano ba naman, nung saktong paglingon ko ay sakto ring pag hubad niya sa suot niyang polo.
"Baka matunaw." sabi nito bago ako lagpasan.
Shit! Nahuli niya ba akong nakatingin? But no! Sinong nagsabing nakatingin ako sakaniya?!
"Hoy! Sinong nagsabing nakatingin ako sa katawan mo? Ni-wala ngang abs!" sigaw ko sakaniya.
"First of all, wala akong sinabing nakatingin ka sa maganda kong katawan." umarte akong nasusuka. "At pangalawa, pano mo nasabing wala akong abs kung hindi ka nakatingin kanina?" napatahimik ako.
"Or maybe... hindi mo nakita ng maayos?" he said, looking at me straight to the eye.
Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko kaya agad akong tumingin palayo.
"Shut up. Maligo nalang tayo." nasabi ko nalang.
Naknang! Mukhang nabaliktad yung plano ko, ah!
Gaya nga ng napag usapan eh naligo na kami ni Vince. Pero kanina pa ako tinatawanan ng mokong dahil kanina pa ako andito sa mababaw na part habang siya eh halos lumubog na sa sobrang lalim ng tubig.
BINABASA MO ANG
Your Fabricated Truth
Short StoryI met him online. We are both role-player in Role Play World or also known as RPW. We talked and talked and friendship began to grow. But then, things changed faster than a bullet. Our friendship soon became 'something'. And that 'something' is now...